Kabanata 9

10 0 0
                                    


Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na si Debby. Hindi kasi siya sanay makitulog sa ibang bahay. Kahit kina Lala ay bihirang bihira siya payagan ng kanyang ama na mag sleep over doon. Naalala pa nga niya nung nagkaroon sila ng Girl Scout camping sa Camp Makiling, Los Baños nung high school, natulog sa labas ng camp site ang magulang niya para lang mabatayan siya. Kaya naman hindi siya makapaniwala na pinayagan siya ngayon ng kanyang daddy.

Nakaramdam siya ng uhaw kaya naman dahan-dahan siyang bumaba ng kama para hindi magising ang katabi niya na si Yuna na himbing na himbing parin sa pagkakatulog. Mag aala-una narin nang natapos ang kwentuhan nilang dalawa kaya naman siguradong antok na antok pa ito.

Pumunta na sya agad sa kusina. Naabutan niya si Josh na nagluluto roon.

"Good morning," bati niya rito na ikinagulat ng binata. Humarap ito sa kanya.

"Ang aga mo namang magising, gutom ka na? Wait lang ha, tapusin ko lang itong niluluto ko," bumalik ang tingin nito sa kanyang ginagawa.

"Hindi okay lang, iinom lang ako ng tubig," nagkusa na siyang kumuha ng tubig atsaka pinanood ang binata na tuloy lang sa kanyang ginagawa. Mayamaya pa ay pumunta na ito sa mesa upang ihain ang kanyang niluto.

"Kumain ka na," alok nito sa kanya atsaka ito umupo sa harap niya.

Tiningnan niya ang niluto ng binata. Scrumbled eggs na may patatas at kamatis.

"Di ka ba nakain nito?" may pag-aalalang wika ni Josh, "ipagluto na lang kita ng iba," akma niyang kukunin ang pinggan pero pinigilan ito ni Debby.

"Hindi, I mean kumakain ako nan. Hehe. Nakakatuwa lang na makitang ipinagluto mo ako. Salamat," nginitian niya ito.

Para namang nakahinga ng maluwag si Josh. Nag research pa siya kung ano ang pwedeng ihain na breakfast sa isang vegetarian at dahil limited lang din ang mga pagkaing naroon sa ref ni Yuna, ito ang kanyang naisip lutuin.

"Akala ko di ka kumakain nito ih,"

"Pasensya na ha, kelangan mo pang iconsider kung ano ang pagkaing pede sa akin," sa totoo lang ay sobrang nahihiya na siya sa abalang ibinibigay niya kay Josh. Kailangan pa nitong isipin kung makakain ba niya ang ihahain na pagkain samantalang bisita lang siya dito.

"One," sambit ni Josh.

"Anong one?" nagtataka niyang tanong.

"One strike ka na sa paghingi mo na naman ng sorry. Sabi ko naman sayo wag kang sorry ng sorry,"

"Ih kasi naabala pa kita—"

"Shhhhhh. . . sige na sige kumain na tayo okay?" pag saway nito sa kanya.

Hindi na tumutol pa si Debby. Matapos manalangin ay tahimik na silang kumain. The silence was not awkward tho, komportable lang sa kanilang pakiramdam.

Matapos nilang kumain ay hinila na agad ni Josh si Debby sa labas. Mag-aala-sais na ng umaga kaya naman sumisilay na si haring araw.

"Mag j-jogging ba tayo?" nagtataka niyang tanong dito.

"Hindi, wait lang may kukunin lang ako," iniwan saglit ni Josh si Debby at pagbalik ay may dala na itong bike.

"Matagal ko na ring hindi nagamit to ah," bahagyang pinagpagpag ni Josh ang bike na dala. Luma na ito ngunit maayos pang tingnan.

Tiningnan lang siya ni Debby.

"Oh tara, gawin natin yang nasa bucket list mo," nakangiting aya niya sa dalaga.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now