Lumalalim na rin ang gabi kaya dama na rin ang lamig ng hangin. Kasalukuyan silang nasa veranda.
Inabutan si Josh ng isang baso ng daddy ni Debby. Nagtataka niyang tinanggap ito. Kahit ngayon pa lang niya nakilala ang pamilya nila, he can say that this man is not into alcohol.
"Don't worry wine lang yan, gamot sa puso" dipensa ng matanda. Uminom nito ang wine sa kanyang baso bago muling nagsalita. "Magiging straight forward na ko iho, lalaki rin ako kaya alam ko na yan,"
Ininom ni Josh ang laman ng baso. Nakukutuban na niya ang nais sabihin nito, pero hinayaan niya lang itong magsalita.
"Ngayon lang nagdala ng lalaki yan si Debby dito, knowing that I'm very particular sa mga nagiging kaibigan niya. You must be special to her," muli itong nagsalin ng wine.
Masyado atang mabilis ang pag iisip ng magulang ni Debby, naisip ni Josh. Kailan pa lang naman sila nagkakilala nito ay kaya ko lang naman niyayang lumabas si Debby ay dahil gusto niya pa itong makilala. Gusto niya pa itong makilala dahil . . . bakit nga ba?
"I just don't want my girl to get hurt, I hope you understand," tumingin ito sa kanya na parang nag aantay ng sagot.
"Sir, my intentions are pure," he looked back with a straight face.
"I see. I just want to make myself clear,"
Matapos ang pag uusap nila, inihatid ni Debby sa kwarto ng kanyang nasirang kapatid si Josh. Masyado nang malalim ang gabi kaya naman ang daddy na ni Debby ang nag insist kay Josh na sa kanila na lang matulog ang binata.
"Sorry talaga Josh ha, naabala ka pa," she looks worried, but she knows that it is better na dito na lamang matulog si Josh dahil gabi na at nakamotor lamang ito.
"Lagi kang nag sosorry, bibilangin ko kung ilang beses kang magsorry sa isang araw," pagbibiro ng binata.
"Ih kasi lagi kitang naaabala," Josh smiled as an assurance kay Debby na ayos lang ito.
"Don't worry natext ko na si Paulo," sa iisang condo lang kasi nakatira ang members ng SB19.
Bumuntong hininga na lamang si Debby.
"If you need anything, dun lang ako sa kabilang kwarto. Pasensya ka na medyo matagal nang di natutulugan tong kwarto ni ate pero nililinis ko naman to araw-araw,"
"No, I'm good. Sige na okay na ko,"
Iniwan na siya ng dalaga upang makapagpahinga.
Nilibot ng mga mata ni Josh ang lugar. Minimalistic ang pagkakadesign ng kwarto pero mahahalata mong teenager ang dating may ari nito. May mga litrato na nakadisplay roon, makikitang kamukhang kamukha ni Debby ang ate niya. They looked so genuinely happy sa mga pictures nila.
Napukaw din ng atensyon niya ang isang picture frame na isang lumang papel ang nakalagay.
Things we will do after your operation :
- teach me how to ride a bicycle
- mountain climbing at Mt. Apo
- eat ice cream for the whole day
- find Daddy long legs
- find the end of the rainbow
Josh was amazed nang mabasa ang nakasulat. Hindi niya napigilang kunin ang phone niya at picturan ito. The young Debby might have wrote that. He wonders kung may naaccomplish ba sila sa mga ito.
"You're still up?" napalingon siya sa tao sa may pinto, si Debby may dalang kumot. "Ibigay ko lang tong blanket," pumasok na ito sa loob ng kwarto.
"Nagawa nyo ba ito?" hindi napigilang magtanong ni Josh.
Napakunot naman ang noo ni Debby, puzzled kung ano ang tinatanong nito. Napansin niyang nakatingin si Josh sa bucket list nila ng ate niya. "Ay, nandyan pa pala yan," she smiled, remembering good old days with her older sister. Nilapag niya ang kumot sa kama. "Hindi ih, kasi yun nga nawala na si ate," she sounds sad.
Josh regret asking ng makitang lumungkot ang mukha ni Debby na mukhang napansin din ng dalaga.
"Pero okay na yan, sobrang bata ko pa nan nung isulat ko yan HAHA. Nilagay ko yan sa bed side ni ate sa ospital just to remind her about her promise,"
Tumango na lang si Josh bilang tugon.
Kinabukasan, maagang nagising si Josh dahil sa musikang narinig niya sa baba.
When peace, like a river, attendeth my way,
When sorrows like sea billows roll;
Whatever my lot, Thou hast taught me to say,
It is well, it is well with my soul.
Nilibot niya ang tingin sa kwarto, dito nga pala siya kina Debby natulog. Gusto pa niya sanang bumalik sa pagkakahiga lalo't ang sarap pang patulog nung kantang naririnig niya pero mas pinili na niyang bumangon dahil wala siya sa sariling bahay.
It is well with my soul,
It is well, it is well with my soul.Though Satan should buffet, though trials should come,
Let this blest assurance control,
That Christ hath regarded my helpless estate,
And hath shed His own blood for my soul.
Matapos mag hilamos at magtoothbrush bumaba na siya ng kwarto at doon naabutan niya si Debby na tumutugtog ng piano habang kumakanta.
My sin—oh, the bliss of this glorious thought!—
My sin, not in part but the whole,
Is nailed to the cross, and I bear it no more,
Praise the Lord, praise the Lord, O my soul!Namangha siya sa boses ni Debby. Mala anghel ito, yung tipong mawawala ang problema mo kapag narinig mong kumanta. Pinanood niya itong kumanta habang nagpipiano. Hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ang mommy ni Debby.
"Tuwing Saturday morning siya nag papractice kumanta para sa Sunday Service namin. Nagising ka ba sa ingay?" tanong nito sa kanya.
Bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang tanong nito.
"Ay hindi naman ppo ingay iyan akala ko nga po nasa langit na ako," biro niya.
Bahagyang tumawa ang mommy ni Debby. Tumungin ito sa anak niya at tinawag ito.
"Deborah, gising na si Josh, mamaya ka na magpractice at asikasuhin mo ang bisita mo,"
Napatingin ito sa kanila at agad nitong ibinigay ang matamis nitong ngiti. Hindi alam ni Josh kung bakit, pero feeling niya tumigil sa pagpintig ang puso niya at pagdaka'y bumilis.
Kakaiba talaga ang tama ng dalaga sa kanya.
YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...