Kabanata 3

29 2 0
                                    

Debby's POV

Nagpunta na kami sa mall kung saan sila magpeperform. Grabe, nakakalula ang dami ng tao.

Pumunta na sila sa kanilang dressing room, kami naman ni Lala ay dumaretso dun sa reserved seats namin. Namigay din si Lala ng freebies para sa ilang fans, admin daw kasi siya ng fansclub ng SB19.

Hindi pa man nagsisimula ang performance nila, sobrang dumadagundong na ang buong mall. Feeling ko tuloy anytime baka mag collapse itong mall.

Lalo pang umingay ang buong lugar nang magperform na sila ng dance song.

Nakaka star struck. Yung kahit na kakasama ko na sila, parang ibang tao na sila kapag nagpeperform na. Natulala na lang ako.

Ilang songs din ang kanilang pinerform pero yung level ng energy nila ganun pa rin. Di ko napigilang makikanta at makicheer din sa kanila.

Mayamaya pa ay nagpaalam na sila sa kanilang mga fans."This has been SB19! Maraming salamat po!"

"Tara na sa backstage Frenny," tumayo na si Lala pagkababa ng SB19 sa stage. Sumunod na ako agad. Pero mabilis kaming nagkahiwalay dahil may ilang fans na medyo na hyper ata at di na alam na nakakadanggi na sila.

"Wait Lala!" sigaw ko sa kanya.

Di na kinaya ng barricade yung tulakan na nangyari kaya sobrang nagkasiksikan na.

Naramdaman kong napag apakan na ako at may mga kumalmot na rin sa braso ko.

Tinanaw ko ulit si Lala, nakita ko siya na parang hinahanap na rin niya ako.

"Josh! Josh! Papicture!!!" sigaw nung isang fan.

"Debby!" nakita ako ni Lala. Malapit na ko makalabas dito sa siksikan kaya pinilit ko na lang din makisiksik. Nung pag angat ng ulo ko nakita kong nadanggi na nung isang babae yung built in speaker at mahuhulog ito sa kinaroroonan ni Josh na kasalukuyang pinapakalma yung mga fans kasama nung mga bouncer.

"Josh! Yung Speaker!" sumigaw ako pero di nya ako marinig!

"Josh!" mahuhulog na yung speaker kaya nakisiksik na ko sa abot ng aking makakaya para marinig niya ako.

*BLAG*

"Debby!"

Josh' POV

"Josh!" narinig ko ang boses ni Debby. Paglingon ko malapit na sya sa akin atsaka niya ako itinulak.

*BLAG*

"Debby!"

Nagkagulo na ang lahat. Natumbahan si Debby ng built-in speaker. Agad ko siyang pinuntahan at inalis ang speaker sa binti nya.

"Oh my Debby! Tumawag kayo ng medic!" sigaw ni Lala.

Agad kong binuhat si Debby papunta sa backstage. Sumunod na ang mga staff at iba pang members sa amin.

Agad ko siyang iniupo.

"Anong nangyari?" tanong ni Paulo.

"Sinalo niya yung speaker na malalaglag sana sakin," natataranta kong sagot.

Agad namang dumating yung medic at nilapatan siya ng first aid.

"Kelangan pa rin natin siyang dalhin sa hospital para matingnan kung may fracture," saad nung medic.

"Okay lang po ako., no need na po pumunta ng ospital"

"Still we need to bring you to the hospital to make sure na okay ka," diin ko.

"No. Please. Don't worry about me," nangingilid na ang luha niya.

"Debby, wag kang makulit. Mayayari ako kina tito pag iniuwi ka naming ganyan," si Stell.

"Please no," nagmamakaawang sagot ni Debby. Nangingig na siya.

"Debby please," nag-alalalang saad ni Lala.

Lalong nanginig sa takot si Debby. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit na nararamdaman niya sab inti niya.

"Ako na tatawag ng doctor. Pede naman puntahan na lang ng doctor si Debby. If ever kelangan I x-ray dalhin na lang natin siya sa lab, okay?" dagdag ni Lala. Tiningnan kami ni Lala isa-isa na parang kinukumbinsi na ayon na lamang ang gawin.

Tumingin ako kay Debby na nag iiyak pa rin. Parang nakumbinsi naman siya sa sinabi ni Lala.

Debby's POV

Gabi na nang makarating kami sa resort. Pagdating namin, binuhat ulit ako ni Josh papuntang kwarto namin ni Lala.

"Salamat," ibinaba niya ako sa kama.

"Frenny, okay ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong sakin ni Lala.

"Oo okay na ko. Huwag niyo na akong intindihin,"

"You should have not done that. What if hindi sa binti mo tumama yung speaker? Pano kung sa ulo?"seryosong tumingin sa akin si Josh.

"Nakita ko kasing tutumba sa iyo yung speaker so—"

"Kahit na! I sa sacrifice mo sarili mo para sa ibang tao?"

Di ako nakaimik.

"Errr- - oo nga Frenny. Hinayaan mo na sana kay Josh bumagsak yun hehe. Malakas naman ---"

"Tapos ayaw mo pang magpadala sa hospital. What if may fracture ka?" galit na wika sakin ni Josh.

Naiiyak na ko.

"Sorry. . ." yumuko ako. Yun na lang yung kaya kong sabihin.

Dahil sa akin, nasira yung event tapos ngayon pinag aalala ko pa sila.

Bumuntong hinininga si Josh.

"Sige na magpahinga ka na. Lala tawagan mo na yung doctor na sinasabi mo," matapos niyang sabihin yon ay lumabas na siya ng kwarto.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now