"Wala namang fracture ang buto mo," sabi ng doctor habang sinusuri ang result ng x-ray ni Debby. "Reresetahan kita ng pain reliever at gamot sa pamamaga," kumuha ito ng papel at sinulat ang gamot na kailangan
Kalma na si Debby, pero kita ko parin ang kaba sa mata niya.
"Salamat po,"
Mga ilang araw lang naman daw ang pamamaga nung binti ni Debby pero bumili na rin kami ng saklay niya.
Matapos ang check up , bumalik na kami sa resort. Nadatnan namin silang nag aabang na sa amin.
"Debby!" sinalubong ng yakap ni Lala si Debby.
"Oh Dre kamusta ang check up?" tanong sakin ni Stell.
"Wala naman daw fracture, namaga lang. Tapos na ang shoot?"
"Hindi pa, bukas ishoot yung sa part mo. Okay na ba pakiramdam mo Debby?"
"Oo, pasensya na kayo naabala ko pa kayo,"
"Stop apologizing, okay. Sige na hayaan na muna natin syang magpahinga. Ihatid ko na muna siya," inalalayan ko siya papunta sa kwarto nila ni Lala.
Debby's POV
Last day na namin dito sa resort. Okay na rin yung binti ko kaya eto, nagkayakagang mag swimming.
"Let's go Debby, talon na ikaw!" yakag ni Lala sakin. Nasa pool na siya at nakakapit sa balikat ni Stell.
"Sige sunod na ko, kokondisyunin ko lang sarili ko,"
"Sige sige, mamaya laro tayo ha. Tara na kuya Stell! Go Titanic!"
Natawa na lang ako kay Lala, ginawa nyang barko si Stell.
Nagsimula na akong maglagay ng sunblock sa binti ko. Naka rash guard at shorts lang ako.
"Oh, bat di ka nagswi-swimming?" inangat ko ang ulo ko at nakita si Josh na nasa harap ko.
"Ah, nagkokondisyon pa ko atsaka naglagay lang ng sun block,"
Umupo siya sa tabi ko.
"Ikaw, ayaw mo maligo?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Ah" nakapamot siya sa batok niya, "Di ako marunong maglangoy," nahihiya niyang sagot.
"Ah ganon ba, sha sige dito na lang din ako," nginitian ko siya.
"Hind ano ka ba, okay lang ako. Sumama ka don kina Lala oh,"
"Sinamahan mo ko nung napilay ako, so it's my way of giving back to you. It's the least I can do, to be your company," nginitian ko siya.
"It's my responsibility. And it is not your responsibility to accompany me,"
"Gento na lang, samahan mo na lang ako dun sa kiddie pool? Baka ma sprain yung binti ko pag naglangoy ako ako sa malalim," yakag ko sa kanya.
Nag isip siya sandali atsaka tumango.
Josh' POV
Medyo childish tong ginagawa namin ni Debby, pero I'm enjoying it. Dito kami sa Kiddie pool paikot ikot at niyakag pa akong mag slide.
Mayamaya pa mukhang napagod na siya sa pag slide kaya naupo na siya sa gilid ng pool. Inabot ko sa kanya yung tuwalya ko.
"Oh pano ka?" nag hesitate siyang tanggapin yung tuwalyang iniabot ko.
"Okay lang ako, sige na kunin mo na,"
"Giginawin ka--"
"Wag ka nang tumutol," iniyikap ko na sa kanya yung tuwalya. Ito talagang babaeng to, ayaw laging may tutulong sa kanya.
"Salamat," tumabi ako sa kanya.
Pero mukhang di talaga siya nakatiis na siya lang ang may tuwalya.
"Yan share na lang tayo," nilagay niya ang kabilang ng dulo ng tuwalya sa balikat ko.
I chuckled.
"Ayaw mo talagang makakalamang ka no? haha," biro ko sa kanya.
"Ayoko lang may naabala dahil sakin," ngumiti siya. Gustong gusto ko yung pagngiti niya, napaka genuine. Nakakagaan ng pakiramdam. Ilang segundo ko iyong pinagmasdan.
"Err-- bakit?"
"Ah, wala," umiwas ako ng tingin. Ano ba yan , awkward yung ginawa mo Josh.
"Salamat Josh huh sa pagsama sakin dito, nafeel kong maging bata ulit haha,"
"Ako rin haha. Masarap palang maging childish minsan,"
"Oo nga eh. Kung totoo ang time travel, gusto kong bumalik sa childhood ko ,"
"Gusto mong ulitin yung mga ginagawa mo noon tulad nito?"
"Nope. Gusto kong baguhin lahat ng ginawa ko noon," yumuko siya ng bahagya. "Gusto kong maranasang maging normal na bata,"
Tumahimik lang ako at hinayaan siyang magkwento. This time nakatingin siya kina Lala at kina Stell na nagkukulitan sa kabilang pool.
"Nakakatuwa si Lala no, ang jolly jolly niya tapos adventurous pa. Walang bawal bawal sa kanya," bumuntong hininga siya. "I wish I'm bold enough to do that too."
"Pwede mo namang gawin yun,"
Napatingin siya sa akin.
"Hoy mga isip bata, pack up na daw lalarga na" narinig kong sigaw ni Ken.
"Try to get out of your comfort zone," sabi ko bago ako tumayo.
Inalok ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo.
I have the urge to say this before we end our little meet up in this resort, "Let's keep in touch?"
YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...