KABANATA 14

6 1 0
                                    


Debby's POV

Nakailang buntong hininga ako bago pumasok sa building ng studio nila Josh. Ewan ko kinakabahan ako kahit maghahatid lang naman ako ng lunch.

Nagsimula na akong tumipa sa cellphone ko para itext siya na nasa baba ako ng building nila, pero ilang beses ko rin binubura. Baka kasi maabala ko pa siya. Puntahan ko na kaya?

"Oh Debby!" napatingala ako at nakita kong palabas ng building sina Stell, Ken at Justin.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Uy kayo pala," di ko alam kung ano sasabihin ko.

"Uy Debby!" bati nila Ken at Jah.

"May hinihintay ka ba? Si Lala di mo kasama?" tanong ulit sakin ni Stell.

"Hindi ih, ahmm. . si Josh?" sinilip ko yung likod nila kung kasunod nila si Josh.

"Nasa studio pa eh, susunod na kasama si Pau. Maglulunch kami sa labas, gusto mo sumama?" yakag nila sa akin.

"Naku! Hindi na, may ibibigay lang talaga ako kay Josh hehe,"


Josh' POV

Almost 12 noon na nang lumabas kami ni Pau ng studio after ayusin yung mga kalat naming sa loob, that's one of our rules, kind of discipline na bawal mag iiwan ng kalat. Our mentor taught us very well about that. And today, Pau and I are the assigned cleaners.

So yon, nagkayakagan na sa fastfood na lang kami kumain para hindi hassle. Though lalabas kami ng building, I didn't bother to change my shirt, which is right now, soaked with sweat. I mean, saglit lang naman kami kakain.

Habang papunta na kami sa main door, I pulled out my phone and was about to text my girlfriend.

"Oh si Debby," Yeah, that's the name of my girl. That name never failed to make my heart skip a beat.

Sinundan ko kung saan nakatingin si Pau.

I saw her, the person I truly missed. Nawala ang pagod ko sa buong week na practice.

Bakit parang lalo siyang gumanda? Her cream lace blouse with her two-inch below the knee box pleated beige skirt topping with her sweetest smile suits her very well. Man, I love this girl so much.

"Ano Josh? Manghang-mangha?" I was enjoying the scenery until Stell snapped me back to reality.

"Hi," I acted cool but I failed. Yun lang masasabi mo Cullen?

"Hmmmm. . . suspicious," asar ni Jah habang naniningkit ang mga mata at hinihimas-himas yung baba niya. Sinuntok ko siya pakunwari sa tagiliran.

"Sorry, may pupuntahan pala kayo. Ano, ibigay ko lang to," tinaas nya yung dala niyang square na bag.

Kinuha ko yung inabot niyang bag at humarap sa mga kasama ko, "Mauna na kayo, sunod na lang ako,"

"We got you bro!" sabay saludo sa akin ni Ken.

Inaantay ko munang makaalis yung apat bago ako ulit nagsalita.

"Let's go," aya ko sa kanya. Hesitant pa siyang sumama kayo kinuha ko ang kamay niya at hinila papuntang studio.

Debby's POV

Nilibot ko ang paningin ko nung makapasok kami sa studio nila.

The room was painted with a combination of gray, black and cream. Big mirror on the left side of the room, which any dance studio would have, sports bag and shoes on the side. So this is what Josh' world looks like.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now