Debby's POV
Sobrang excited na ko sa Christmas break na ito, although lagi naman akong excited tuwing December, pero iba kasi ngayon. Ngayon na kasi kami pupunta sa Mindanao para mag hike sa Mt. Apo. Kagabi pa ko di makatulog at paulit-ulit kong chinecheck ang mga gamit ko kung may naiwan ba ko.
Papunta na kami ngayon nila Daddy at Mommy sa airport para ihatid lang nila ako saglit.
Bago ko pa sila napilit na payagan ako, buti na lang kasama si Ate Yuna at Lala kaya sila nakumbinsi. Ewan ko pero pag si Ate Yuna ang nagpapaalam kay Daddy, ang bilis niya pumayag.
"Make sure na di ka magkakasugat don ha, wag ka rin magpapakagat sa lamok," paalala ni Mommy sa akin.
'Opo My," nag o opo na lang ako kahit paulit-ulit na siya.
"Huwag ka hihiwalay sa mga kasama mo baka maligaw ka," muli niya paalala. Tumango na lang ako ulit.
Nakarating na kami sa airport, Nakita ko na rin si Josh at Ate Yuna na nag-aantay.
Bumaba na kami, si Daddy naman kinuha sa likod yung mga gamit ko pagkatapos kinausap si Josh.
"Oh paano, aalis na kami. Josh, ikaw na bahala kay Deborah ha?" paalam ni Mommy.
"Opo," sagot ni Josh.
"Doncha worry tita and tito, safe samin si Deborah," nakangiting sabi ni ate Yuna.
Pagkatapos non, tinapik ni Daddy si Josh at umalis na sila ni Mommy.
Naalala ko pala si Lala. Nako mukhang late na naman to.
Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext siya pero nauna na pala siyang mag message sa akin.
"Frenny, sorry for lying. Don't expect me to come. Sinabi ko lang na sasama ako para payagan ka nila tito at tita. Huwag kang mag guilty! Ako ang nagsinungaling! Huwag mon na din magtangkang itext sina tito! Just enjoy your freedom, please? Love you and enjoy your time with Josh *wink*" – Lala.
After kong mabasa yun, sasabihin ko na sana kay Josh pero biglang nagsalita si Ate Yuna.
"Oh enjoy kayo don ha? Aalis nako?"
"Ate Yuna?" sabay naming sabi ni Josh.
"I'm not going, neither Lala. We just want you two to enjoy your time together, okay?"
Teka, speechless ako.
"Huwag ka nang matangkang mag back out Debs. It's our fault not yours. Isipin mo na lang na biglang kaming nagback out ni Lala," parehas kaming di makapagsalita ni Josh.
"Yuna!" saway ni Josh sa ate niya.
"In the first place, di ko keri yang hiking na ganyan. Kaya go na kayo! Baka maiwan kayo dali," pinagtulakan niya kami papunta sa loob ng airport.
Wala kaming nagawa kundi pumasok sa loob ng eroplano ng kaming dalawa lang.
Iniisip ko pa lang na kami lang ni Josh ang magkasama sa loob ng limang araw, sobra na akong na a-awkward. Hindi naman sa ayaw ko kay Josh, pero iba talaga sa pakiramdam.
Nakaupo na kami ni Josh sa assigned seat naming at kanina pang walang naimik sa aming dalawa.
"Okay ka lang?" sabay naming tanong sa isa't-isa. "Oo," sabay din naming sagot.
Then awkward silence.
"Gusto mo ba kumain?" tanong niya sakin.
"No, thanks busog pa ko, ikaw?"

YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...