Debby's POV
Day 2 na namin dito sa Mt. Apo. Gusto ko pa matulog dito sa loob ng tent, pero maaga wake up call namin. So, kahit ang sakit pa ng hita ko bumangon na ko para magbreakfast.
"Good morning!" bati ni Josh sa akin, ako na lang pala ang huling lumabas ng tent. Nandun na silang lahat sa labas at kumakain.
"Sarap ng tulog mo ma'am Debby ah," sabi sa akin nung isa naming kasama. Nginitian ko siya. Paano, pagkatayong pagtayo ng tent ko kahapon, pumasok na agad ako at natulog sa sobrang pagod.
"Oo nga, si Papa Josh ang hindi nakatulog ng maayos," sabi naman nung isa.
Humarap ako kay Josh, "Ha? Bakit?"
"Eh paano ma'am, lagi ka sinisilip kung okay ka lang baka daw may ahas na gumapang sa tent mo," sagot nung isa.
"Hindi na nga ata nakatulog yan," sabi ni tatay guide.
"Nakatulog naman ako, don't worry," pag depensa nya sarili.
"Josh-" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Oh, ayaw mo na naman ako maabala. Stop it Debby," pinigilan niya yung sasabihin ko.
"Hayaan mo na ma'am Debby, concern lang sayo si Papa Josh. Yiiiihhhhh," kantyaw nila sa amin.
"Loko talaga kayo, kumain na nga tayo. Oh Debby," sabay abot niya sa akin ng pagkain.
"Ako rin Papa Josh, bigyan mo rin ng pagkain," pang-aasar din nung isa.
Pero tinawanan lang sila ni Josh.
Bakit napakabait ni Josh sa akin? Bakit lagi niya akong inaalagaan? Bakit nagugustuhan ko yung feeling na inaalgaan niya ako?
Matapos naming mag breakfast, nagpatuloy na kami sa paglalakad. This time mas nagging challenging sa amin ang pag-akyat dahil sa mga malalaking bato na dindaanan namin, yun daw yung Mini Rock Tower.
I'm in awe! Sobrang ganda ng view! Lalo akong nae excite makarating sa peak.
Lord, napakaganda ng nilikha mo!
Nagtayo na ulit kami ng tent nung hapon. Ayon kay tatay guide, this is the best part to witness sunset. Kaya naman naupo na ko para abangan ito, samantalang yung ibang trekkers nagsimula namang maggawa ng bonfire.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Josh.
"Do you want me to get your camera to capture it?" tanong niya sa akin.
"No need. Gusto ko lang i-enjoy tong moment na to," sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa araw.
Katahimikan.
"My real is name is Deborah. Kinuha yong name na yon sa Bible," tumingin ako kay Josh. Nagtataka siguro siya bakit out of no where sinabi ko yun. Pero nagpatuloy ako sa pagkukwento. "Deborah is a bold judge in the old testament. Siya nag naglead sa Israel to fight Canaanites. Matapang," I laughed with that thought. "How ironic that they named me after that name," I paused. "I'm way too far from being that Deborah. I am a coward," nagsimula nang mag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "I've been living with these fears all my life. I wasn't allowed to do what I really want," naramdaman kong hinawakan ni Josh ang kanang kamay ko. Mainit yung kamay niya, nawawala yung sakit na nararamdaman ko. Tumingin ako sa kanya. "Josh, thank you for helping me get out from those bondages," he hugged me.
"We will face your fears together. This time, you are not alone," his hug is comforting. His words are assuring. I hugged him back.
Nagsimula nang lumubog ang araw. Ngayon, gusto ko namang makita ang pagsikat nito sa mismong tutok ng bundok Apo.
YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...