Kabanata 4

23 1 0
                                    

Naggising ako dahil sa naiihi na ko. Tiningnan ko yung oras sa side table. Mag aalas siyete na nang umaga. Mahaba mahaba rin yung tulog ko, mukhang Nagging effective yung gamot na ininom ko kagabi.

Luminga-linga ako at napansing may note sa tabi ng orasan.

"Frenny, maghahanap lang ako ng doctor na magcheck check sayo. I'll be back as soon as possible kasama yung doctor. For the meantime, nagvolunteer si Josh to take care of you. Huwag kang feeling strong huh! Tawagan mo si Josh if may kailangan ka." – Lala

Ayaw ko talaga ng ganitong feeling na may naaabala ako. Si Lala kailangan pang humanap ng doctor na willing maghome service. Tapos, supposedly ngayon dapat ang shooting nila Josh ng MV nila pero eto kelangan niya pa akong alagaan.

Tinantya ko ang layo ng CR mula sa kama ko. Mga ilang hakbang lang ang layo.

Dahan dahan kong ginalaw ang binti ko para maibaba sa kama.

Acccckkkk. Okay masakit siya igalaw.

Naibaba ko na yung isa kong binti. Ngayon kailangan ko na lang bumababa sa kama.

Bumuntong hininga ako at tiniis yung sakit na nararamdaman ko.

3rd Person POV

Pabalik na si Josh sa kwarto nila Debby dala-dala ang pagkain para sa umagahan nito. Nag volunteer siya para alagaan pansamantala ang dalaga habang nag hahanap ng doctor si Lala. Nakokonsensya siya sa kalagayan nito. Siya ang naging dahilan kung bakit di ito makalakad. Hindi na lang sana ginawa iyon ni Debby.

*BLAG!*

Malapit na siya sa pintuan nang marinig ang kung anong bumagsak sa loob ng kwarto. Nagmadali siyang binuksan ang pinto. Naabutan niyang nasa sahig na si Debby hawak hawakang binti nito habang umiiyak sa sakit.

"Debby!" agad niyang ipinatong sa may mesa ang pagkaing dala at pumunta ito sa kinaroroonan ni Debby. "You should have called me!" may pag-aalalang sigaw nito sa dalaga.

Hindi naman makapagsalita sa sakit ang dalaga kung di patuloy lang ang pag iyak nito.

Binuhat siya ni Josh pabalik sa kama.

"Ano bang naisip mo at bakit ka nasa sahig?!"

"Ano *hik* kasi *hik*" humihikbing sagot ni Debby. Sinusubukan niyang sumagot pero natatakot siya sa itsura ni Josh na mukhang galit na.

Napansin naman ni Josh ito kaya bumuntong hininga ito at tumabi sa kanya sa pagkakaupo.

"Okay. Sige tumahan ka na," pero hindi ito naging epektibo, lalo lamang umiiyak ang dalaga na parang batang inagawan ng laruan. Di siya napakali, may nagawa ba siyang masama?

"Uy Debby - -bakit?" hindi niya malaman kung anong gagawin para mapatahan ito, kaya niyapos niya ito at inaloalo sa likod. "Shhhhhh.. tahan na. Sorry kung natakot kita,"

"Ano kasi *hik* Josh *hik*"

"Ano yun?"

"Pede mo bang *hik* dalhin ako *hik * sa CR *hik* naihi *hik* na ko *hik*"

Dahan dahang napabitaw sa pagkakayakap si Josh at napansin ngang basa na yung kama. Agad tinakluban ni Debby ang kanyang mukha ng kanyang kamay sa sobrang hiya na nararamdaman niya.

"Err - - okay sige, teka pano" iniisip niya kung bubuhatin ba niya ito kahit basa ang pajama nito.

"Kahit akayin*hik* mo na lang *hik* ako"

Pero sa kundisyon ni Debby, kailangang niya itong buhatin kaya walang ano ano'y binuhat niya ito. Napatingin sa kanya si Debby na may halong pagtutol. "Okay lang don't worry, magpalit na lang ako"

Carpe DiemWhere stories live. Discover now