Debby's POV
Matapos ang eksena kanina, parang ayaw ko na talagang lumabas. Nakakahiya talaga. Una, nakita ni Josh akong nakasando at shorts tapos nasipa ko pa sya. Nakakahiya talaga.
"Frenny, sorry talaga ha. Huwag kang mag alala. Wala lang yun kay Josh. Di naman sa iniinvalidate ko yung nararamdaman mo pero huwag ka na mag overthink. Promise wala lang yon kay Josh," kasalukuyan kaming nakaupo sa kama at pinapakalma ni Lala.
"Umuwi na lang kaya ako? Nakakahiya talagaaa lalo na yung ginawa ko kay Josh," sabi ko naman. Tinakpan ko ng kamay ang aking mukha.
"Huwag mo kong iwan Frenny huhu. Malulungkot ako pag iniwan mo ko. Huhu. Yaan mo na si Josh, sanay yon sa sakitan. Wala lang yon sa kanya," nagpaawa na naman siya.
"Lala, Debby. Labas na kayo at kakain na," may kumatok sa labas ng pinto. Boses yun ni Stell.
"Ayaw ko. Hangga't di din lumabas si Debby, di din ako lalabas," sagot naman ni Lala.
"Huy. Kumain ka na don. Kokonsensyahin mo na naman ako,"
"Hindi ako makakain pag ganyan ka," pangongonsensya nya sa akin.
Bakit parang magiging kasalanan ko pa pag di nakakain itong babaeng to.
"Basta Kumain kayo magagalit talaga ako," sigaw ulit ni Stell mula sa labas.
"Frenny. Okay lang wag ka mapressure kay Kuya Stell. Di din ako lalabas kung ayaw mo," kahit sinabi niya yun, bakit feeling ko pa VIP ako na nagpapabebe at magiging kasalanan ko pa kapag nagka ulcer itong si Lala?
Inipon ko ang lakas ng loob ko at kinumbinsi ang sarili na kaya ko to. Kayang kong humarap sa kanila sa kabila ng nangyari kanina.
Tumayo ako, at kitang kita kong biglang nagliwanag ang mukha ni Lala. "Sige na nga tara na," mahina kong yaya.
Agad din siyang tumayo "Okay tara na!" hinila na niya agada ko na para bang walang nagyaring pagdadrama niya kanina.
Nakarating na kami ni Lala dun sa Dinning hall. Shocks, sobrang hiyang-hiya pa rin ako. Kung hindi nga lang sa pangongonsensya nitong si Lala, umuwi na ko kanina pa.
"Dun na lang tayo sa mga staff tumabi," bulong ko kay Lala. Bali dalawang table yung sakop namin. Doon sa isa ang mga staff, yung isa naman para dun sa mga members. Syempre dun ko sa staff dahil kahit papaano may natitira parin naman akong hiya sa katawan ko.
Pero mukhang hindi ako narinig ng kaibigan ko.
"Hi Paulo!" hinila ni Lala palapit dun sa mga boys. Walanjo tong babaeng to. Parang na hypnotize at nakalimutang na aawkward ako kay Josh.
Agad siyang humila ng bangko, pinaalis si Stell sa tabi ni Paulo. So ang arrangement kasi nasa kabisera si Paulo tapos sa kanan niya si Lala, then Stell. Sa kaliwa naman si Justin, Ken at Josh. So wala akong choice kundi tumabi kay Stell alangan namang kay Josh ako tumabi.
"Lala, behave," narinig kong bulong ni Stell.
"What? I'm not doing anything," sagot naman ni Lala.
Napatingin ako kay Josh, pero agad din akong umiwas ng tingin. Awkward talaga.
"So.. uhm. . di pa pala nakikilala ni Josh si Debby. Josh, si Debby, bestfriend ni Lala. Debby, si Josh," pagpapakilala ni Justin sakin kay Josh.
Tumango si Josh kaya nakitango na lang ako. Awkward talagaaaaaa. Gusto ko na lang talang lamunin ng lupa.
"Huwag mo nang isipin yung nangyari kanina. Di na naman daw masakit pffffft," nagpipigil natawang si Ken.
YOU ARE READING
Carpe Diem
Fiksi PenggemarA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...