After spending three days on Mt. Apo, atlast! Nakababa na kami.
Nagpahinga lang kami ng kaunti sa hotel pagkatapos ay nagpunta na sa mga souvenir shops at nagagala sa bazaars. Last day na kasi naming dito sa Davao kaya gusto naming sulitin pa ang natitirang mga oras. So yun, nagdisguise lang si Josh ng kaunti para hindi rin siya makilala ng mga tao. Good thing busy ang city kaya halos di muna mapapansin ang mga nakakasalubong mo. Gento siguro talaga dito kapag Christmas season.
Bumili ako ng mga durian candies para sa mga pupils ko, kina Mommy at Lala naman ay bumili ako ng mga cosmetics sa Aromacology at ng Tubaw vanity purse. While kay Daddy, durian jam.
Si Josh naman mga pagkain lang din ang mga pasalubong niya para kina ate Yuna at sa mga ka miyembro niya, di naman daw kasi mahilig sa mga souvenirs yung mga yun.
So after that, kumain lang kami ni Josh at naggala gala habang nagpapalipas ng oras. The whole time na magkasama kami, never niya binitawan ang kamay ko.
It feels surreal. Sobrang saya ng puso ko, feeling ko sasabog na to sa sobrang pagmamahal na nararamdaman at ibinibigay sa akin ni Josh. Parang ayaw ko nang matapos ang araw na to. Gusto ko pang manatili rito na kami lang dalawa. But that is being selfish. Ayoko ring masyadong ma overwhelm sa kung anong meron kami ni Josh.
"Kailangan na ba talaga nating umuwi?" may panunudyo na tanong sa akin ni Josh. Nandito na kami ngayon sa airport at hinihintay na lang naming ang flight namin.
Tumango ako.
"Dito na lang kaya tayo?" itinaas niya yung kamay naming na magkahawak.
Umiling ako at ngumiti sa kanya. Hinalikan niya yung kamay ko na hawak hawak niya.
"Josh, okay lang ba na hindi ko muna sabihin kina Mommy yung tungkol sa atin?"
Tumingin siya sa akin ng may pagtataka. "Bakit? Kinahihiya mo ba ako?"
"Hindi ah! Ano kasi. . . kailangan ko ng perfect time,"
Inalis niya ang pagkakahawak sa aking kamay atsaka namulsa. Hindi siya umimik.
"Huy, proud ako sayo. Hindi kita kinakahiya promise! Ikaw kasi yung first boyfriend ko at hindi ko alam magiging reaksyon nila Mommy lalo na si Daddy," hinawakan ko siya sa braso niya. Nakatalikod parin siya sa akin. "Huy Josh,"
Lumingon siya, "Hindi naman kasi kailangang ikaw lang ang magsabi. Diba sabi ko sayo, we are in this together, tayong dalawa ang magsasabi. Pero gagawin natin yun kapag ready kana," he flashed his smile. Yun smile niya sobrang comforting. Atsaka nya ulit hinila ang kamay ko. "Halika na, tinatawag n tayo sa loob."
Josh' POV
Matapos ang maikli naming bakasyon ni Debby, nagsimula nang maging busy ang schedule namin. Halos araw-araw na kaming may rehearsals at shooting para sa mga upcoming events. Kaya naman, through chat and call ko na lang nakakausap ang girlfriend ko. Girlfriend ko. Ang sarap sa pakiramdam na si Debby yon.
"Nakakahiya naman kay Josh, mukhang may nagpapasaya na," bati sa akin ni Stell. Break time namin kaya hawak ko ang phone ko ngayon. Di ko lang talaga mapigilang mapangiti nung makitang may chat si Debby.
"Sanaol may kachat," biro ni Justin.
Nginitian ko lang sila. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin naikukuwento sa kanila yung tungkol sa amin ni Debby. Natyempo pa ako. Gusto ko espesyal ang pagpapakilala ko sa kanya sa mga kapatid kong to.
"Alam niyo pansin ko mula noong bumalik si Josh mula sa Davao, parang inspired na inspired tong mokong na to. May nakuha kang chicks no?" asar sa akin ni Ken.

YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...