Chapter 35

128 12 0
                                    


***

Mekays POV

Nag-iba bigla ang mundo ko ng  magkaroon ng amnesia si zack. It's been almost four months ng magkaroon siya ng  amnesia. Nakalimutan niya ang lahat tungkol sa amin, simula ng ipinakilala ako sa kanya Kay moma pero noong mga bata kami ay hindi niya nakalimutan. May ganun daw na case ng amnesia pero napakarare lang.
Bumalik ang dating Zack na nakilala ko, ang baklang masungit at hindi sana siya maniniwala na mayroon siyang quadruplets. Naniwala nalang siya noong ipinakita ni moma ang DNA test at ang mga pictures namin noong unang at pangalawang kasal namin kasama ang mga bata.
Hindi niya daw maisip Kung paano nabuo ang quadruplets. At paano siya na fall sa akin, baka daw ginayuma ko siya, saklap nu. 

Gusto sana ni moma na magkasama kami ni Zack para bumalik ang alala nito pero ayaw ni Zack dahil   hindi nya daw kayang tumira sa iisang bobong na kasama ako kaya wala ng nagawa si moma. Hinayaan ko narin siya. 

Bumibisita siya araw-araw sa mga anak namin at kung napakabusy niya sa trabaho hindi niya hinahayaang di niya makita ang quadruplets kahit isang oras lang. Napaclose niya sa mga anak namin. Kitang-kita ko na di nawala ang pagmamahal niya sa mga bata. Sana sa akin rin kaso wala eh. Ini-explain naman niya sa mga anak namin na may sakit siya at kailangan niya mo na daw doon Kay moma tumira. Naintindihan naman kaagad ng mga anak namin. Sa akin naman parang umiiwas at nandidiri siya at nilalait na naman ako pero oks lang sa akin as long as nakikita ko siya kahit papaano masaya na rin ako dun. Alam Kong di magtatagal babalik rin ang alaala ng aking asawa at tuluyan rin siyang babalik sa amin.

Ang masmasakit lang ngayon, usap-usapang nagkabalikan sila ng ex niyang si Erik. Akala ko di totoo pero last month lang dinala niya dito sa bahay si Erik. Hiniram pa nila ang quadruplets para makapamasyal pero isang beses lang yun. Ang sakit pala, Hindi lang masakit, sobrang sakit na isiping iba na ang mahal ng mahal ko pero wala eh kailangan kung magpakatatag. Hindi ko na isip na mangyayari to sa buhay ko. Pero ok lang, alam Kong pag-subok lang to na dapat Kung lampasan at hindi sukuan lalo na Ang asawa ko.
At sa palagay ko hindi alam ni moma ang relasyon nila Zack at ni erik. Dahil Kung alam nun siguradong paghihiwalayin sila. Palagi kasing out of town si moma dahil sa business. Ayaw niya nga sanang pagtrabahoin Si Zack kaso si Zack na ang nag insist. Kaya ang branch lang mo na dito sa pilipinas ang pinapahandle niya dahil may amnesia pa ito baka daw lumala. Bakit ba naman kasi biglang sumulpot ang Erik na yun sa buhay namin mas mahihirapan tuloy akong ibalik ang alaala ni Zack.

Minsan nga nasasagi sa isip Kong iuntog ang ulo niya sa pader o di kaya batuhin siya ng malaking bayabas o di kaya bola o kahit ano na pwedeng magbalik ng mga  alaala niya.

"Besh, HOY BESH!"

"Aay Aswang!" Napaidtad ako dahil sa gulat na tapon tuloy ng unti ang kape ko. "Nandito ka pala besh, ginulat mo ako." Napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Hoy maganda lang ako para maging aswang. At tyaka Wala ako dito nandoon ako sa mars. Kaloka ka, alam mo lutang ka na naman dyan besh at Alam ko rin na dahil yan sa may amnesia mong baklang asawa. Kanina ka pa dyan sa kape mo sobrang lamig na yan. Pagdating ko rito nagtimpla kapa ng kape natapus ko nalang bihisan yung mga anak mo hindi mo pa naiinom yang kape mo." Pumunta ka na sa taas at magbihis ka na para makaalis na tayo."

"Ha? Saan ba tayo pupunta? Kala ko gusto mulang bisitahin ang quadruplets. "

"Ano ka ba birthday ni mama ngayon nu. Nako sigurado pag nalaman nun na kinalimutan mo ang birthday niya magtatampo Yun sayo."

"Hala Oo nga pala, nako paano ba yan wala akong nabiling regalo sa kanya."

"Ano ka ba ok lang yun, Makita ka lang nun sa birthday niya kasama mga anak mo sobrang saya na nun."

Doon parin sila nakatira ni Cristy sa mahayahay kahit kaya na nitong makabili ng malaking lupa at bahay. Ayaw kasi ni tita makaria na iwan ang kinalakihan niyang lugar.

"Magpakasal na kasi kayo ni mark para mag-kaapo na si tita sa iyo." Si mark kasi nasa California inaasikaso Ang bagong branch niya na burger house roon.

"Ano ka ba dadating rin kami dyan."

"Will sabagay. Ay Tika ang quadruplets?"

"Nandoon sa playground nila pinaglaro ko mo na."

"Ah ganun ba."

"Kreng! Kreng! "

"Sige na magbihis ka na dun para makaalis na tayo. Sasagutin ko lang tong palalabs ko."

"Aayeeiih shanaol"

"Shanaol ka dyan magbihis ka na dun." Mataray niyang sabi sa akin.

Agad naman akong umakyat sa taas at nagbihis. Pagkatapos ready na kaming umalis. Isinisirado ko na yung gate habang ang mga bata nakasakay na sa kotse ni Cristy hinihintay nalang akong matapos i lock ang gate. Wala kasi si Aling koring ngayon dito nag day off.

Bep! Bep!
Nang biglang dumating si Zack na naka kotse. Dahandahan nitong binaba ang window ng kotse.

"Where are you going?" Tanong niya sa akin.

"Hi papa! Papa! Sama ka sa amin." Sigaw ng mga kambal na nakadungaw sa koste ni Cristy.

"Hi babies!" Kumaway si Zack sa mga anak namin.

"Hoy amnesia gay isakay mo nalang si beshty, sumama ka nalang baka may maalala ka sa lugar namin. " Biglang sabat ni Cristy.

"Yung mga bata nalang ang sumakay sa akin , diba mga babies."

"Si mama nalang po isakay niyo papa." Sabi ni Althea.

"Oo nga po papa." Tugon ng iba kong anak. Isinirado kaagad ni Cristy Ang window ng kotse niya at pinaandar kaya di na nakaprotesta si Zack.Kita ko naman Ang disappointed na mukha ni Zack.

"Hoy panget, pwedeng magtaxi ka nalang bibigyan nalang kita ng pamasahi."

"A-YO-Ko kaya pwede ba buksan mo na tong kotse at sasakay ako."

"Grr kaasar! Dun ka sa likod wag dito."

"Eh sa gusto ko dito.. tulad ng pagkagusto ko sayo."

"Eew yuck pwede ba tigiltigilan mo ako." Asar niyang sabi na nagpangiti sa akin. "I will let you in one condition."

"Fine" walang gana Kong Sabi.

"You are not allowed to speak."

"Yun lang pala eh." Wala ng nagawa si Zack kundi pinasakay ako. Gusto ko Sana siyang kwentuhan sa about sa amin.
Pagdating namin sa bahay nila Cristy marami ng tao na tagaroon lang rin naman. Namiss ko mga tao rito at ang inuupahan Kong bahay na pinangalanan Kong motmot, Sino na kayang umuupa ngayon dun?
Sobrang saya ni tita makaria ng makitang kasama ko ang mga bata at si zack. At masaya rin akong Makita siya para ko narin itong pangalawang ina. Masaya akong nakipag usap sa mga tagamahayahay at masaya rin silang makita muli kami ni zack. Alam narin nila ang nangyari kay Zack Kaya  kinukwentohan nila ito Kung ano siya noon sa akin at Kung paano siya na fall sa akin. Si tita makaria ang nanguna sa kwentuhan. Napangiti nalang ako sa mga taga mahayahay na kinikilig na kinukwento Kay Zack ang love story namin habang si Zack parang pilit ang ngiting ipinapakita sa mga tagamahayahay. Paniguradong nandidiri ito. Yung mga anak naman namin nakipag laro sa mga bata sa labas. Si Cristy naman, ayon nakababad sa cellphone kausap ang pinakamamahal niyang si mark. Masaya rin ako sa love life ng kaibigan kong to. Lumabas nalang mo na ako sa bahay nila para tignan ang mga kambal na naglalaro sa kalye.

"Wait, mekay is that you?" Napalingon naman ako Kung saan nagmumula ang baritonong boses. "Oh my gosh ikaw nga." Nabigla nalang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Kaya niyakap ko na rin siya. Na miss ko rin naman ang taong to. It's been 10 years na di kami nagkita nito.

" Gosh I really miss you."

****

Thanks po sa pagbabasa 😚
Hope u enjoy reading 🤗
Keep safe everyone 😉

Fated To Be With This Gay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon