***
**Thirdpersons POV**
Tinabunan ng kamay ni Zack yung mga mata ni mekay papunta sa dinning room. Si mekay naman gutom na gutom na.
"Hoy zack bat kailangan mo pang tabunan mga mata ko? Kakain lang naman tayo."
"Basta"
"Maypa ganito ganito ka pa eh alam ko na naman kung anong mga ulam."
"Ang daldal mo talaga eh nu."
"Eh sa nagugutom na ako eh."
"Tumahimik ka na, nandito na tayo. " kinuha ni zack ang kanyang kamay na nakatabon sa mata ni mekay. "TARAAN!" Bumugad Kay mekay ang dinning room na dim ang light. May romantic candle pa na nakalagay sa gitna ng bilog na mesa. At nakapalibot ang mga pagkain rito.
"Hala napundi na ang ilaw mo dito sa dinning room? Ang yaman yaman mo tas ang pinangpalit mo sa ilaw dito halos di makapagbigay nang liwanag. Yan tuloy nagkandila ka pa. Hali ka na nga kumain na tayo, gutom na gutom na ako." Kaagad umupo si mekay at nagsandok ng kanin at mga ulam. At gutom na gutom na kumain.
"My gosh! Di niya talaga naintindihan" Nasapo nalang ni Zack ang forehead niya dahil sa reaction ni mekay. Wala nalang siyang nagawa kundi umupo sa tapat ni mekay at nagsimula narin sumandok tas kumain.
(Uk-ok) nabilaukan nalang bigla si mekay kaya dalidali siyang binigyan ng tubig ni Zack. "Ug ug ug" at kaagad ininom.
"Dahan dahan ka kasi sa pagkain, para ka kasing mauubusan ng pagkain kung makasubo."
"Tsk! Gutom na gutom na kasi ako. " bumalik sa pagkain si mekay, bahagya namang napangiti si Zack dahil sa inakto ni mekay. Pagkatapos niyang sandaling mapagmasdan si mekay kung paano kumain, bumalik narin siya sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain pariho silang napadighay.
Hahahahaha" sabay nilang tawa.
"Oh diba mas masarap akong magluto sayo?" Pagmamayabang ni Zack.
"Hmm sige na nga, kahit naman sabihin Kong hindi, iiinsist mo paring mas masarap kang magluto."
"Eh totoo naman talagang masmasarap akong magluto Kay sa sayo. "
"Oh tignan mo nag--"
"Ay tika dyan ka mo na may kukunin lang ako sa taas, sandali lang." Hindi na natapos ni mekay ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang umalis si Zack sa hapag at pumunta sa taas.
"Tika, dim yung light tas may heart shape na candle sa gitna ng mesa, At dalawa lang yung upuan" doon lang nalag napag isip-isip ni mekay ang set up ng dinning at kung bakit tinakpan ni Zack ang mga mata niya kanina bago ipinakita ito. Bigla namang may pumatay ng dim light kaya yung candle nalang ang nagbibigay liwanag sa dinning at ng bumalik ang ilaw.
"For you!" Natigilan si mekay ng bigla may bulaklak na inilahad si Zack sa harapan niya. Di naman kaagad naka react si mekay at parang wala sa sariling tinanggap ang bouquet. Pagkatapos tanggapin ni mekay ang bulaklak umupo si Zack kaharap niya.
"Ano 'to?" Shock na tanong ni mekay.
"Damo yan girl ano bang tingin mo dyan at nagtatanong ka pa." Pilosopong tugon ni zack. Bahagyang namang inilapit ni mekay ang mukha niya Kay zack. Napaatras naman ang ulo ni Zack. " Hoy! Anong gagawin mo?" Kabadong sabi ni zack kay mekay. "Di ibig sabihin binigyan kita ng--"
"Shhh may itatanong lang ako sayo." Pabulong nasabi ni mekay. "Lapit ka kunti." Utos ni mekay Kay Zack. Kumunot naman ang noo ni Zack at dahan dahan nalang na inilapit ang kanyang mukha kay mekay. "May CCTV ba dito? Minomonitor parin ba tayo ng momma mo? Kailangan ko bang umakting din?" Sunod-sunod na tanong ni mekay Kay Zack. "Aray!" Piniktusan ni Zack si mekay dahil sa pinangsasabi nito.
BINABASA MO ANG
Fated To Be With This Gay
AcakFORMER TITLES: " Ang Bakla Kong ex-husband na husband? "A Beautiful Gay Loves An Ugly Lady" *** Simula bata palang si MEKYLA MARIA MAGONDA DIUSA. Naging tampuhan na siya ng panglalait pero sa kabila ng lahat lumaki siya na masayahin at may magandan...