Chapter 21

208 16 0
                                        

***

Apat na buwan na ang lumipas at apat na buwan naring di ko nakikita si Zack. "Hay ba't ko namimiss yung baklang yun kaasar. Pero siguro namimiss ko lang asarin yun. Namimiss kaya ako nun? Yung mga pang-aasar ko sa kanya? Ay ewan. "

"Tao po!
Tao po! " may bigla tao labas kaya napatigil ako sa pag-iisip.

"Sino naman kaya ang bisita ng disoras ng umaga? Napaisip nalang ako.

" Tao po!"

"Tika lang!" Tugon ko naman. Binilisan ko ang pagsintas ng sapatos at nangpipihitin ko na sana yung door knob naalala ko bigla noong may kumidnap sa akin. Yun pala mga taohan lang ni moma. Tika, baka pinapasundo ako ni moma. Ay nako mekay wag kang assuming "

"Tao po!" Nagbalik ang ulirat ko ng muling may tumao. Kaya pinihit ko ang pinto.

"Sino po sila? Ano pong kailan niyo?" Tanong ko sa taong naka helmet at may daladalang papel at envelope.

"Good morning ma'am, messenger po, kayo po ba si misis Colmenares?"

"Hmm siguro po?" Bigla namang kumunot ang noo nung tao sa tugon ko.

"Hu? Di po ba kayo si Mekyla Maria Diusa Colmenares? " taka niyang tanong.

"Ay oo, ako po yan." Tugon ko sa kanya. Sasabihin ko sanang hindi ako sigurado kung misis Colmenares pa ba ako kasi pinapaannulled na ito pero di ko nalang sinabi baka kasi nakikilala ako ng taong to. Ma issue pa sila Zack.

"May sulat po kayo. " Inabot sa akin nung tao yung envelope. " Paki permahan nalang po ito." Inabot sa akin nung lalaki ang papel. "Salamat po" tugon nung tao sa akin pagkatapos kung permahan.

"Ano naman kaya ito?" Tinignan ko yung relo ko at 7:37 pa naman. May oras pa ako para matignan ito. 8:30 kasi ang pasok ng trabaho ko sa burger house. Pumasok ako sa loob tas umupo sa may upuan at binuksan ang envelope. " APPROVAL OF THE ANNULMENT ". Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot ng mabasa ko na ang laman ng sulat. " Ibig sabihin nito Hindi na ako misis colmenares. Dapat masaya ako pero bakit ganito yung nararamdaman ko?. Hay nako ewan, papasok na ngalang ako.

Mabilis lumipas ang mga oras, pero di ko pa rin mawaglit yung approval ng annulment. Ano kaya kung di ipinaannulled ni moma yung kasal namin ni zack? Magkakasundo na kaya talaga kami ng tuluyan?"

" Maam!" I snap back ng bigla akong sinigawan ng taxi driver na sinasakyan ko ngayon. Kaya napalingon ako sa kanya. Di kasi kami nahatid ni sir mark ngayon pauwi dahil may investor daw siyang i memeet. Kaya nagtaxi nalang ako.

"Hu?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag maam. Tulala po kasi kayo."

"Sorry po manong may iniisip lang po."

"Boyfriend mo po ba? Nambabae? " Tanong niya sa akin habang di inaalis ang paningin sa daan.

"Nanglalaki kamo."

"Hu? Nako, kaya pala lumilipad ang isip mo ma'am. Nalaman mo palang bakla boyfriend mo." Bahagya pang ngumiti si manong driver. At dun ko lang napagtanto ang nasabi ko.

"Ay nako mali po ang iniisip niyo di ko po yun boyfriend. Ahh ano lang, ay tika nga manong ano po pala yung sinabi niyo kanina?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Ay hala! Nakalimutan ko tuloy. Sa kanto DAKO PA ROON po ba kayo bababa?"

"DAKO PA ROON? Wag niyo pong sabihin si-si kamatayan po ikaw? " kabado Kong tanong.

"Hu? Hahaha palabiro po kayo ma'am ha. Havey po yung joke mo." Bahagya pa siyang napatawa.

Fated To Be With This Gay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon