Chapter 20

196 19 0
                                    



****







Mga apo di naman siguro lingid sa inyo na minumonitor ko kayo. I'm here because you already convinced me. What I saw is enough for me to believe the things between the two of you. " Seryosong sabi ng momma ni Zack sa amin. " Kami naman ngayon ay nakaharap sa kanya na medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa ininom namin ni Zack kahapon. Si Zack naman parang wala lang. Gulat talaga kami ng pag-gising namin kanina nasa harap na siya. Kinabahan nga ako dahil baka may nangyari sa amin dalawa, buti nalang wala. Nalasing naman talaga kasi ako, di ko na maalala paano kami nakauwi. Pag-gising namin kanina ipinaghanda na pala kami ng almusal ni moma at ng mainit na sabaw para sa hangover. Pagkatapos naming kumain, heto at may sasabihin daw siyang importante. At sa palagay ko umi-effective pala yung plano namin. Makakaalis narin kami sa islang to.

"Ba't kailangan niyo pa kaming imonitor? Pumayag na nga kaming ikasal tas ngayon you invade our privacy. Your controlling us moma at di na yata tama yun." Medyo galit na sabi ni Zack.

"I know apo, and I'm really sorry for that. That's why I'm here para itama ang lahat ng maling desisyon na ginawa ko para sa inyong dalawa." Sincere na sabi ni moma.

"Anong pong ibig sabihin niyo momma?" Takang tanong ko.

"Excuse me mo na mga apo, naiihi ako." Tumayo si moma at pumunta sa banyo.

"Hoy Zack palagay ko umiffective yung plano natin." Baling ko Kay Zack.

"Ewan ko lang, minsan di ko mabasa yang iniisip ni momma." Tugon niya sa akin.

"Basta palagay ko effective yun." Lumabas naman na si momma sa banyo at bumalik sa pag-upo sa harap namin.

"Ok, hu!" Buntong hininga ni momma na parang mabigat talaga ang sasabihin sa amin. "Ahmm.. I know I'm making a confusion for the both of you. But to make my mistakes right. This is the only way para makabawi sa inyo."

"Moma, can you please just tell us directly." Sabi ni Zack.

"Mag papaannul kayong dalawa." Walang ano anong sabi ni moma.

Mag papaannul kayong dalawa...

Mag papaannul kayong dalawa...

Mag papaannul kayong dalawa...

Nag echo bigla sa isip ko ang sinabi ni moma.

"WHAT?! ARE YOU KIDDING US MOMA?" Gulat na sabi ni Zack. Ako naman di na nakapagsalita pero bakas sa mukha ko ang pagkagulat.

"Oh bakit? Ayaw niyo ba? "

"My gosh moma! I cannot believe this." Nasapo nalang ni zack ang mukha niya dahil sa galit.

"Don't worry kung ayaw niyo. Di nalang natin itutuloy ang annulment. Wait, are you falling for each other?" Para pang excited na malaman ni moma ang sagot namin.

Fated To Be With This Gay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon