Accidentally Bumped
'Zyril P.O.V'
"Halika, dito tayo, hija."- anas ni Ma'am Cassy at nagmamadali niya akung hinila sa loob ng isang boutique na madaming tindang mga damit kasali na doon ang uniform na susuotin sa paaralan.
Feeling ko tuloy parang si Ma'am Cassy ang excited mag-aral sa aming dalawa kasi minamadali niya ang pagbili ng school supplies at uniform ko kaysa sa sariling anak nito na iniwan niya lang sa bahay--- mansion nila.
O__o----- mukha ko.
^__^----- mukha niya.
"Ito hija bagay to sayo. Gusto mo ba toh? Ano pa ang damit na gusto mo'ng bilhin, hija? Ito oh, maganda siya."- nanatili akung tumatango sa mga damit na ipinapakita niya sa akin kahit na hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nito para ngang bibilhin niya ang lahat ng damit na makikita niya, eh.
Kada may nakikita kasi siyang damit na nasa gilid niya ay kinukuha niya agad ito at itinatanong sa akin kung 'gusto ko ba ito?' Kahit nga hindi ko gusto ang damit na kinuha niya ay hindi naman siya nakikinig sa mga sinasabi ko kaya tumatango nalang ako sa mga pinagsasabi nito dahil ayaw ko namang magmukha siyang tanga, I mean nagpapatuloy kasi siya sa pagsasalita kahit na sinabi ko ng 'ayaw ko'.
Napabuntong hininga muna ako bago naglakas loob na magsalita. "Ahmm.. Ma'am Cassy, tama na po yan, sapat na po kasi ang mga damit na binili niyo."- diretso kung saad habang nakapikit.
Ilang oras din ang lumipas bago ko napagpasyahang dumilat dahil wala akung makuhang sagot na galing kay Ma'am Cassy. Pagdilat na pagdilat ko ay nakailang beses akung lumunok dahil sa daming damit na dala ng mga tao na nakasunod sa kanya.
"Let's go, hija dahil magbabayad na tayo."- nakangiteng saad nito at nauna na itong naglakad.
'Ilang oras lang naman akung nanatiling nakapikit, huh? Pero ba't ang dami na niyang kinuha?'- nagtatakang tanong sa isipan.
Mahina akung naglakad habang nakasunod kay Ma'am Cassy dahil papunta na kami ngayun sa school supplies at ba'ka madami na naman siyang kukuning gamit na hindi naman kailangan gaya noong kanina, uniform lang naman talaga ang sadya namin sa boutique na yun, eh pero napakarami na ng binili niya. Napabuntong hininga nalamang ako.
"Ba't ang tamlay mo, hija? Napapagod ka na bang maglakad o nagugutom ka na?"- nagaalalang tanong ni Ma'am Cassy na inilingan ko lang.
"Wala, ho."- magalang na saad ko na tinangoan niya lang at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang National Book Store (NBS).
"You are all ready here, mom."- salubong ni Demi sa ina nito na tinangoan lang naman nito.
"Yes, son. Ughhh, so tired."- anas nito at nagtungo sa itaas habang inilagay lang ng mga bodyguards na kasama namin ang mga pinamili naming gamit.
"Uhmm... Ahhh.. Sir--- Demi gusto ko lang sanang humingi ng pabor."- nakayuko kung tanong dito.
"Hmm... What is it?"- tanong niya sa akin pabalik.
"Ahh... Ehh.. p-pwede po ba'ng e-donate niyo nalang po ang ibang damit na pinamili ng mama niyo? Masyado kasi siyang madami eh at 'saka hindi ko naman talaga masusuot ang lahat ng yan, eh."- nauutal kung sabi sa kanya.
"No."- saad nito na ikinagulat ko.
'No? Ayaw niya ba'ng ipamigay ko ang mga binili ng mama niya sa akin?'
YOU ARE READING
PROBINSYANANG MAID
Teen Fiction@eleinzyzy [Language Used:Taglish and Cebuano] Zyrile is a simple but strong girl. She has gone through a lot of hardships. Nakatira siya sa probinsya kasama ang ina, lola, at bunsong kapatid nito. She only wants to have a simple and peaceful l...