CHAPTER NINE

516 23 1
                                    

  Group Study

  'Zy P.O.V'

  Bago umalis ang filipino teacher namin ay isinalaysay na muna nito ang tungkol sa gaganaping debate, na mangyayari ngayung darating na lunes. Taimtim kaming nakinig nila Sherry sa iba pa'ng sinambit nito habang ang mga diablo este mga taong nasa likod namin ay naguusap din ng masinsinan. Hindi ko na sasabihin kung ano-ano ang mga pinaguusapan nila dahil wala naman akung pake at nonsense lang din ang mag 'yun.

  "Okay, class! See you on Monday morning."- pagpapaalam nito sa amin at nagpaalam din kami pabalik. Kunaha na nito ang dala dalang bag at umalis na.

  "Haist... Buti nalang at natapos na, akala ko kasi hahabaan pa ni ma'am ang speach niya."- masayang saad ni Zych na nasa likod.

  Napailing nalang ako sa iniakto nito. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapasa, pero hindi ko na iisipin 'yun dahil total ang pamilya niya naman ang nagmamayari ng paaralan, ide kahit na maglakwatsa lang siya dyan at patuloy na mambubully ng tao ay papasa na siya. Madami siya-silang kalukohan na ginagawa ngunit hindi ko masabi-sabi kay Tita dahil binantaan ako ni Zych na ipapa-expel sa paaralan nila kung may babanggitin ako kay Tita tungkol sa ginagawa nilang kalukohan.

>__<

  Sila kasi yung tipo na grupong kahit na walang ginagawa ang ibang estudyante sa kanila dahil takot sa kanila ay mas lalo pa nila itong tinatakot at ginawang katatawanan sa buong campus. I never thought na gano'n pala sila Demi kaya pala sila pinapabantayan ni Tita Cassy, now I know. Buti nalang talaga at hindi na nila ginagawa sa akin ang kalukohan na 'yun dahil 'yun naman talaga ang kapalit ng pagbabanta niya sa akin.

  Knowing mayself, ay hindi ako basta-basta natatakot sa banta lang. Ang totoo kasi niyan, hindi ko naman talaga sila isusumbong kay Tita dahil may kapalit 'yun at ang hindi pambubuyo sa akin ang kapalit no'n.

  Kung may choice lang sana ako ay matagal ko na silang sinumbong kay Tita ang kaso nga lang, ayaw kung maglakad sa campus na kulay asul ang buong katawan at 'saka ayaw ko rin'g mapaalis sa school na 'to dahil para sa pamilya ko ang pagaaral kung 'to. Malaki kasi ang utang na loob ko kila nanay at hindi ko 'yun masusuklian kung wala akung gagawin. Pero ang totoo niyan natatakot akung magalit si Tita sa akin dahil sa ginawa kung to, at ba'ka ako pa ang pagbuntongan ng galit na tigreng si Tita.

  "Hey, Zy! Stop spacing out!"- malakas na sigaw ni Sheery sa bandang tinga ko kaya nabalik ako sa realidad. Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa ginulat ba naman ako?

  Ito talagang babaeng 'to ang ingay-ingay. Sa liit niyang 'yan ay sing lakas naman din ng bosis nito. Hindi sa pangjujudge huh, pero kasi maliit siya nasa 4'11 siguro pero malakas talaga ang bosis niya, gusto ko kasing maliit siya tapos mahina ang bosis para cute tignan, wala eh ganyan na daw talaga siya.

  Sa totoo lang namiss ko na lang tuloy makulong sa mansion nila Tita kahit na naboboring ako doon at least walang maingay katulad nalang ni Sherry.

  "Alam mo, Zy, para kang may regla dahil paiba-iba kasi ang mood mo, eh."- nakangiwing tanong niya na ikinairap ko.

  Tsk. Ano naman kung may regla ako ngayun eh, sa normal lang naman 'yun?

  "'wag kay maingay dyan at itiklop mo nalang iyang bibig mo."- irap kung sabi na sinangayunan naman nila Mara.

  Oo nga pala, muntik ko ng makalimotan ang tungkol sa problema ko kay Mara. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin since light pa naman 'yung mood namin.

PROBINSYANANG MAIDWhere stories live. Discover now