Warning:Suicidal Action
Debate(Girl's Vs Boy's)
'Monice P.O.V'
Pagkatapos ng pagsisikap ko para maka pag-aral ka tapos ganito lang ang gagawin mo sa akin? Babastusin?
Ano bang mapapatunayan mo sa sarili mo eh bobo ka nga eh diba?
Wala akung anak na bobo. Ano nga bang tinuturo sa inyo sa paaralan niyo, huh?
Sana nga, sana hindi nalang kita binuhay kung magkakaroon naman pala ako ng walang silbing anak.
Unting-unting bumabalik sa isipan ko ang mga salitang sinabi ng ina ko.
Bakit naman ganito? Sinubokan ko naman eh, sinubokan ko namang gawin ang gusto ng ina ko pero bakit hindi parin sapat yun sa kanya? Kasi ako pagod na pagod na akung patunayan ang sarili ko sa kanya, wala din naman akung mapapala. Imbes na bobo na nga ako nagpapaka bobo pa para sa walang kwenta kong ina.
Sana nga, sana nga pinatay niya nalang ako. Sana nga pinatanggal niya nalang ako para hindi siya magkaroon ng bobo at walang kwentang anak kasi pagod na akung masisi e. Pinapamukha niya sa akin kung gaano ako ka walang silbi. Siguro kung wala ako ngayun, patay ako ngayun wala na siyang sakita sa ulo.
Sana hindi nalang talaga ako na buhay kung ito naman pala ang sasapitin ko.
"Hey... Monice..."
"Monice, okay ka lang ba?"- inaalog-alog niya ako habang nagsasalita.
"Huh? Ah oo,okay lang ako"- sabi ko dito at tipid na ngumite
"Okay ka lang ba talaga? Sure ka ha? Ba'ka mamaya niyan tumalon kana sa rooftop"- biro nito sa akin na ikina-seryoso ko naman.
"Sherry"
"Oh? Bakit?"
"Pagtumalon ba ako sa rooftop at mamamatay iiyak ka ba?"- seryosong tanong ko sa kanya.
"Grabe ka naman, Nice, biro lang naman yun kaya huwag mo'ng seryosohin pero santanong mo, oo iiyak ako sino ba'ng tao ang hindi iiyak kapag namatayan ng mahal sa buhay o kaibigan."- saad nito at ngumuso.
Wala sa sarili akung napangiteng tumingin dito. Masaya akung malaman na mahalaga pala ako sa kaibigan ko. Pero paano kaya kung hindi yung mga katulad nila ang naging kaibigan ko noh? Madadagdagan kaya yung sakit na naramdaman ko sa ina ko?
"Hey, Monice! Back to earth. Alam mo ba'ng nagaalala na talaga ako sa 'yo. Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Kanina ka pa kasi tulala, eh."- nakangusong sabi nito sa akin kaya napailing ako.
"May problema ka ba, Monice? Sabihin mo naman para matulongan ka namin."- bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang sinasabi ang katagang na 'yun.
"Don't worry, I'm okay. Wala akung iniisip na masama."- aniya at sinamahan ko ito ng matipid na ngite para huminahon ito.
Sa lahat ng mga kaibigan ko mas importante sa akin si Sherry. Hindi naman sa may favoritism ako, pero gusto ko lang siyang kaibigan kasi ginagawa niya ang lahat para sa amin, yung kaibigang handa kang damayan at pakinggan sa oras na nasasaktan o paggod kana. Ever since na naging kaibigan ko si Sherry hindi ko siya nakitang naging malungkot o dikaya'y problemado, nihindi nga namin alam kung may problema ba siyang dinadala o wala. Kaya kahit na nasasaktan na ako o paggod ay kinakaya ko pa rin dahil madali lang kasi siyang magbreak down kung kaming mga kaibigan na niya ang pinaguusapan.
YOU ARE READING
PROBINSYANANG MAID
Teen Fiction@eleinzyzy [Language Used:Taglish and Cebuano] Zyrile is a simple but strong girl. She has gone through a lot of hardships. Nakatira siya sa probinsya kasama ang ina, lola, at bunsong kapatid nito. She only wants to have a simple and peaceful l...