CHAPTER THIRTEEN

431 21 0
                                    

Warning:Suicidal Action

Up Coming Festival

  'Zy P.O.V'

  Parang tumigil ang pagikot ng mundo ko habang nakatanaw sa rooftop.

  *snift* Akala ko ba malakas siya? Kaya bakit niya 'to ginagawa? Hindi ba pwedeng sabihin nalang niya ang problema niya sa amin? Kailangan ba talagang umabot pa sa ganitong sitwason? Huh, Monice?

  Nabalik ako sa realidad at doon ko nalaman na wala na pala silang lahat sa likod ko. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta sa itaas. Ayaw ko kasing gawin ni  Monice ang muntik ko ng ginawa noon.

  Nanumbalik sa akin ang nangyari noon.

  Yeah, right. I intended to commit suicide. Haha... Gano'n naman talaga tayung mga tao right? Pagpagud na tayo, ay ang tanging mararamdaman lang natin ay ang sumuko. What makes it different if we have other choices? Yun at yun lang naman talaga ang tanging mapipili natin hindi ba. Para hindi na tayo makakaramdam ng ganitong sakit, kaya para saan pa ang ibang pagpipilian?

  Before, I see myself as a useless person. Kahit na anong gawin ko kasi hindi na magbabago pa ang nangyari. All I wanted, is to change my past. I even question him, that day. Kasi sa lahat ng tao bakit ako pa. Why can't I be selfish for once? Yun lang naman ang hiningi ko e, ang mabuhay siya pero, wala, walang nangyari. Kahit anong gawin ko hinding-hindi na magbabago ang nangyari noon.

  Napahinto ako sa harapan ng pintoan nitong rooftop.

  Bakit ko ba siya pipigilan? Ni kahit sarili ko man noon ay hindi ko napigilan, diba?

  Nanatili akung nakatitig sa pintoan ng rooftop habang paulit ulit na dumagondong sa isipan ko ang mga salitang yun.

  Bakit ko nga ba pipigilan ang taong gusto ng sumuko at magpahinga? Bakit nga ba, Zyril? It doesn't make me a hero if I'll do that, right? But, it does makes me want to live longer. Yes, it does.

  Gusto ko siyang pigilan dahil gusto ko rin siyang maging tulad ko. Na magkakaroon ng dahilan para mabuhay. Hindi man ako sin'g lakas katulad ng iba, ngunit mas may dahilan na ako para mabuhay ng matagal.

  Dahan-dahan kung binuksan ang pintoan ng rooftop. Liwanag ng sinag ng araw ang unang bumulaga sa mukha ko, bago  ko tuloyang nakita si Monice na nakatayo sa bukana ng rooftop, habang sinusubokan namang lumapit nila Mara dito. Binaling ko ang paningin ko kay Sherry na nakaupo at hindi tumigil kakaiyak.

  Ang swerte niya. Ang swerte-swerte ni Monice dahil may kaibigan siyang pinapahalagahan siya. Bakit noong ako ang gumagawa niyan noon, walang mi-isa ang umiiyak, wala rin ngang pumigil e, umiyak pa kaya?

   "Demonice, please. Huwag mo ituloy *snift* ang binabalak mo. Huhu..."- umiiyak na sigaw ni Sherry, inalalayan naman siya ni Lyn na tumayo.

  "B-Bakit niyo ba *snift* ako pinipigilan, huh? *snift* Hindi niyo naman kasi n-naiintindihan ang nararamdaman ko, e. P-Please... *snift* wag niyo na akung pigilan dahil p-pagud *snift**snift* na pagud na ako. Huhuhu......."- aniya nito at hindi tumigil sa kakahikbi. Lumakas naman ang pagkakahagulgol ni Sherry sa ini-usual ni Monice.

PROBINSYANANG MAIDWhere stories live. Discover now