First Day
'Zyril P.O.V'
"Good morning po, manang."- bati ko kay manang dahil maaga akung nagising at pumunta sa kusina.
"Magandang umaga din sa iyo, hija."- nakangiting ding bati ni manang sa akin pabalik.
"Tulongan ko na po kayo sa ginagawa niyo, manang."- nakangite kung alok dito na ikinailing niya lang.
"Huwag na, hija! Kaya ko naman, ang mas mabuti pa ay maghanda ka na lang muna, para maaga kang makapasok sa paaralan, lalo na't unang araw mo ngayun ng pasokan."- payo ni manang sa akin na dahan-dahan kung ikinatango.
'Nagmumuka na tuloy akung anak ng may-ari ng bahay na ito, kaysa sa pagiging maid.'- nakangiwing ani sa aking isipan at napabuntong hininga.
"Dito nalang ako hihinto sa gilid ng kanto, hija dahil ba'ka pagalitan pa tayo ng guard pagmay nakita silang trisikel na pumunta doon."- pagpapahayag sa akin ni manong kaya umo'o' ako dito.
"Sige po manong mauna na muna ako. Ito nga po pala ang bayad ko sa iyo."- nakangite kung saad dito at ibinigay ang singkuwenta na dala ko.
"Hija, yung sukli mo!!!"- sigaw ni manong sa malayo dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakatalikod itong kinawayan.
Masyadong mabait si manong kaya sinubrahan ko na lang ang ibinigay ko dito. May kunti pa naman akung perang dala kaya, no worries.
Nakangite akung pumasok sa paaralan ng mga mayayaman na nakatingin sa direksyon ko ngunit hindi ko nalang sila binigyan ng pansin sa pagkat abala akung nakatingin sa buong paligod. Lingid sa kaalaman ko ay may biglang sasakyan na mabilis magpatakbo papunta sa direksyon field at muntik na akung masagi nito, buti na lamang at agad akung nakaalis sa aking kinatatayoan.
Noong nakarating na ang itim na kotse sa field na muntik ng masagi sa akin kanina ay tinanaw ko ito sa malayo at napagpasyahang puntahan ang direksyon na iyon sa pagkat aalamin ko kung sino ang may-ari ng sasakyang iyon.
'Wahh!!! Lumabas ka na jan sa kotse, Zych!'
'I love you, Zych.'
'Nandito na din ang kotse ng iba pa'ng 'The Fantastic B-4'!!! Wahhh!!!'- huling sigaw ng babaeng narinig ko at nagkagulo na silang lahat kaya naiipit ako sa gitna ng gulo 'saka ko lang natagpuan ang sarili kung hila-hila ng isang tao na naka-uniform na panglalaki.
"Aray ko!!! Bitiwan mo nga ako! Hindi kita kilala!"- galit na sigaw ko dito at pilit na inaagaw ang kamay kung hawak-hawak niya.
Natigil lamang ang paghila nito sa akin noong wala na akung marinig na ingay at wala na rin'g kagulohan na naganap kay inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at napagtantong nasa locker na pala kaming dalawa.
"Aray ko!!! Sino ka ba, huh?"- sabi ko dito at tuloyan ng naagaw ang aking kamay na hawak nito dahilan ng ikinalingon niya.
"Demi?"- usual ko sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko.
"Why you didn't wait for me?"- nagugulohang saad nito sa akin na ikinalaki ng mata ko.
'Hala! Oo nga noh, nakalimotan kung gisingin siya at hintayin ito. Patay!'
"A-Ahh... Ehh... Nagmamadali kasi ako, eh. Hihi."- nauutal kung saad rito at awkward na natawa.
"Oo nga pala, bakit nagkaroon ng kagulohan doon? May artista ba'ng dumating?"- curious na tanong ko dito.
YOU ARE READING
PROBINSYANANG MAID
Teen Fiction@eleinzyzy [Language Used:Taglish and Cebuano] Zyrile is a simple but strong girl. She has gone through a lot of hardships. Nakatira siya sa probinsya kasama ang ina, lola, at bunsong kapatid nito. She only wants to have a simple and peaceful l...