Chapter 1:One Sweet Day
I don't know when I started noticing him. All I know is that I like him, I like him to be the subject of my paintings.
"Hi, be!" Ngumiti ako sabay kaway ng kamay ko.
Nilingon niya ako, gulat na gulat na akala mo ay nakakita ng multo. Natawa ako lalo nang ituro niya ang sarili niya na para bang tinatanong niya ako kung siya ba ang tinutukoy ko. Gusto kong paikutin ang aking mata pero kailangan kong magpakabait. Nanganganib na kasi ang grades ko ngayong second grading at paniguradong mapagagalitan ako ni Mama.
Kapag nabalitaan nilang napatawag na naman ako sa Principal's office, paniguradong hindi na ako bibilhan ni Papa ng art materials. Iyon ang kinatatakutan ko. Kakaunti na lang kasi ang mga acrylic paints ko kaya nanganganib na talaga. Kailangan kong magpakabait para bilhan pa nila ako.
Sabi rin ni Papa God, ang batang mabait, may gantimpalang kapalit. Joke. Hindi ko alam kung sinabi niya 'yan pero bahala na.
"Me?"
"Yes, you!" I answered and smiled widely.
Kumunot ang noo niya at napakamot sa ulo niya. Hindi niya alam kung lalapit ba siya sa akin o hindi. Nag-alinlangan pa siya noong una pero sa huli ay lumapit na siya sa akin, hindi pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo niya at pagtataka sa mukha niya.
Pero kahit ganoon, bakit ang gwapo niya pa rin sa paningin ko?
"Pwede ka ba?" I asked.
"Huh?"
Natawa ako. Hindi ko alam kung bingi ba siya o may saltik sa utak. He's weird at hindi ko alam kung bakit ganito siya.
Hindi naman ako baguhan dito sa Central School pero parang ngayon ko lang siya nakita rito. Sa tingin ko ay hindi rin naman siya transferee dahil kulay grey ang I.D lace niya. Kapag kasi grey ang lace ng I.D ibig sabihin ay matagal na dito, kapag naman kulay black ay transferee.
"I mean..." I chuckled.
Itinaas ko ang mga art materials ko, pati na rin ang canvas ko at ipinakita sa kaniya. Napairap na lang ako nang hindi niya pa rin maintindihan ang nais kong iparating sa kaniya.
"Ito kasi! I want you to be the subject of my paintings!" inis kong sabi.
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. Isang tawang hindi ko makalilimutan dahil pati ang organs ko sa loob ay nagtalunan. Parang ang ganda sa pandinig ko ng tawa niya, para itong isang nakaka-adik na musika. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero hinayaan ko lang ito.
Baka dulot lang ito ng nakaka-adik niyang mga mata. Ay, ewan.
"'Yon lang?"
I simply nodded. Tumango rin siya kaya sabay naming tinungo iyong park sa tabi ng building namin. Ipinatong ko ang mga materials ko sa bench at pinaupo siya roon.
"Ano palang name mo?" I asked.
Habang itinatayo ko sa gitna ang art easel ko ay pinagmamasdan niya ang mga gamit ko. Para siyang curious na curious doon dahil sa pangungunot ng makinis niyang noo.
"Keano," he replied, busy staring at my things.
"Anong grade mo na?" muli kong tanong.
"Six."
"Same. Sinong Teacher mo?"
"Ma'am Lalyne."
Nang maipatong ko ang blank canvas ko sa art easel ay tsaka ko siya hinila mula sa pagkakaupo. Mukhang nagulat siya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na lang iyon pinansin. Pinapwesto ko siya doon sa gitna at pinatingala nang kaunti. I told him not to smile but he did.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Teen Fiction"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...