Chapter 11

62 13 76
                                    

Chapter 11:Itatago Na Lang

"Ate."

Linggo ngayon, wala akong ibang ginagawa kung 'di ang manood ng cartoon sa television sa living room namin. Si Ate naman, nasa tabi ko at busy kalkalin ang phone niya. At dahil linggo ngayon, wala sina Mama at Papa dahil nasa trabaho sila pareho.

Nilingon ako ni Ate at pinagkunutan ng noo.

"Bakit?"

"Ano bang ibig sabihin ng crush? Paano mo malalaman kapag may crush ka na?"

"Crush?" Mas lalong nangunot ang noo niya. "Bakit?"

"Anong bakit, Ate?"

Pinatay ko iyong T.V gamit ang remote na hawak ko at humarap sa kaniya. Nag-indian sit ako at tinakpan ang hita ko gamit ang throw pillow. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa throw pillow at nangalumbaba.

"Bakit mo tinatanong?" Ngumisi siya. "Ikaw, ha. May crush ka na, 'no?"

I felt my cheeks beating red. And with that, alam na ni Ate iyon. Kilalang-kilala talaga ako ni Ate. Masasabi niya agad kung ano ang nararamdaman ko, kung may nagawa ba ako, o ano. Simula bata kasi ako ay close na close na kami ni Ate. Alam kong wala na akong maitatago sa kaniya.

Kahit anong pilit kong mag-deny o itago ang totoo, hindi 'yon uubra kay Ate. She knows me well. Kaya, alam niyang may crush na nga ako. Kung crush nga bang maitatawag ito.

"Sinong crush mo? Gusto mo ilakad kita?" Natawa siya. "Joke lang, baka batukan ako ni Papa."

Ngumuso ako. "E, ano nga 'yong crush? Tsaka paano mo malalaman kapag may crush ka na sa isang tao?"

Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya at tumingin sa kisame na animo ay nagi-isip. Parang may isang bumbilyang umilaw sa isip niya dahil tuwang-tuwa niya akong nilingong muli. In-off niya muna ang phone niya at tinabi iyon.

"Ang crush, for me, that's an intense feeling or attraction for someone. Short term lang pero extreme feelings ang mararamdaman mo." Muli siyang napaisip. "Natatandaan ko, grade three ako nang magka-crush ako."

"Oo, Ate! Si Kuya Harvey, 'no? Pero, Ate, paanong short term? Tsaka intense feeling?"

"Crush is a brief but intense infatuation for someone, Tiana. Short term kasi, pwede pa siyang magbago, pwede pa siyang mapalitan, pwede pang mawala ang feelings. In short, hindi malalim ang nararamdaman mo. Mababaw lang. Kapag nawala siya at hindi mo na nakasama, pwedeng mawala ang pagka-crush mo sa kaniya, pwede ring kapag na-attract ka sa iba."

"E, Ate, bakit si Ate Aries? Halos three years niya na daw crush 'yong crush niya."

"Hmm, si Aries, in denial 'yan. May mga crushes na nagtatagal ng years or months pero, ang alam ko kasi, kapag lumampas ng apat na buwan ang pagka-crush mo sa isang tao, hindi na daw crush ang tawag doon. Actually, may tatlong stages 'yan."

Nanatili akong tahimik, nakatalumbabang pinagmamasdan si Ate na magpaliwanag sa mga katanungan ko.

"Tatlong stages: crush, like, and love. Sa una, crush ang mararamdaman mo. But, as I've said earlier, feelings can fade away. Next is like. Pagkatapos ng crush, mapupunta 'yan sa like. Gusto mo na 'yong taong 'yon, you're slowly falling. Ganoon. Pero, hindi pa masyadong malalim 'yon. Ang love, napakalalim ng kahulugan niyan, bata ka pa at hindi mo maiintindihan 'yon."

"Pero, Ate, anong mararamdaman mo kapag nagkaroon ka ng crush?"

"Ano bang nararamdaman mo?"

"Ate, mag-bestfriend kami. Kung dati ay wala akong pake kahit akbayan o tabihan niya ako, ngayon ay naiilang na ako. Kinakabahan, kinikilig, tapos may parang kung ano akong nararamdaman kapag may umaagaw sa atensyon niya."

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon