Chapter 5

73 13 169
                                    

Chapter 5:Pink Skies

Kinabukasan, isang himalang maaga akong pumasok. Alas singko pa lang kasi nang ginising ako ni Mama, isinabay niya na raw ang gising ko sa paggising ni Ate. Maaga kasing papasok si Ate ngayon dahil sa field trip nila. Ang aga-aga nga ay inis na inis na ako. Sobrang aga pa kasi n'on, antok na antok pa ako. Ninanamnam ko pa nga ang maganda kong panaginip nang bigla akong magising dahil sa pagtapik ni Mama sa akin. Idagdag mo pa ang pangingiliti ni Papa sa mga paa ko.

Saktong alas sais ako nakarating sa Central. Hindi naman Lunes ngayon pero may mga naglalaro sa quadrangle, nagtatakbuhan. Nakita ko pa nga doon ang mga kaklase kong lalaki na inaasar 'yong mga pabebeng babae na galing sa kabilang classroom. Mga kunwaring naiinis at hindi natutuwa dahil sa pangangasar ng mga kaklase ko ngunit sa loob-looban naman nila ay gustong-gusto nila. Parang mga timang.

Nang makapasok ako sa classroom namin ay napa-sign of the cross si Gwyneth, hindi pa makapaniwala sa maaga kong pagpasok. Maski si Sabine ay grabe ang tukso sa akin. Kung nilalagnat raw ba ako at bakit parang napakaaga ko raw pumasok.

Nakapapanibago iyon para sa kanila, lalo na sa akin. Sa amin kasing limang magkakaibigan, ako palagi ang nal-late. Kahit sa school, nandito na sila at lahat, tapos tsaka lang ako dadating. Kapag naman nagkakayayaan kami na maglalaro sa bahay nina Gwyneth, ako pa rin ang pinaka-huling nakararating. Intensyon ko naman iyon, ayaw kong mabagot kaya hindi ako pumapasok nang maaga. Isa pa, para kapag pumasok ako ng late, kalahating oras na ng pagtuturo ni Ma'am. Para kaunting oras na lang ang ilalaan ko sa pakikinig sa lessons nila.

"Anong nakain mo, Caritiana? Ang aga mo naman?" tanong n'ong kaklase kong kulot na hindi nalalayo ang upuan sa akin.

Kung makapagtanong siya sa akin ay parang close at magkaibigan kaming dalawa. Hayaan na nga. Mukhang kahit siya ay nanibago sa akin. Pero, ngayon lang naman 'to, e. Hayaan nila, bukas ay mas tatagalan ko pa.

"Nakain ko? Sama ng loob!" sagot ko, busangot ang mukha.

Tumawa siya. "Nabusog ka naman ba?"

"Oo naman, ikaw ba? Anong nakain mo?"

"Hotdog na may itlog!" Ngumisi siya.

Kung napangisi siya, ngumiwi naman ako.

"Ang landi mo!" sigaw ko.

"O, Diyos na mahabagin," anas ni Gwyneth, halos himatayin.

Malakas na napatawa si Sabine na pinanonood lamang akong makipag-sagutan doon sa isa naming kaklase. Namula bigla iyong pisngi ng isang 'yon kaya 'di ko mapigilang hindi magtaka.

"A-Anong malandi doon?"

Inirapan ko lang siya at wala nang balak na sumagot. Napasimangot ako at kinuha ang bag ko para maghalungkat doon, pagkabukas ko noon ay nahagip ng mata ko ang isang balat ng candy. Bungad na bungad iyon dahil nakapatong pa iyon sa mga notebooks ko.

Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Tsaka lang pumasok sa isip ko kung anong balat ng candy ba ito. Ito nga pala 'yong balat ng candy na ibinili sa akin ni Keano kahapon. Matapos kasing maubos ko ang jelly ace na binili niya kahapon, binilhan niya ulit ako ng limang candy.

Pakiramdam ko nga ay spoiled na spoiled niya ako kahapon dahil sa dami nang binili niya sa akin. Kahit walang hiya naman talaga ako ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mahiya sa kaniya. Hindi ko alam. Mas gusto ko ngang inililibre ako dahil makapal ang mukha ko, isa pa, sabi ng mga kaibigan ko ay buraot daw ako. Kaya nga naninibago ako kahapon dahil bigla akong tinamaan ng kahihiyan nang mabusog ako.

Speaking of Keano, dumaan ako sa room nila kanina pero wala naman siya doon. Mukhang mamaya pa siya papasok kaya hinayaan ko na lang.

"O, himalang ang aga ni Tiana, ah!"

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon