Prologue

200 22 69
                                    

Prologue:Almost

"Ilang ikot pa ba sa harap ng salamin ang gagawin mo, Tiana?"

I didn't mind what Elice, my bestfriend, have said. Nagpatuloy akong umiikot at ikini-kembot ang baywang ko habang nakatitig sa aking sarili gamit ang malaking salamin na nasa harapan ko. Nakita ko mula sa repleksyon ng salamin ang ginawang pabirong pag-irap ni Elice na siyang ikinataas ng kaliwang kilay ko.

Pagkataas ko ng kilay ko ay hindi siya nagpatalo sa akin. Tumayo siya at tumabi sa akin para pantayan ang taas ng kilay ko. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay kapwa kaming natawa. Matapos matawa ay muli kong ibinalik sa salamin ang paningin ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at napa-buntong hininga.

"Sigurado ka bang pupunta ka sa reunion niyo? Paano kapag nakita mo si Keano roon?"

Si Keano.

Ano ba ngayon kung makita ko doon si Keano? Hindi naman siya ang pinunta ko doon. Pumunta ako doon kasi na-miss ko rin ang mga kaklase at kaibigan ko noong Elementary. Hindi ako pupunta doon para makipagkita o makita si Keano. He hurt me before. Wala nang dahilan pa para makipag-mabutihan sa kaniya.

"Sinong Keano?"

Kinunot ko ang noo ko nang lingunin siya. Kailangan kong mag-panggap na hindi ko na naalala ang kung sino mang binanggit niya.

If at all, he's also worth it to be forgotten.

"Si Keano, 'yong kalandian mo noong Elementary hanggang College. 'Yong palagi mong kini-kwento sa akin." Mas lalo ko pang ikinunot ang noo. "Keano Doughnovan Rilverio, still can't remember him?"

I just shook my head. Pagkatapos ay muli akong bumuntong hininga sa hindi ko malaman kung pang-ilan na.

"Siguro nakalimutan na ng isip mo, pero, Tiana, ang puso..." Hinarap niya ako at tinuro ang dibdib ko, sa may bandang puso. Napayuko ako ngunit 'di rin nagtagal ay ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Hindi nakalilimot 'yan."

Umiling lang ako sa pangalawang pagkakataon.

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Elice, siya lang naman kasi ang nag-ayos ng make-up at buhok ko. Siya rin ang namili ng susuotin ko dahil sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ba ang susuotin ko. Mabuti na lang at nariyan si Elice sa kabilang bahay.

Saktong pag-alis niya ay umalis na rin ako, sumabay ako sa kotse ni Mama dahil aalis rin naman siya. Buong biyahe patungo sa elementary school na napag-aralan ko noon ay tahimik lang ako. Wala akong ibang inisip kung 'di ang tanging gagawin ko lang doon.

Hindi na rin naman ako magtatagal doon. Makikipag-kita lang ako sa mga naging kaibigan ko noon, pagkatapos ay kakain, kaunting kwentuhan, at pagkatapos ay uuwi na ako. May pasok pa kasi ako bukas kaya hindi rin pwedeng magtagal ako. Isa pa, wala na akong ibang gagawin doon, e. Iyon lang naman.

"Sige, Ma. Bye. Magt-taxi na lang ako pauwi," paalam ko nang makababa sa kotse.

"Okay, take care."

I just smiled a bit. Pagkasara niya ng bintana ng kotse ay humarurot na ang kotse niya paalis. Bumuntong hininga ako nang mawala na sa paningin ko ang kotse niya. Nang humarap ako sa entrance ng school ay doon ko nakita ang kabuuan nito.

Napaka-raming nagbago doon. 'Yong gate, maayos na ang pagkaka-pintura nito at mukhang mas lalo nilang pinataasan, 'yong pangalan ng eskwelahan sa itaas ay nag-iba rin. Naging kulay itim ito at nag-iba ang font ng pagkakasulat. Nang ibaba ko ang paningin ay napansin ko rin ang dalawang nadagdag na building. Marami pang iba ngunit hindi ko na iyon maisa-isa pa.

Matapos kong pagmasdan ang kabuuan ng eskwelahan ay napagpasyahan kong pumasok na roon sa loob. May mga nakasalubong akong mga ka-batch ko, may mga nakita rin akong pamilyar na mukha, at sa hindi kalayuan ay nakita kong nagk-kumpulan ang mga lalaki mula sa klase namin noon. Sinubukan kong hanapin ang mga kaibigan ko ngunit hindi sila mahagip ng mata ko kaya sinubukan ko pang humakbang papunta sa loob.

"Oy, si Caritiana ba 'yon?"

I heard a group of girls mentioned my name. Awtomatiko akong napalingon roon, nagtagpo ang tingin namin n'ong mga babaeng hindi rin kalayuan sa akin. Namumukhaan ko naman ang isa sa kanila.

"She's stunning," rinig kong bulong ng isa.

"Ganoon pa rin kaya ang itsura niya. Mukha pa rin siyang tanga."

Then they all laughed in chorus. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila.

Natatandaan ko na sila. Sila 'yong grupo dati na palaging naga-away dahil lahat sila ay traydor sa isa't isa. Kaya nakakagulat na hanggang ngayon ay buo pa rin sila. Sila-sila na nga lang ang magkakasama, nagp-plastikan pa. How pathetic.

Muli kong iginala ang paningin ko habang marahan ang paghakbang. Palinga-linga ako, hinahanap ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung a-attend ba sila pero ang alam ko ay gusto naman nilang makipag-kita sa akin.

Natigil ako sa paglakad nang may pamilyar na buhok akong nakita. Ganoon pa rin pala siya hanggang ngayon. Napaka-hilig niya pa ring maglagay ng fake highlight hair. Natawa ako at nagmamadaling naglakad palapit sa kanila.

Bigla akong natigilan nang may biglang sumalubong sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at mahulog sa sahig. Mariin akong napapikit. Parang ayaw ko na lang dumilat dahil kinakabahan akong baka nakita iyon ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Miss..."

Napalunok ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Natulala na lang ako nang makita ang isang pamilyar na tao sa harapan ko. Kumunot ang noo niya.

"K-Keano," mahinang sambit ko.

Millions of memories entered my mind after murmuring his name. Memories of our past, memories of me, loving him devotedly. Our euphoric yet excruciating memories.

He was my lover. We were happy. All that we can feel is the calmness of our hearts and the butterflies inside our stomach; all the sparks that we see whenever we look at each other's eyes.

But, almost is never enough. It will never be enough.

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon