Chapter 9

59 14 154
                                    

Chapter 9:Motive

Nagising ako dahil sa ingay na pumapasok sa tainga ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para tignan kung saan ba nanggagaling ang ingay na iyon. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita si Ma'am Alvieda. Nakapamewang, iritado ang nakaplasta sa mukha.

Nang igala ko ang paningin ko ay tsaka ko lang napansin ang mga titig sa akin ng mga estudyanteng narito rin. Tsaka lang pumasok sa isip ko na dito na nga pala kami nakatulog ni Keano kagabi. Mabilis akong napahilamos sa mukha ko at nilingon si Keano'ng tulog na tulog pa rin hanggang ngayon, hindi alam na pinagkakahuluhan na kami rito.

"Care to explain, Ms. Quintana?"

"U-Uh, Ma'am..."

Napatingin ako kay Ma'am pero 'di rin nagtagal iyon dahil ibinalik ko kay Keano ang tingin at palihim siyang tinapik-tapik para gisingin.

Mukhang masyadong mahimbing ang tulog ni Keano dahil sa simpleng tapik ko lamang ay hindi pa rin siya magising. Nawawalan na ako ng pasensya dahil nasa akin ang tingin nang lahat. Lalo na ni Ma'am Alvieda na naghihintay na ng isasagot ko sa kaniya na hindi ko naman alam kung saan ko kukunin.

Nang kagabing isandal ni Keano ang ulo ko sa balikat niya ay doon lamang ako nakatulog. Ni hindi ko nga alam na hinayaan niya na lang akong makatulog at hindi na ginising pa. Mukhang natulog na rin siya matapos kong ipikit ang mata ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano kami nakapunta rito sa sahig. At mas lalong may sapin na ito at isang unan. May nakabalot pa ngang kumot sa akin na hindi ko naman alam kung saan rin galing.

"Keano, gumising ka na," bulong ko, naiinis na.

"Ms. Quintana and Mr. Rilverio! Sa room ko, now na!"

Tsaka umalis si Ma'am. Ngayon palang ako kinabahan nang ganito dahil sa sinabi ni Ma'am. Madalas naman akong pagalitan ng mga nagiging Teacher ko, madalas rin akong napatatawag sa office o room nila pero hindi naman ako kinabahan nang ganito kalala.

Parang hihiwalay ang kaluluwa ko dahil sa kahihiyan. Siguro ang iniisip ni Ma'am ay napakabata ko pa ngunit natulog na agad ako sa tabi ng lalaki.

Pero kaibigan ko si Keano at wala namang masamang nangyari. Ano ba kasing iniisip nila?

"Ayan, malalandi kasi." Biglang sumulpot si Ysca, nakahalukipkip.

"Yuck, bakit tabi kayong natulog, ha? Tapos ibang room pa?" si Chiena.

"Pwede ba? Nakakabwisit kayo sa umaga!" bulyaw ko.

Tumayo na ako at sinikop ang buhok ko para muling gisingin si Keano. Tinapik-tapik ko pa ang mukha niya pero hindi talaga siya magising.

"Let me do it, 'di ka marunong." Umirap si Ysca.

Pipigilan ko pa sana siyang lapitan si Keano ngunit itinulak niya ako dahilan para mapa-abante ako, nawalan ako ng balanse kaya napaupo na ako sa upuan. Tinawanan lamang ako ng mga alipores ni Ysca at nagsilapitan kay Ysca.

Dali-dali akong lumapit sa kanila at tinaboy sila.

"Keano, gising!" inis kong sigaw.

Nagpumiglas na lang ako nang lapitan ako nina Tricia at Fate para pigilan akong lumapit. Mahigpit nilang hinawakan ang braso ko. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga nakikiusyuso sa amin ngunit natakot silang bigla sa masasamang titig na itinapon sa kanila ni Ysca.

Lumuhod si Ysca roon sa tapat ni Keano at yumuko. Marahan niyang tinapik ang pisngi nito at pinasada ang daliri sa braso nito.

Tumaas ang dalawang kilay ko. "Keano, gumising ka!"

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon