Chapter 8

64 13 162
                                    

Chapter 8:Having You Near Me

It's Saturday pero narito ako sa Central. Nasa canteen, nagi-isang kumakain. Hindi naman kasi kasama sina Ishi, Sabine, at Gwyneth rito sa scouts. Wala rin si Sabrina dahil naroon siya sa kabilang table na hindi naman kalayuan sa kung nasaan ako. Naroon kasi ang mga totoo niyang kaibigan sa table na 'yon.

I mean, bago pa mapunta sa amin si Sabrina, may original friends na siya. Hindi naman kasi sila close ni Sabine kaya sobrang layo talaga ng pagkakaiba nila kahit pa magkapatid naman sila. Napunta lang rin siya sa amin simula nang makilala niya si Ishi. Medyo nagkasundo sila kaya nagkakilala kaming lahat.

But it's fine. Wala ako sa mood makipag-daldalan ngayon lalo't naiinis pa rin ako. Kasi naman, kaninang nasa pila na ay inis na inis ako sa leader namin. Pahirapan pa. Kung ano-anong pinagawa sa amin.

Nagsisi tuloy ako na sumama pa ako sa scouts na ito. Pero, kaunti lang 'yon. Medyo masaya pa nga akong sumali ako dahil kasali pala si Keano sa boys' scouts. Kaso, hiwalay rin kami sa kanila kaya hindi ko pa siya nakakausap.

Matapos akong kumain ay ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak ko at kinuha ang isang basong tubig na nasa gilid ng pinggan ko. Matapos kong uminom ay bumuntong hininga ako sabay gala ng paningin ko. Some students are with their friends, barkadas, and squads. Nagk-kwentuhan sila, naga-asaran, at kung ano-ano pang ginagawa nila habang kumakain. I don't feel alone, actually. Ayos lang sa akin na wala akong kasama ngayon dahil hindi ko naman kailangan n'on.

Maya-maya ay nahagip ng mata ko si Keano, naroon siya kasama sina Aele. Hindi na ako magugulat na narito rin si Aele, dati palang kasi ay hilig niya nang sumali sa scouts. Buti nga ay hindi ko 'yan nakasama dahil paniguradong b-bwisitin niya ako palagi.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa table nila. Natigil sila sa pagu-usap nang tapikin ko ang table nila. Sabay pa sila sa paglingon sa akin na siyang ikinatawa ko.

"Pwede makiupo?" I asked.

"Oh, sure." Ngumiti si Keano.

"Dito ka na, Tiana babes!"

Tinapik ni Aele ang bakanteng upuan na nasa kabilang tabi niya. Inirapan ko si Aele at lumapit sa upuan ni Keano. Siya ang nasa pinaka-unahan, kasunod niya naman ay si Aele, at ang sunod naman sa tabi ni Aele ay bakante na. Iyon 'yong tinapik niya kanina.

Itinulak ko paalis si Aele sa upuan niya at inusog siya doon sa tinapik niyang bakante kanina. Nagsitawanan na lang ang ibang kaibigan ni Keano na nasa kabilang side nang makitang umupo ako sa tabi ni Keano. Ngayon tuloy ay napaggi-gitnaan na ako ni Keano at Aele.

"Iba ka talaga, Tiana," naiiling na sabi ni Aele.

"Ikaw kaya 'yong naiiba rito. Ikaw lang kasi 'yong mukhang unggoy." Tsaka ako ngumisi.

Nagsitawanan na naman silang muli pero hindi ko na sila pinansin. Nilingon ko si Keano at nginisian.

"Tapos ka na kumain?" I asked.

"Yea, ikaw? Ilibre kita, gusto mo?"

Mabilis akong umiling. "Nope. Kumain na ako, e."

He just nodded and looked away after. Nagtataka na ako sa mga kinikilos niya dahil pakiramdam ko ay umiiwas na siya sa akin simula kaninang umaga pa lang na pagdating namin dito. Ni hindi niya manlang ako nagawang lapitan kaninang naroon ako sa table ko nang mag-isa.

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon