Chapter 18:The Way You Make Me Feel
"C-Crush mo ako?"
After minutes of forcing my mind to sink in his sudden confession, I had the urge to ask him that question. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong araw. I didn't expect that this would be my lucky day. Lucky day kasi sinabi sa akin ng crush ko na crush niya raw ako!
Am I really dreaming or what? Magigising na ba ako?
Mahina kong kinurot ang sarili ko at ngumiwi na lang nang maramdaman ang sakit dahil sa pagkurot sa sariling balat. Doon ko napagtantong hindi nga ako nananaginip at totoo ang lahat nang nangyayaring ito ngayon.
Sinong hindi makapapaniwala? Crinushback na ako ni Keano! All this time, I thought that he likes Abellana but it just turned out na ako pala ang crush niya! Imposible naman kasing maging crush ako ni Keano dahil parang ang layo-layo ng dream girl niya sa akin, although we haven't talked about his dream girl yet. Wala kasi akong balak na itanong iyon noon dahil ayaw kong masaktan kapag kahit isa sa mga katangian ng dream girl niya ay wala sa akin.
Ako lang naman 'to. Si Caritiana na nic-crushback na ngayon. Magpapaparty na yata ako mamaya!
"D-Dapat ko bang ulitin, Tiana?" Napaiwas siya ng tingin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti nito. Kinikilig ako ngayon. Sino ba kasing hindi kikiligin kung umamin mismo sayo iyong crush mo na crush ka rin niya?
"Crush ka rin ni Keano!?"
I flipped my hair and nodded at them while wearing my big smile. I didn't know how I survived that time, pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako sa kilig at tuwa. Mabuti nga ay dumating na si Papa at Mama para sunduin ako kaya napahiwalay na lang kami ni Keano sa isa't isa, wala nang ibang napag-usapan.
Gusto ko rin sanang aminin sa kaniya na crush ko siya kaso dumating na sina Mama kaya naputol lang. Ang alam ko lang ngayon ay kinikilig pa rin ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Keano bukas gayong alam ko nang crush niya rin ako.
Hindi naman ako nagmamadali sa pag-ibig pero hihintayin ko ang kung anong sunod niyang gagawin matapos niyang aminin sa akin iyon. Dati, everytime binabasahan ako nina Mama at Papa ng bed time stories, I've always dreamt of having a Prince Charming sa future. Tinatawanan nga lang ako ni Papa at pinagsasabihang ihaharap ko raw muna sa kaniya ang Prince na nahanap ko.
Naniniwala ako sa fairytale. Kung paano nahanap ni Prince Charming si Cinderella dahil sa glass slippers nitong naiwan noong tumatakbo siya paalis, kung paano naging isang Prince Charming si Beast nang dahil kay Belle, kung paano nagising ni Prince Charming si Snow White nang halikan siya nito dahil sa paglason sa kaniya, kung paano nagising si Aurora at nawala ang sumpa nang halikan siya ni Prince Charming. It's so magical, it's so amazing. Gusto ko ring makita kung ano ba ang mangyayari sa akin kapag nakita ko na ang Prince Charming ko.
Sabi nila, masyadong pang maaga para sa isang labing-isang taong gulang na batang kagaya ko ang makahanap noon pero sa tingin ko ay... Nahanap ko na yata ang Prince Charming ko.
"Kalma lang kayo, ako lang 'to." Ngumisi ako.
Sabrina and Ishi giggled. Kinuha nila ang unan sa magkabilang side nila at huli na para takpan ko ang sarili ko dahil nahampas na nila ako. Natawa ako at inagaw mula kay Ishi iyong unan at hinampas silang dalawa.
Narito sila ngayon sa kwarto ko dahil nag-aya akong mag-sleep over. Kaming tatlo lang na naman dahil ayaw nina Gwyneth at Sabine. Iyong dalawang iyon, mas gugustuhin pang manahimik sa kani-kanilang mga bahay kaysa sumama sa trip namin. Ewan ko ba sa kanila, hindi yata uso sa kanila ang salitang "enjoy". Masyado nilang inii-stress ang sarili nila sa paga-aral nila.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Ficção Adolescente"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...