Chapter 22:Stay Away
Sa mga puntong 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko. Sa bawat pagsigaw ko ng salitang 'tulong' ay katumbas ng kaba at pawis na nagtutuluan sa noo ko. Kabadong-kabado ako na halos lumabas na ang puso ko sa bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung tatayo ako at tatakbo para humingi ng tulong, o 'di kaya ay manatili sa tabi ni Keano habang sumisigaw ng tulong. Sa mga minutong ito ay daig ko pa ang mannequin dahil hindi ako makagalaw. Para akong natuod sa kung nasaan ako dahil hindi ko magawang gumalaw.
Nanlalabo na ang paningin ko sa luhang nagsisilabasan sa mga mata ko. Basta, ang alam ko na lang ay dinaluhan ako ng isa sa taga-linis dito sa school. Binuhat niya si Keano, habang ako, hindi na alam ang gagawin at tanging nakasunod na lang sa kaniya. Dahil nadaanan namin ang canteen, nakita kami nina Ishi at pati na rin ni Abellana na nanlaki ang mga mata nang makita si Keano. Bigla niyang inilabas ang phone niya at may tinawagan.
Hindi ko na muna sila inintindi at sumunod sa clinic kung saan dinala si Keano. Nanginginig ang buong katawan ko at kaunti na lang ay babagsak na ako sa sahig.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Keano. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang na-gan'on. Hindi ko alam kung ano bang mayroon siya na naging dahilan para bumagsak siya roon sa sahig at mawalan ng malay.
Parang napakabilis ng oras dahil namalayan ko na lang na may pumasok na isang matangkad na babae at lalaki sa clinic. Napaka-sopistikada n'ong babae. Hindi ko alam, ngunit malakas ang pakiramdam kong siya ang mama ni Keano. Bukod doon, kasunod nila si Abellana na pumasok. Bago pa siya tuluyang makapasok, tinawag ko siya, pero hindi siya lumingon kaya ako na ang kusang lumapit. Akma akong papasok ngunit hinarap niya ako at inilingan sabay sarado ng pinto. Gulat na gulat ako. Lahat ng luha ko ay tumigil dahil sa inasta ni Abellana.
Ano bang problema niya? Nagka-ganoon na nga si Keano, ngunit ayaw niya pa akong papasukin sa loob para tignan man lang ang kalagayan ng kaibigan ko?
Gusto kong mainis at awayin si Abellana sa loob, ngunit alam kong hindi ito ang tamang oras para roon. Isa pa, masyadong okupado ang isip ko sa nangyari kay Keano para isipin pa ang bagay na 'yon. Sa mga oras na ito, ang kailangan ko lang gawin ay hintaying matapos sila sa loob para malaman ko kung ano ang nangyari kay Keano.
Labis akong naga-alala dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nahimatay. Ni gusto ko ring sisihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya nagka-ganoon. Kung hindi siguro ako nag-inarte, hindi mawawalan ng malay si Keano.
Sa ngayon, isa lang ang alam ko... may mali.
"Anong nangyari?"
Isang tapik mula kay Ishi ang naramdaman ko habang nakatalikod ako sa gawi nila. Kararating lang nila rito, hindi nasaksihan ang ginawa ng impaktang Abellana na iyon na akala mo ay kung sino.
Oh, come on, Tiana. Hindi siya kung sino-sino lang...
Nalulungkot ako kasi kahit pa sabihing mag-kaibigan kami ni Keano, hindi ko maitatangging mas nauna niyang naging kaibigan si Abellana kaysa sa akin. Baka nga rin alam ni Abellana kung bakit nagkaka-ganoon si Keano kaya gayon na lang ang pag-iling niya sa akin kanina, sinisenyas sa aking "huwag". Alam ko ring mas close sila ng mama ni Keano, kaya kung ako ang naroon sa loob, walang kaalam-alam, ano na lang ang gagawin ko? Tatanga na lang ba ako roon? Mapapahiya ko lang ang sarili ko.
"H-Hindi ko alam..." pahina nang pahina ang boses ko.
Ayaw ko mang magmukhang kawawa sa harap ng mga kaibigan ko, ngunit hindi ko mapigilang hindi maiyak sa mga naiisip ko, idagdag na rin ang kalagayan ngayon ni Keano na wala man lang akong kaalam-alam dahil nga ayaw akong papasukin ni Abellana.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Teen Fiction"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...