Chapter 7:Something In The Air
Things went fast. Our friendship became more stronger after what happened last week. Dahil sa pang-aaway na ginawa sa akin ni Ysca ay mas lalong tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa.
Our friendship was so unexpected. Hindi ko inaakalang dahil lang sa gusto ko siyang maging subject ng paintings ko ay may mabubuong pagkakaibigan sa gitna namin. To be honest, I like him more to be my best friend more than being my paintings' subject.
Ang sarap niyang maging kaibigan, hindi dahil palagi niya akong nililibre. It's because I can feel that I'm loved. Hindi naman sa kulang ako sa pagmamahal, it's just pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kapatid na lalaki na matagal ko nang hinihiling. Dalawa lang kasi kaming magkapatid, tapos babae pa si Ate kaya gusto ko ring maranasan kung paano magkaroon ng kapatid na lalaki.
Sa gusto kong 'yon, biglang tumutol ang isang parte sa katawan ko. Ang pinaka-mahalagang parte. Para itong may sinasabi sa akin na hindi ko naman maintindihan sa ngayon kaya hinahayaan ko lang.
"Excited na ako!" nakangiting bulalas ni Sabrina.
May subo-subo siyang lollipop sa bibig niya, at may hawak-hawak pang apat na lollipop sa kabilang kamay niya. Umirap lang ako sa kaniya. Kanina pa kasi ako naiinis sa kaniya dahil ayaw niya akong bigyan n'ong lollipop kaninang nanghihingi ako.
Gusto ko kasi iyong strawberry flavored na hawak niya kanina pero n'ong hiningi ko sa kaniya, binuksan niya iyong strawberry at iyon ang isinubo. Matapos kong sumimangot sa kaniya ay nginisian niya lang ako. Sinubukan ko pa ngang hingin ang ibang flavor pero masyado siyang madamot.
Bahala siya sa buhay niya. Marami pa naman akong dalang pagkain sa bag ko, hindi ko rin siya bibigyan kapag nanghingi siya. Hindi kami bati.
Nasa classroom kami ngayon, nakaupo sa lapag dahil kanina pa kami naglalaro ng jack stones. Wala naman kasi kaming Teacher ngayon dahil may biglaang meeting. Nagsasaya tuloy ang mga estudyante ngayon, lalo na kaming lima.
Sa sobrang tuwa ko nga kanina ay pumunta ako sa classroom nina Keano para tawagin siya. Wala rin siyang ginagawa, nakatanga lang sa mga kaibigan niyang gumagawa ng mga kalokohan. Matapos ko siyang ayain maglaro ay sumama na siya sa akin papunta sa room.
Pagkapasok nga namin ay nakita ko pa ang palihim na hagikhikan ng mahaharot kong mga kaklaseng babae. Ilan lamang sila dahil ang iba ay wala namang pake kay Keano.
Mabuti na iyon.
"Hoy! Ang daya mo! Hindi mo naman nasalo 'yong bola!" sita ko kay Keano.
Humalakhak siya at ibinigay na kay Sabine ang bola at mga jack stones. Inirapan ko si Keano at nagsimula na ulit kaming maglaro.
"Olats." Napangiwi si Sabine.
"My turn!"
Nginisian ko silang lahat bago initsa ang mga jacks. Kung jacks nga bang maitatawag ang mga ito. Initsa ko na rin pataas iyong bola at sinimulan na ang laro. Napapangisi ako dahil halos lahat ay nakukuha ko.
"Weh, si Caritiana, may daya." si Ishi.
"E 'di wow, 'di ka lang makatagal, e," sagot ko, tutok ang mga mata sa nilalaro.
"May daya talaga 'yan, nakita ko dinasalan niya muna," sapaw ni Keano.
"Ah, talaga ba, Keano? 'Di lang rin nagtatagal sayo, e."
"Alam mo kung ano 'yong magtatagal sa akin?"
"'Yong ano mo!"
Nagsitawanan ang mga babaeng kaibigan ko sa isinagot ko kay Keano. Hindi ko nga alam kung ano bang reaksyon niya dahil tutok na tutok pa rin ang mga mata ko sa nilalaro ko para hindi ako ma-dead.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Novela Juvenil"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...