Chapter 4:Friends
It's Saturday and here I am, sipping on my strawberry flavored milkshake while numbing the cold breeze of the aircondition near beside me. I cooly tapped the table using my three fingers and swayed my feet under the table.
I threw a glance at my parents' back. Naroon na sila sa counter, umo-order ng makakain namin.
We always do this every Saturday. Ito ang araw na nagsisilbing "family day" namin dahil palagi silang busy every Sunday. Every Sunday naman, kami lang ni Ate Azi ang palaging naiiwan sa bahay dahil nga busy sina Mama at Papa ng ganoong araw.
Wala akong ibang ginagawa kung 'di ang magkulong sa sariling kwarto dahil busy rin naman si Ate Azi. Naroon siya sa living room palagi, kasama ang barkada niya. Palagi silang gumagawa ng project.
Siguro kasi noong umulan dito sa bahay ng kasipagan sa acads, ay si Ate ang sumalo ng lahat nang iyon. Baka nga nag-backstroke pa siya kasama ang mga barkada niyang nagb-butterfly pa.
"Ma, nasaan si Ate?"
Binitawan ng bibig ko ang straw ng milkshake ko nang dumating na sina Papa at Mama na may dala-dalang dalawang tray. Inilapag niya sa harapan ko ang isang plato na may malaking chicken at spaghetti.
Ngumuso ako. "Hindi ko kayang ubusin 'yan, Ma."
"Sige na, kung anong maubos mo, 'yon na 'yon."
Ngumiwi na lamang ako at hinintay silang dalawang makaupo sa harapan ko. Pinanonood ko lamang silang maglagay ng plato sa harap ng bawat silya. Apat ang silya ngunit tatlo lang naman kaming narito.
Maya maya pa ay nainip na ako sa kanila dahil nagu-usap pa silang dalawa sa harap ko. Nanunuot na sa ilong ko ang napakabangong mainit na manok na nasa harapan ko. Sumulyap muna ako kanila Mama at Papa at nang makitang wala naman sa akin ang atensyon nila ay napagpasyahan kong palihim na kuhanin ang chicken ko.
Lalantakan ko na sana ito nang mapahinto ako dahil may tumapik sa balikat ko. Dali-dali kong naibalik sa plato ang manok at nilingon ang kung sino mang istorbo na umistorbo sa pagkain ko.
"Ayan, hindi marunong maghintay," pangangasar ni Ate.
Umirap ako. "Ang tagal mo kasi! Gutom na ako!"
Nilingon kami ni Mama. Lumapit naman si Ate sa kanilang dalawa para magmano. Ngayon ko lang napansing habang pinanonood siya na naka-uniform siya. Biglang sumagi sa isip ko na may pasok nga pala ngayon si Ate kahit pa Sabado ngayon. College kasi si Ate at kapag kinulang sila ng oras nitong Lunes hanggang Biyernes ay ine-extend nila ng Sabado.
Kaya nga kapag nag-College ako ay ayaw kong doon pumasok sa pinapasukan ni Ate ngayon. Nakakatamad kayang pumasok ng Sabado. Iyon na lang at ang Linggo na nga lang ang rest day, tapos kukuhanin pa dahil kinulang ng oras.
"Ma, daan pala tayo mamaya sa bookstore para makabili ako ng yellow pads. Ubos na kasi ang akin."
"Ma, ako rin!" I pouted. "Wala na akong acrylics, ubos na."
"Ubos na agad? Ang dami na naming binili ng Mama mo sayo last week, ah?" tanong ni Papa.
Ngumiwi ako. "Ubos na, Pa, e. Ginamit namin sa MAPEH."
Iyon ang idinahilan ko para lang maibili nila ako. Hindi naman talaga namin ginamit iyon sa MAPEH, talagang naubos ko lang dahil marami akong ipininta noong nakaraang linggo. Tsaka ginamit ko rin iyon para ipinta ang pagmumukha ni Keano. Tapos idagdag mo pang nagsayang kami n'on kahapon dahil sa kaharutan naming dalawa.
"Sige," pagsang-ayon ni Mama.
Ngumisi ako, napagbigyan na naman sa gusto ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nilantakan na ang pagkaing nasa harapan ko, ginutom kasi ako lalo dahil sa mabango nitong amoy na pilit pumapasok sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Teen Fiction"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...