Chapter 19

17 6 202
                                    

Note: Hello! This is the new Chapter 19. Enjoy reading!<3

Chapter 19:Something New

"Good morning, class."

Isang bati ang narinig namin mula sa Teacher na pumasok. Kahit nagtataka dahil siya ang pumasok, we greeted her in unison.

Hindi naman kasi namin siya Teacher. Isa pa, sa pagkaka-tanda ko ay Teacher siya n'ong kabilang section at siya rin ang Head Teacher doon sa Arts Club na sinalihan ko noong first grading.

Sa pagpunta niya, bigla tuloy akong napaisip. What's her purpose?

After greeting her, umupo na ulit kami sa mga upuan namin at pinakinggan ang sasabihin niya. Nakikinig lang ako kahit ang mga mata ko ay nakatutok sa mga daliri kong kanina ko pa pinaglalaruan.

"I'm here to announce a good news," panimula niya. "Magkakaroon tayo ng Cultural Festival at mangyayari 'yon next week. Iyong mga members sa Arts Club, pwede kayong sumali. Iyon namang ayaw ay ayos lang din. Iyong mananalo sa competition ang siyang ilalaban para sa ibang divisions."

Nagpantig sa tainga ko ang mga lumabas sa bibig niya. Kung kanina ay nakatutok lang ang mga mata ko sa daliri ko, ngayon ay talagang humarap na ako sa harapan dahil bigla akong nagka-interes sa sinabi niya.

Cultural Festival? Iyong Cultural Festival ay isang activity rito sa school where we can show case our talent through Arts.

I'm a member of Arts Club! Pwede akong sumali!

Nagtaas ako ng kamay para magtanong na agad naman niya akong tinawag.

"Sa buong school lang po ba natin 'yon o kasama ang ibang schools?" tanong ko.

"'Yong next week ay sa buong school lang din natin. Meaning, ang makakalaban niyo ay mga schoolmates niyo lang din," sagot niya sa tanong ko. "As usual, katulad last year, ang grand winner ay makakatanggap ng five thousand cash, set ng new materials, and iyon nga ang ilalaban sa ibang divisions. For second place and third place, two thousand."

Napatango-tango ako at umupong muli sa upuan ko, malalim na ang iniisip.

Kung sasali ako, hindi ko alam kung mananalo ba ako. Mas maraming magagaling sa akin dito pagdating sa arts, lalo sa mga kasama ko roon sa Arts Club. Mas magagaling sila sa akin at may chance na makuha nila iyong first place. Pwede ko naman subukan, pero magsasayang lang ako ng lakas at art materials ko kung matatalo ako.

Kaya lang, sayang din iyong five thousand na iyon na pwede kong i-abot kina Mama at Papa. Tapos set of materials pa kaya hindi ako magpapabili ng bago kina Mama. Pwede pa raw ipang-laban sa ibang divisions na alam kong may mas magaling sa akin sa ibang school.

Gusto kong sumali, kaya lang ay naga-alinlangan ako. Isa pa, po-problemahin ko rin kung ano ba ang ipipinta ko. Hindi naman kasi dapat basta-bastang pinta lang ang gagawin ko. It should be colorful and meaningful. Iyon bang meaning pa lang n'ong painting ay mapapapalakpak na ang mga judge.

Isa pa, may kailangan ako sa pagpipinta... Inspirasyon. Kailangan ko ng inspirasyon para makapag-pinta. Kasi kung wala, anong gagawin ko sa blangkong canvas? Tititigan ko na lang ba na parang may maipipinta iyong mata ko gamit ang pagtitig? Hindi.

"Ano? Sasali ka? Kung sasali ka, nandito kami sa likod mo, susuportahan ka."

Napalingon ako sa gilid ko. I saw Gwyneth, smiling after uttering those words. I smiled back.

"Thank you, Gwyn," nakangit kong pasasalamat. "Gusto kong sumali pero naga-alinlangan pa rin ako. Baka matalo ako."

Ngumuso siya. "Iniisip mo na agad 'yan, 'di pa nga nagsisimula. Walang masama kung susubukan mo, Tiana."

Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon