Chapter 14:You Belong With Me
"M-Ma, sorry."
Nakanguso akong lumapit kay Mama at ibinalot ang mga kamay sa baywang niya. Sinandal ko ang ulo ko sa tiyan niya at ngumuso.
"Anong kaartehan 'yan?" Humalakhak si Ate.
"S-Sorry lang." I pouted even more.
Nang malaman ni Keano iyong ginawa kong pangungupit ay pinagsabihan niya ako. Todo sorry lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Kung ipipilit ko namang magsalita, baka madulas pa sa bibig ko at masabing crush ko siya kaya gusto kong ako ang favorite niya. Ayaw ko namang malaman niya iyon dahil baka mawala ang closeness naming dalawa. Mawala na ang lahat, 'wag lang si Keano.
He told me to say sorry and so I did. Pagkauwi ko sa bahay, pagkatapos kong magpalit ng damit na pang-bahay ay dumeretso ako sa kusina sa kung nasaan silang tatlo, nagm-meryenda. Hindi man lang ako hinintay. Wala nang paligoy-ligoy pa ay humingi na ako ng sorry kay Mama. Wala naman akong balak na sabihin ang ginawa ko dahil natatakot akong baka mapalo ako o ma-grounded. Basta mags-sorry ako at ibabalik ang perang nakuha ko sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung kailan.
"Ano na namang kalokohang ginawa mo?"
Inalis ni Mama ang pagkakayakap ko sa kaniya matapos nang ilang minuto. Tumayo ako nang maayos at napakamot sa batok ko, nagi-isip ng palusot kung bakit ako humihingi ng sorry sa kaniya.
"May kalokohan na naman 'yan, 'Ma, kaya ganiyan." Muling humalakhak si Ate.
Pabiro ko siyang inirapan nang lingunin. 'Di rin nagtagal ay ibinalik ko kay Mama ang paningin at pinagdikit ang dalawang kamay habang nakanguso pa rin.
"S-Sorry," I whispered. "S-Sorry talaga..."
"Saan nga?"
Pagtingin ko kay Mama ay naka-pamewang na siya sa harapan ko. Natawa si Papa na nasa likuran niya, nagluluto ng pancakes.
"S-Sorry kasi..." Huminto ako at bumuntong hininga. "S-Sorry kasi... Ang ganda ko."
Napuno ng hagalpakan nina Ate at Papa ang buong kusina. Napatampal naman sa noo si Mama habang dismayadong naiiling. Kinamot ko ang ulo nang makita ang reaksyon nila.
Mas maganda nang iyon ang maging reaksyon nila kaysa naman maging galit ang reaksyon nila. Baka bigla pang kuhanin ni Mama ang tsinelas niya at iitsa sa akin. Ang matindi pa ay baka kuhanin nila ang art materials ko! Hindi ko kakayanin iyon, baka hindi na ako makapag-pinta pa.
Nakokonsensya naman ako sa ginawa ko at pinagsisisihan ko iyon ngunit mas nananaig sa akin na ayaw kong mapagalitan kaya hindi ko na lang sasabihin sa kanila. Patago ko na lang ring ibabalik iyong pera sa kanila. Hindi naman iyon ganoon kalaki dahil four-hundred pesos lang naman 'yon. Pupwede ko pang mapag-ipunan kaya magpapabili na lang ako ng thriftbox sa kaniya or kay Ate. Mura lang naman iyon doon sa mall.
"Napakadami mo talagang kalokohan! Manang-mana ka sa tatay mo!"
Humalakhak si Papa at hinapit ang baywang ni Mama. Kinamot ko na lang muli ang ulo ko at tumabi sa upuan ni Ate.
Ewan ko ba dito kay Mama. Kapag magandang gawain 'yong nagawa ko, ang galing ko daw at manang-mana ako sa kaniya pero kapag naman kalokohan ang nagawa ko ay manang-mana ako kay Papa. Ang gulo niya, hindi ko siya maintindihan. E 'di sana ay sinabi niyang nagmana na lang ako sa kanilang dalawa para hindi ako nalilito kung kanino ba talaga ako nagmana.
"Nga pala, lilipat na daw sila Aida sa kabilang bahay mamaya. Dyan na sila titira."
Halos mabulunan ako sa kinakain ko nang sabihin iyon ni Mama. Dali-dali ko siyang tiningala na parang nagiging hugis puso ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Novela Juvenil"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...