Chapter 12:Consequences
"S-Sasama na ako."
Nakita kong nangunot ang noo ni Keano dahil sa sinabi ko.
I know, I'm so silly. Parang sinabi ko lang kanina na hindi ako pwede kahit wala naman talaga akong gagawin. Pinaiiral ko lang ang kaartehan ko na baka masaktan nang dahil sa kanilang dalawa. Naiisip ko pa lang kasi na magkasama sila ay naiinis na ako. Naiinggit na naiinis ako doon sa Abellana na 'yon. Sana ako na lang iyong nakilala ni Keano nang mas maaga, e 'di sana ay hindi ako nagkakaganito.
"I thought hindi ka pwede?" he asked.
"'Wag na lang pala, hindi ko na lang gagawin 'yong gagawin ko." Mariin akong lumunok. "S-Sasama na lang ako sa inyo. Gusto ko kasing maka-close si Abellana."
Matapos kong sabihin iyon ay tinapunan ko ng tingin si Abellana na unti-unting napangiti. Binalik ko kay Keano ang paningin at kinagat ang ibabang labi ko.
"Sure ka?"
"O-Oo nga." I awkwardly smiled. "Gusto kong maka-close si Abellana para t-tatlo na tayo."
"If that's what you want, Tiana." He shrugged his shoulders. "Tara na!"
Ngumiti na lang ako at inalis ang kaba at pagkailang sa loob ko. Doon ako tumabi kay Abellana sa paglalakad para hindi halata. Hindi ko alam kung saan na kami papuntang tatlo pero sinundan ko lang sila na umikot rito sa Central. Kapag may itinatanong si Abellana ay sinasagot ko na lang dahil kailangan kong maging mabait sa kaniya para hindi ako mapaghalataan ni Keano. Ayaw ko namang isipin niyang kaya ako sumama ay dahil natatakot akong maagaw siya ni Abellana sa akin.
Ako kaya ang nauna rito kay Keano. Kahit pa sabihin niyang simula bata si Keano ay siya na ang nakasama at nakalaro nito, ngayon namang grade six na si Keano ay ako ang nauna sa kaniya dito sa Central. Ako kaya ang naunang nakalaro at nakasama ni Keano dito. Huwag siyang bida-bida. Kung may kaibigan man si Keano dito, ako lang iyon. Noon pa siya, ako na ang ngayon. Nakakainis talaga ako sa tuwing naiisip kong pumapapel pa siya sa buhay ni Keano ngayon.
Uh, why do I sound so possessive and obsessed about him? Uh, this feelings sucks.
"Ito 'yong restroom sa building natin."
Tinuro ni Keano iyong restroom na malapit doon sa hagdan. Bumalik ang lahat nang nangyari sa akin sa loob n'on sa isipan ko kaya hindi pa man kami nakalalapit doon ay kinakabahan at nanlalamig na ang dalawang kamay ko. Pakiramdam ko nga ay namumutla na ako rito sa tabi ni Abellana na mukhang tuwang-tuwa pa.
Pa-kaunti na nang pa-kaunti ang agwat ko mula roon sa restroom kaya mas lalong lumakas ang pagkabog ng puso ko. Bumalik sa alaala ko kung paano ko malakas na kinalampag iyong pinto, kung paano ako malakas na umiyak habang humihingi ng tulong, at kung paano ako nahawakan noong malamig na kamay doon sa loob. It caused me trauma, kailanman ay hindi na ulit ako bumalik sa restroom na 'to. Ngayon lang dahil dito napiling dumaan ni Keano.
Bukod sa mga iyon, muling bumalik sa alaala ko kung paano ako natagpuan doon ni Keano na umiiyak at humihingi ng tulong mula sa pagkakakulong. Kung paano niya binuksan ang pinto at inalo ako, kung paano niya ako niyakap at binulungan na narito siya sa tabi ko at hindi ako iiwan. I don't know but he actually got rid of all the fear that I felt that night. Wala akong ibang maramdaman noong gabing iyon kung 'di takot but the moment that he hugged me, lahat nang takot na nararamdaman ko ay bigla na lang nawala. Kung paano niya ako niyakap nang mahigpit noong gabing iyon na ipinararating sa akin na huwag akong matakot dahil naroon siya. Pakiramdam ko ay ligtas na ako. Niligtas niya ako.
BINABASA MO ANG
Almost Is Never Enough (Childhood Memoirs Series #1)
Teen Fiction"Pinilit, kinaya, at sinubukan naman pero bakit hindi pa nagawa hanggang sa walang hanggan?" Iisa lang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ni Caritiana hanggang sa paglaki niya. As she grows, nanghihinayang pa rin siya sa naging relasyon nila...