Chapter 17

11.7K 285 5
                                    




"Lana walang pasok bukas, sama ka bar kami" napatingin ako sa pinto ng opisina ko ng dumungaw doon si Jack.

Oo nga pala walang pasok bukas, tingnan mo bukas pa walang pasok tapos hindi pumasok ngayong araw si Kento my loves ko.

Maaga akong pumasok kaninang umaga para abangan siya tapos malalaman ko sa staff niya na hindi daw ito papasok at may pinuntahan, saan naman siya pupunta mangbabae?!

Nakakainis!

"Ayaw ko wala akong gana," sambit ko at naglaro na lang ng COD sa cellphone ko, tapos ko na lahat ng trabaho ko para sa ngayong araw kaya may oras akong maglaro.

Tyaka pangpawala na rin ng inis....

9:20 pm

Naglalakad na ako pauwi na at napadaan ako sa office ng Marketing team at narinig na naguusap ang mag hipon dito.

"Di naman talaga magaling ang Sienna na iyon kaya hinahanapan ng assistant dahil hindi kayang gawin ang trabaho niya mag-isa," agad pumintig ang pandinig ko ng marinig ang pangalan ng kaibigan ko.

"Excuse me," sumingit ako sa usapan nila at nginitian sila ng peke, "Ma'am Villarino," sambit ng isa ng makilala niya ako.

"Kasama pala sa trabaho niyo ang magchismisan? bakit hindi ko alam iyon," sambit ko at kinuha ang hawak na cookies na hawak ng isa. Halatang kinakabahan sila sa puntong ito kaya mas tinignan ko sila ng masama.

"Ano kayang sasabihin ng COO pagnalaman niyang pinagchichismisan nyo ang desisyon niya...hmmm," kumuha ako ng cookies mula sa plastik at tiningnan ito.

"Tapos sinisiraan nyo pa ang girlfriend ni---," one of them cut me out and say, "Ma'am wag nyo po kami isusu---," I cut her out by putting the big piece of cookies on her mouth, "Shhh kung ako sa inyo uuwi na ako bago ko pa pagbibigwasan ang mag madudumi nyong bibig," seryoso kong sambit.

Agad silang nagmadaling kinuha ang mag bag at tumakbo paalis, "Sorry po Ma'am," they said while running. Nag mawala na sila natawa ako at tinikman ang cookies na kinuha ko sa kanila.

Pero agad ko din niluwa dahil, "Puta lasang kalawang blehhh!" tinapon ko ito sa trash can bago tuluyang umuwi.


***


Kinabukasan nagpainting lang ako sa kwarto ko, sinilip ko sa bintana sila Patrick at Vito pero sabi nila Tita umalis daw ang dalawang mokong.

Kaya mag isa lang ako dito ay walang magawa, hindi rin maalis sa isip ko si Kento my loves ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako paghindi ko siya nakita kaya kailangan kong maglibang.

Biglang pumasok sa isip ko si Aberry babe's kaya mabilis kong binuksan ang laptop ko at nag log in sa laro na lama kong nilalaro niya ngayon. 3pm siguradong nandito lang iyon.

"Sabi ko na eh," bulong ko ng makitang online siya sa gaming account niya. Mabilis akong nagtype at sinend sa kanya ito.

To KarnelJade,

Hey, you're playing in the daylight; I guess you didn't go to work right? See me on the g-spot at 4:00 pm ASAP! Matatalo ng isang taon sa COD paghindi pumunta.

Alam kong hindi ako sisiputin nito kung walang pagbabanta kaya isang taon yon para pumunta talaga siya. Gaga itong babaeng ito mas importante ang laro kesa sa kaibigan.

Tinapos ko muna ang painting ko at nagsimulang mag ayos ng mga 3:20 pm, I took a shower and remove all the paints on my body and just wear a simple black vintage shirt with Leonardo da vinci art print and pair it with gypsy skirt. I also wear my black converse shirt.

Nagpunta ako sa mall malapit sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan, at gaya ng inaasahan naghintay pa ako sa kanya ng ilang minuto dahil lagi namang late ang babaeng iyon.

Nang wala pa rin siya pumasok na ako sa loob at umorder ng kape ko, maya-maya lang dumating na ang order ko at dumating na din sa wakas...

"Aberry!!!!!" matining kong sigaw ng makita ko si Aberry papasok niya sa pinto ng coffee shop, parang ilang araw na din kami di nagkikita nito ah.

"Lakas ng boses mo!" suway niya at nagyakapan kami.

"I miss you kasi," I said and pouted my lips. "Ewan ko sayo," she said and sat in front of me, put her bag on above her lap and drank on my coffee.

"Akin yan eh!" reklamo ko, pano hindi pa nga ako nakakainom, "Akin na ngayon," she said and get my drink for real.

Dahil doon wala akong nagawa kundi umorder ng panibago at naghintay ulit.

"So, how's work?" I ask, she roll her eyes on me and haze, "Ayon boring, alam mo ba pinahawak sakin ni boss yong finance statement kahapon! As in lahat," she said sounded so pissed off.

Dumating na ang drinks ko at kunot noo siyang hinarap, "Finance? Why so?" tanong ko at humigop sa kape ko, why so? Tama naman diba hahaha bahala na, kunwari magaling mag english.

"Nalate kasi ako," she said. Napangiti ako dahil parang alam ko na ito. "Nalate ka dahil???" tanong ko.

"Dahil naglaro ka na naman!" bago pa siya sumagot ako na din ang sumagot ng sa tanong ko dahil alam ko naman na, hahaha...

"Alam mo naman pala tatanong ka pa," masungit niyang sambit, tinawanan ko lang siya at nagkwentuhan kami ng kung ano-anong bagay, dahil doon medyo nawawala na ang pagkainis ko at pagkabaliw ko kay Kento my loves.

"Alam mo minsan napapaisip ako, what if I was a marketing manager siguro mas na explore ko yung knowledge ko, gustong gusto ko nang gumawa ng mga marketing strategic plan para sa company pero hindi ako nabibigyan ng chance," she kept on ranting on me, so I just listen.

Teka...

"Di naman talaga magaling ang Sienna na iyon kaya hinahanapan ng assistant dahil hindi kayang gawin ang trabaho niya mag-isa"

"hinahanapan ng assistant"

Naghahanap si Sienna ng Marketing Assistant!!!

"Hm!" sambit ko at agad binaba ang kapeng iniinom ko bago ito nilunok ang nasa bibig ko at, "I remember! May hiring sa Delavine's pero hindi siya pinupublic dahil gusto ni Sienna na personally niya kilala ang magiging assistant niya." sambit ko.

She nodded at me like she didn't care but after a few seconds her eyes widened and, "What! hiring kayo? anong trabaho?" hinawakan niya ang balikat ko at inalog-along ako.

"Oo girl, wait lang nahihilo ako," sambit ko.

"Si Sienna yong Marketing manag-------," magsasalita pa lang ako sumabat agad, "Yes, yes, magapply ako!" ano?

"Agad agad? May trabaho ka pa diba?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Lana gusto ko nito, Magreresign ako at magaapply sa Delavine's, you're pertaining about hiring that Sienna Marketing Manager's assistant right!" she said, so I just nodded.

"Lana I-refer mo ko sa kanya please, promise gagalingan ko please please please Lana," she grabs my arms and hug it.

"Oo, oo, basta magresign ka muna ng maayos sa trabaho mo then I'll handle it with Sienna," sambit ko.

Kinabukasan pumasok ako ng maaga kahit alam kong hindi na naman papasok ang Kento my loves, tumuloy ako sa opisina ko at bigla ko naalala yung tungkol sa assistant, kaya tumayo ako at tumuloy sa office ni Sienna.

Pagtapat ko dito ay, "Knock knock," kumatok ako, at ako na din mismo ang gumawa ng sounds dahil nakabukas naman ito ng konti.

"Come in," malambing na boses nito ang agad kong narinig.

Binuksan ko ito at pumasok...


"Hi, Sienna."

Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon