Chapter 32

12.7K 349 22
                                    


"Kento!!!!" sigaw ko at narinig ko ang pagtawa niya mula sa labas ng pinto kaya mabilis akong lumapit dito at sinubukan itong buksan pero nakasara ito, tila hawak niya ito sa labas kaya hindi ko mabuksan.

"Buksan mo ito!!!! Nyeta ka!!! Yong dress ko!!!!" tumataas ang dugo ko dahil sa kalokohan nitong lalakeng ito, oo gusto kita pero makakatikim ka sa akin dahil sa kagaguhan mong ito!!!

"What dress? You're wearing one? I don't remember," malokong sambit nito mula sa labas, "Ahhh!! Akin na putek na yan!!!!" sigaw ko at pilit binubuksan ang pinto.

"I don't have it, just get out wearing your swim suit, since it looks good on you," he said. Tanga ba siya!!!

"Are you serious!!! After you put hickeys on my chest!!!!!!" irita kong sigaw. I heard him chuckled and said, "Did I?"

Halos lumaki ang butas ng ilong at umusok ito sa inis ng mga kalokohan niya, "Did I mo mukha mo!!!!!" sigaw ko kaya mas lumakas ang pagtawa niya mula sa labas.

"Don't worry, I'm not that bad I have some spare white polo shirts over there you can use it," he said.

Wala akong nagawa kundi kunin ito at suotin para malabas ko na siya at makuha ang aking dress pabalik. "Humanda ka sa akin!" bulong ko pagkatapos kong masuot ang polo niya at lumabas.

Pagpihit ko ng pinto wala akong na kitang tao sa paligid! "Tinakas pa ang dress ko!! agh! Nakakainis!" bulong ko at padabog na bumalik sa venue at naligo kasama sila Aberry.

Hindi ko na nakita ang lalakeng iyon!! ang lakas ng trip niya!! Bawas points ka sa akin!!!

"Ang lamig grabe, sabi ko na maling desisyon ang sumama sa night swimming na ito eh!!" nanginginig kong sambit habang yakap-yakap ang aking sarili kasama sila Aberry dito sa tapat ng dagat.

"Ang sarap nga eh," Aberry whisper and close her eyes to feel the cold breeze of air from the ocean.

"Babe ano ba hahaha," agad kaming napalingon ng makarinig ng kakairitang boses ni Zoey kasama si Oliver, aba naghaharutan paang dalawa sa dagat, saya yan? Kainin sana kayo ng shark dyan...

"Hindi nga talaga kita kilala," rinig kong bulong ni Aberry pero hindi ko na lang pinansin.

"Mauna na ako sa taas, tama ka ang lamig," biglaan niyang sambit na ikinagulat ko, siya nag-aya mag swimming eh! "Akala ko ba masarap ang tubig tapos wala pa nga tayong 10 minutes dito aahon kana?" natatakang tanong ko sa kanya.

"Bigla akong nilamig, sige na magenjoy ka dito andyan naman sila Sienna akyat na ako sa taas," she said at umahon na sa tubig bago kinuha ang gamit sa bench.

Naiwan tuloy ako dito magisa, lumingon ako para hanapin sila Sienna dahil sabi niya nandito pero wala naman... si Chantel wala rin!!!

"Hmp!! Ako na nga lang!!" bulong ko at nagswimming mag-isa bago ako umahon at pumunta sa mag stall dito sa tabing dagat.

"Hi miss, can I ask question?" napalingon ako ng may kumalabit sa akin, paglingon ko ay shet gwapo....

I smile at him and ask, "Yes?"

"Ahmm" tumingin muna siya sa paligid bago nagaalangan akong tinignan, "Can you tell me the way to the Mix bar stall?" he asks, ay alam ko iyon nadaanan ko kanina.

At dahil mabuti akong anak ng diyos, "Oo alam ko iyon tara samahan na kita doon," mukha namang mabait ito at gwapo.

"No, it's ok just show me the way, baka magalit boyfriend mo," he said, ano? Boyfriend?

"Boyfriend?" tanong ko.

"Yeah," he said and smile at me, "You're clearly wearing a man's shirt, I bet that shirt belongs to you're boyfriend. So just give me the way and I can walk there alone," he genuinely said, kaya wala sa sarili kong tinuro ang daan papunta sa bar.

"Thank you very much," he said and walk, pinanood ko siyang umalis ng nakatulala.

Hanggang sa tuluyan kong marealize ang sinabi niya, boyfriend ko daw ang may ari ng shirt na ito, eh kay Kento ito eh, "hehe eneb---ay!!!" agad kong sinampal ang aking sarili dahil muntikan na akong kiligin nakalimutan ko na galit pala ako.

"Galit ako grrrr!!!" bulong ko at padabog na pumasok sa suite namin, naabutan ko si Aberry nanatutulog na sa kama niya kaya tumuloy na ako sa banyo para mabihis.

Habang nagbibihis hindi ko maiwasang mainis sa mga hickey sa dibdib ko, balak ko pa man din magsuot ng white tank top bukas pag uwi ngayon hindi na pwede!

Irita kong nilabhan ang polo shirt ni Kento bago natulog sa tabi ni Aberry, wala kasi si Ali kaya natatakot ako mag-isa sa kama kaya tumabi ako kay Aberry.

Kinabukasan nakaramdam ako ng may tumutulak sa akin, "Hoy bakit andito ka sa tabi ko!!!" boses ni Aberry yon.

"Hmmm!!!" I groan because I still want to sleep, at naramdaman ko na lang ang pagalis ni Aberry sa kama kaya ngumiti ako at nagpatuloy sa pagtulog..

Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pinto pero ayaw ko pang gumising, "Oh gising kana pala, kumuha na ako ng lunch n'yo sa baba dahil anong oras na din, sabi ni Zoey maya maya lang daw ay darating na ang sundo natin pauwi kaya gigisingin ko na ito," boses ni Ali yon, nandito ba siya kagabi?

After that I felt her hands on my shoulders and start to wake me up kaya wala akong choice kundi bumangon.

Naligo ako at kumain kami ng sabay-sabay then naglaro lang kami ni Aberry habang naghihintay ng oras.

"Aberry thank you so much for coming, Milana, Alliana thank you much let's see each other on manila ok bye, Manong driver, drive safe, ok," sambit ni Zoey at hinatid kami sa Van nila, sumakay na kami at dumiretso sa paguwi ng Manila.

Ilang oras din ang byahe kaya nagpatuloy kami sa paglalaro ni Aberry at nang makarating sa unit, pagpasok pa lang ay nagsalita na si Ali "Matutulog muna ako Jade," paalam niya at tumuloy sa kwarto niya.

Kasabay ng pagpasok niya sa kwarto ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan, si Lawlain.

From Lawlain,

Ate busy ka ba? Need ko ng parents sa meeting namin dito sa school now... wala si Papa...

To Lawlain,

Ok, 10 minutes nandyan an ako...

Tiningnan ako ni Aberry kaya agad akong nagpaalam sa kanya, "Alis muna ako ah bye!!" I said and put my duffle bag at the side and run outside.

Gaya ng sabi ko 10 minutes ay nakarating na ako sa school ni Lawlain, naabutan ko siya sa labas ng meeting room at pagpasok namin ay nagpalakpakan ang mga tao sa loob kaya nagkatinginan kami ni Lawlain.

"Ganito ba dito? Pinapalakpakan pag late?" bulong ko kay Lawlain kaya umiling siya at tila naguguluhan din.

"Congrats Miss. Villarino," the teacher said and look at us, ano daw? May napanalunan ba kaming rice cooker?

"What do you mean po?" Lawlain ask as we decided to seat here at the back.

"Miss. Villarino your sister was just choosen to be the school's representative for the All-Senior high economic debate competition sa darating na linggo," nanlaki ang mata naming dalawa ni Lawlain dahil sa sinabi nila at kung ano-ano pa ang dinisscuss niya tungkol sa laban.

At paglabas namin binabati parin kami ng ibang magulang hanggang sa kaming dalawa nalang, "Ate hindi na lang kaya ako sasama sa laban," bigla niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya.

"Kasi kailangan ko ng guardian na kasama sa buong linggo pagpunta doon sa Tarlac, hindi naman pwedi si Papa ng ganong katagal dahil pano yong refilling station at isa pa walang kasama sa bahay si Logan," malungkot niyang sambit, alam kong gusto ni Lawlain ang sumali sa laban kaya hindi pweding magback out siya ngayon.

"Edi ako ang sasama sayo doon, isang linggo lang naman yon," sambit ko.

"Ate pano ang trabaho mo," she asks.

"Malakas naman ako kila Jack, kaya magpapaalam na lang ako.. Ako ang sasama sayo kaya wag kanang mag-alala," I said and smile at her.

"Salamat ate," she hugged me so tight.

"Basta para sa inyo ni Logan," I whisper and kiss her forehead. 

Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon