"Hoy tulala ka dyan?" bumalik ako sa aking katinuan ng kalabitin ako ni Vito habang nandito kami sa kwarto nya at nanonood ng conjuring.
"Huh?" tanong ko at tinignan siya, He chuckled and said, "Sabi ko kanina ka pa tulala dyan, hindi ka naman ata nanuno----"
"Ahhh!" nagulat kaming dalawa ni Vito ng biglang sumigaw si Patrick at nagtago sa likod ni Vito habang nanonood.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito dahil nanggugulat tong gagong to, "Ikaw!" I hazed and hit him at his arms. "Aray!! Nakakatakot kaya di kasi kayo nanonood!!!" singhal niya habang patuloy pa rin sa pagsipat sa TV.
"Tanga mo bakit ka kasi nanonood kung takot ka naman!" inis kong sambit at sinisipa sipa siya sa hita. "Tanga ka rin ikaw nag suggest nito bobo!" Patrick said and hid at Vito's back.
"Tama na yan haha," Vito said and handed us both a coke.
"Duwag amputa" bulong at inirapan si Pat, "Pangit amputa," bulong niya rin kaya inambahan ko siya at ganun din ginawa niya buti nalang pumagitna sa amin si Vito.
"Tama na sabi hahaha," Vito said and inakbayan kaming dalawa. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang katangahan ko.
Si Sienna may Kuya at ang kuya niya ay si Kento my loves...
Ano kayang sasabihin niya pag nalaman niyang kawatan ako sa kuya niya? Nako baka magalit iyon sa akin.
"May tanong ako mga loko," sambit ko kaya tumingin sila sa akin dalawa, "Ano iyon?" tanong ni Vito.
"May kaibigan ako sa trabaho, may gusto siya sa kuya ng kaibigan niya pero hindi alam ng kaibigan niya? Sa tingin nyo dapat niya bang sabihin nanghihingi kasi siya advice sa akin eh wala naman akong alam sa ganon," sinungaling ka Lana.
"Ang tanong maganda ba yang kaibigan mo?" tanong ni Patrick. "Syempre naman!!!" sagot ko.
"Reto mo nalang kamo ako sa kanya wag na dun sa kuya ng kaibiga---," I cut him out. "Alam mo wala kang kwenta," hinarap ko si Vito at nagpout sa kanya.
He smiles and tap my shoulders, "I know, it's you," sabi ni Vito kaya nanlaki ang mata ko. "Nakita ko ang kwarto mo kanina dahil pinaayos ni Tito ang ilaw doon nakita ko yung mga picture doon," putek wala talaga akong matatago sa mga ito.
"Ok, aamin na ako, so yon nga anong gagawin ko?" niyakap ko ang braso ni Vito at hinintay ang sasabihin niya.
"Ikaw ba sa tingin mo ba makakabuti pag sinabi mo o hindi?" tanong niya pabalik. "Ewan, hindi ko alam, wag na lang muna siguro hindi pa naman kami ng kuya niya ok lang naman yun diba?" tanong ko.
He nodded and said, "Yup, it's fine as long as you didn't hurt anyone, and I know your friend will understand you... walang makakatiis sayo noh," he said and smile at me, ganon din si Pat nginitian niya din ako.
"Oo nga walang makakatanggi sa Lana namin, itong mga pisngi'ng ito hmm!!!" he said and pinched my cheeks so hard, halatang hindi seryoso.
"Aray!!!!" sigaw ko at sinipa si Pat palayo at nagtawana lang kaming tatlo pagkatapos at tinuloy ang panonood.
Ok lang naman siguro kung hindi muna alam ni Sienna, tyaka bat ko pa dadagdagan problema niya stress na nga siya kay Felicianang tanda na iyon tapos dadagdag pa ako.
Si Kento my Loves na lang ang guguluhin ko...
***
Natanaw ko na si Aberry Babes bapapa ng taxi kaya napatingin ako sa wrist watch ko, himala, "On time ka ngayon ah," sabi ko ng tumayo siya sa harapan ko at tiningnan ang buong building.
Wala man lang kaba na makikita sa mukha niya sa puntong ito, at ito talaga ang kilala kong Aberry, sobrang matalino at madiskarte. Ang nakikita ko lang sa mukha niya ngayon ay puno ng excitement.
Hinila ko na ang kamay niya papasok sa lobby, "Yes naman ako pa," confident na sambit niya habang panay ang pagtingin sa paligid.
Naglakad lang kami dito papunta sa HR department dahil sabi ni Sienna nandito na daw siya, kaya dito ko dadalhin si Aberry.
Ang HR office ay dito lang sa first floor kaya hindi na kailangan umakyat sa itaas. Tumigil kami sa harap ng HR office.
"Mabait si Sienna don't worry, btw ito na ang HR room andyan na sa loob si Sienna galingan mo gurl ah, see you later." sambit ko at nginitian siya bago tapikin ang balikat niya at tuluyan na siyang iniwan doon.
Alam ko namang kaya niya ito, sisiw lang ito kay Aberry.
Sigurado akong hindi ako mapapahiya dahil sa kanya...
Naghintay lang ako ng ilang minuto at bumababa ulit para tignan kung ano na nangyari sa kaibigan ko.
"Lanaaaaa," naglalakad palang ako sa hallway dito sa baba agad ko na siyang nakitang tumatakbo papalapit sa kain at tinatawag ang pangalan ko ng walang sounds.
"Ouch," reklamo ko ng bigla niya akong yakapin. "Tanggap ako!" she said, expected naman ito sa isang Aberry Jade Callereese.
"Duh super predicted nayan girl, so we'll be a working buddy narin sa Monday my gosh so excited," sambit ko at nagsimula kaming maglakad papunta ng lobby at palabas ng kumpanya.
"Let's celebrate tomorrow ok, I'll text you bye," I said and smiled at her, I hug her before I go back upstairs dahil tambak nanaman sa panibagong paper works at design proposals.
Pagsapit ng lunch break nagpaorder na lang ako kay Jack ng burger sa baba at hinintay ngayon, at syempre dahil free time ko manggugulo tayo...
To Kento Minami my love so sweet,
Happy lunch, kain ka lunch baka pumayat ka....
Naghintay ako ng reply pero dumating at umalis na si Jack ay wala pa rin kaya nawalan ako ng ganang kumain. Naglaro na lang ako sa cellphone ko ng ML.
"Mid ako tanga!!" Bulong ko ng hanapin ako ng isang kasama ko dito, minura pa ako ng gago.
Gigil na gigil na akong pinapatay yung Eudora ng biglang nag pop up ang text message ni Kento my loves, walang pagdadalawang isip iniwan ko ang mga kalaro ko at tinignan ang text ng future ko.
From Kento Minami my loves so sweet,
My lunch is none of your business, stop texting me...
Sungit naman po Sir. naiinlove ako lalo....
To Kento Minami my loves so sweet,
Call nalang pala ako ahhh...
Pagkasend ko hinintay ko lang na makita niya bago ko dinial agad ang number niya. Wala siyang nagawa kundi sagutin ito...
Gotcha baby....
"Fuck, Villarino when will you stop bothering me!!!" bungad nito sa akin, pero ngumiti lang ako.
"Hi," Shet kinikilig ako!!!
"Don't Hi, hi me! You've been bothering and messing with me for almost two weeks and it's not funny anymore," he hissed.
"Talagang hindi funny yon, dahil hindi naman joke yon," sagot ko, at narinig ko ang pasinghal niya sa kabilang linya at dama ko ang pagkairita niya sa akin kaya mas lalo akong natutuwa.
"Shit, I don't li---Sir bukas po may schedule kayo sa Lebelric Bar 9:00 pm po," parang lumaki butas ng tenga ko ng marinig ko ang familiar na bar na iyon.
Lagi naming pinupuntahan nila Vito iyon nong college kami ah... pupunta siya doon?!
"Ok I'll go, excuse me..." sambit ni Kento my loves. "Stop calling and texting me, don't make me lose my patience on you!" he darkly said and turn off the call.
Nakaisip ako ng magandang Idea....
"Aberry babes pupunta tayo ng Lebelric Bar."
BINABASA MO ANG
Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)
Romance[WARNING R18] Once you stop looking for what you want, you'll start appreciating what you really need. Art takes time to understand what it really says. Kento Minami, the most unwavering business man that is immersed in what he really wants, this M...