Chapter 23

11.7K 301 16
                                    




"Nothing, get out Villarino!" Lumabas ako pero kumindat muna sa kanya bago tuluyang lumbas at sinara ang pinto. "Sunget talaga, daig pa ako pagniregla," bulong ko.

"I heard that!!!" nanlaki ang mata ko ng magsalita ito mula sa loob kaya agad akong tumakbo pabalik ng office at nagtrabaho muna ako after that dumiretso ako agad sa office ni Lana dahil sabi ko sa kanya sabay kaming mag lunch.

Habang papalapit na ako sa pinto ng office nila Sienna at Aberry, napakunot ang aking noo ng makitang naglalakad din papunta dito si Oliver....

Dati kong crush ito nong high school eh, pero may jowa na ngayon kaya ekes na kana. Buong akala ko pupunta siya sa office niya dahil katabi lang ito ng office nila Aberry pero tumigil din siya sa pinto nila Aberry gaya ko kaya nagkatinginan kami.

I look at him with frowned brows"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Aberry and I will eat lunch," he said calmly, ano? Sila? "Kami ang sabay maglunch eh!" I said.

"She agreed with me" he said kaya medyo napasimangot na ako at sinabi, "Mas nauna akong mag-aya sa kanya!!!" sambit ko at tiningnan niya ako at tila nagisip.

After that the door suddenly open, binuksan ni Aberry na tila nagulat sa aming dalawa.

"Ay palaka!" she shouted."L-Lana... O-Oli?" sambit niya at napakamot ng ulo, habang ngumiti-ngiti.

"Kakain daw kayo ng lunch," tanong ko kay Aberry kasabay ng tanong din ni Oliver sa kanya."Sabay daw kayong maglulunch?"

"Is it true na nauna siyang mag-aya?" Oliver asks her.

I stare at Aberry when she doesn't know what to answer kaya tumawa siya ng peke at sinabi, "Oo siya kasi ang naunang mag-aya eh," sambit niya.

Tiningnan ko si Oliver na parang nanalo sa paligsahan at tinaasan siya ng kilay, kala niya ako kaya ang naunang nag-aya.

"Osige let's have lunch, the three of us my treat, is it ok with you Ms. Villarino?" pero agad pumintig ang pandinig ko ng marinig ko ang salitang libre, ililibre na kami?

"Yeah, sure why not," sagot ko at agad hinila si Aberry sa tabi ko, libre naman pala eh.

"Where do you want to eat?" tanong nito kay Aberry pero ako na ang sumagot dahil nahihiya ang kaibigan ko. "Gusto ko ng seafood," sambit ko kaya tiningnan nila akong dalawa.

Pumunta kami sa malapit na restaurant dito sa Delavine at pagpasok namin, ay agad akong nagpaassist sa waitress at namili ng table.

"Ito dito na lang," sambit ko at nilingon silang dalawa, akala ko nasa likod ko lang sila pero nakita ko silang nagngingitian pa don sa pinto.

"Hoy!" sambit ko at tinuro ang table namin ng mapatingin sila sa akin, anong meron sa dalawang ito? hmmmm...

Umupo na kami at dumating na ang menu,"Here ma'am and sir"hinila ni Aberry ang balikat ko para bumulong at sinabi, "Wag kang kakain ng marami ah, tataba ka lalo hindi kana magugustuhan ng crush mo," ay shet! Totoo ba?

"Totoo ba tumataba na ako?" Tanong ko at tinignan ang aking sarili, nako hindi pwedi ito baka macancel out ako kay Kento my loves ko pagtumaba ako lalo."Oh my god, I'll just order vegetable salad and water please," ayon na lang ang inorder ko para hindi ako tumaba.

"Akala ko ba gusto mo ng seafood Ms. Villarino?" tanong ni Oliver sa akin, "Ayaw niya, nakalimutan niya diet pala siya these days" si Aberry na ang sumagot dahil busy ako kakatingin sa katawan ko.

Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon