Pagbalik namin sa suite nagpahinga na din kami agad, at kinabukasan nalaman namin na gabi pa gaganapin ang party ni Zoey. kaya napagdesisyunan namin na maglakad lakad nalang muna sa dalampasigan nitong umaga at mamayang hapon kami mag swimming para hindi masyadong mainit.
Pero ang totoo kaya mamayang hapon kami magswimming dahil selos much itong si Aberry kila Oliver at Zoey, masyado kasing show off itong si Zoey...
Naunang bumalik sa suite si Aberry habang nag ikot-ikot pa kami ni Ali dito sa tabing dagat, nagtingin din ako ng mga gwapo pero may isang gwapo talagang umaagaw ng aking paningin.
Naiinis ako dahil ang gwapo niya pa rin sa paningin ko kahit galit ako sa kanya, "Panget naman," bulong ko ng panoorin ko silang magharutan sa isang tabi, yung poste ay nakasuot ng tiger print na two piece habang si Kento naman ay naka ankle pants na white at black loose polo shirt na bukas ang butones kaya kitang kita ang katawan niya.
Inaamin ko naakit ako at halos mas nakatingin ako doon kesa sa harutan nila, pero galit pa rin ako at naiirita ako sa posteng iyon dahil pa ang kuhol kung makadikit kay Kento.
"Tsss flat naman," bulong ko ng mapatingin sa dibdib ni poste, straight lahat sa kanya panget. "Anong pinagbubulong mo dyan?" tanong ni Ali sa akin, kaya tumawa ako sa kanya at sinabi, wala lang hahaha flat yung dagat hahaha tara tingin pa tayo doon," sambit ko at hinila siya sa bilihan ng mga souvenirs.
Bumili ako para kina Logan at Lawlain, pati na rin kay Papa at pagkatapos bumalik na din kami sa kwarto para magpahinga saglit at makapagayos para sa party mamaya.
I just wear a black 3 packs criss-cross bikini swimsuit and top it with a pleated button front slip Boheme Camilla dress and white flip flops for my feet. I tie my hair half and wear a simple waterproof lippie.
Paglabas ko ng banyo nanlaki ang aking mga mata ng makita ang suot ni Ali kaya hindi ko napagilang magsalita,"Ano yang suot mo Alliana!! Ano to swimming lesson ba ang pupuntahan mo ah!!!" sigaw ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Bakit ba!!!" Alliana hazed me and grabbed her shorts and put them on. Oh my!!
"Tignan mo magshoshort pa siya talaga!!!" hindi makapaniwalang kong sambit, tinawanan lang kami ni Aberry bago pumasok sa banyo.
"Hindi ako makapaniwala," bulong ko habang pinapanuod si Ali sa suot niya, para siyang highschool student sa suot niya, ano bang tingin niya sa dagat swimming pool.
"At nag T-shirt pa nga!!!" halos lumuwa ang mata ko ng kumuha pa siya ng t-shirt at sinuot ito kaya napasigaw na talaga ako ng tuluyan.
Hindi ako pinakinggan ni Ali hanggang sa lumabas na si Aberry ng banyo at inaya na kaming tumuloy sa venue.
Malapit sa sea shore ang party kaya medyo malamig dito, pagpunta namin sa paggaganapan ng party ang garbo nito pero halatang minimalist lang ang dating.
Pumuwesto kami sa isang stand table dito sa medyo malayo sa stage dahil gusto ni Aberry, nagsimula ang party ni Zoey sa mga video clips na ginawa para sa kanya, it shows her beautiful photos na akala mo model talaga siya. Ipinakita rin' dito ang mga larawan niya sa iba't-ibang bansa, edi sila na mayaman.
Napatingin ako kay Aberry na seryoso lang nakatingin sa harapan at bawat picture ay tininignan ng mabuti, halata din sa mga mata niya ang lungkot kaya hindi ko maiwasang maawa sa kanya.
Pagkatapos ng video video na yon ang dami pang pangmayaman na ganap kaya umikot na ang paningin ko hanggang sa mapunta ito sa dalawang taong nakaupo sa bandang harapan at nagtatawanan na may halong landian, tumaas ang kilay ko ng makitang maharot itong nagbubulungan.
Tanga bulungan ba yong may kasamang halik sa pisngi, harutan na iyon, "Kalandian," bulong ko at tiningnan ang suot ni poste.
I make a disgust face while staring at her clothes, she's wearing a maroon Rib halter tie side bikini swimsuit and walang patong as in yon lang talagang balak niyang magpahamog ngayong gabi.
Pinanuod ko pa ang paghimas ng posteng ito sa hita ni Kento at malandi itong binubulungan, "Tsss," I hazed and look away for a moment.
Hanggang sa umakyat na si Zoey sa harapan habang nakasuot ng siya ng red low cut chest silk dress. Ngumiti muna siya sa lahat at pati kay Oliver bago nagsalita sa harapan...
"This night was the most special moment of my life now I'm turning 23 and I feel so old na but still look pretty right, I would not end up here without the people who supported me from the very start, Mom Dad thank you so much you give me everything I need and all the best for me you are the best... also to my man who's standing over there, his my inspiration and my future Hi Babe I love you so much please don't leave my side," masayang sambit nito, kaya napa lingon ako kay Aberry na ngayon ay kinakagat ang ibabang labi upang iwasan lumuha.
"Cr lang ako ah," paalam niya sa aming dalawa ni Ali kaya agad nag-aalala kami at si Ali mismo ang nag presintang samahan siya. "Samahan na kita gusto mo?" tanong ni Ali pero umiling si Aberry.
"Hindi na kaya ko naman," Aberry said and leave us here. Nagkatinginan muna kami ni Ali bago nagpatuloy sa pakikinig hanggang sa matapos ang pang mayamang speech ni Zoey sa harapan.
Napalingon ako muli kila Kento ng makitang wala na sila sa table nila, "Cr lang din ako saglit," paalam ni Ali kaya tumango ako at dahan-dahang tumayo para hanapin sila Kento...
Tumayo ako at tinignan ang mag tao, nagsimula na silang magsayawan kaya bago umalis uminom muna ako ng tatlong beer bago nagsimulang maglakad sa kung saan para hanapin sila...
"Excuse me may nakita kang posteng naglalakad?" tanong ko sa nakasalubong kong babae, kunot noo niya akong tininganan bago sumagot. "Miss lasing kana ata," she said.
I make face at her and said, "Gaga hindi, dyan ka na nga," sambit ko at naglakad na papasok sa loob at nag poste hunting...
Hindi ako papayag na may mangyaring milagro sa kanila!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/264780797-288-k211918.jpg)
BINABASA MO ANG
Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)
Romance[WARNING R18] Once you stop looking for what you want, you'll start appreciating what you really need. Art takes time to understand what it really says. Kento Minami, the most unwavering business man that is immersed in what he really wants, this M...