Chapter 26

12.4K 303 7
                                    




"Aray!!!" mahina kong inda sa sakit ng aking ulo habang sinusubukan kong imulat ang aking mga mata, natagpuan ko ang sarili ko sa kwarto ni Aberry, pag upo ko sa kama ay siya namang paglabas ni Aberry mula sa banyo at bagong ligo na ito.

"Oh, gising kana pala, luto lang ako almusal," she said and went straight to the kitchen leaving me here stunned.

"Shit!" sambit ko dahil pakiramdam ko pumipintig ang utak ko sa bawat galaw na ginagawa ko, dahan-dahan akong tumayo at naglakad papuntang banyo para maligo, dahil pakiramdam ko sobrang lagkit ko na.

Habang naliligo hindi ko maiwasang mapapikit dahil grabeng hangover ang nararadaman ko ngayon, naparami talaga ako ng ininom kagabi.

"I just got you laid that night because I'm in need but that's all, nothing special, so stop messing up with me."

Naalala ko yung sinabi ni Kento kagabi, malinaw parin ito sa aking isipan kaya hindi ko maiwasang mainis, kung hindi lang ako lasing kagabi ay hindi lang sampal ang inabot niya sa akin.

Oo gusto ko siya, oo nagpapansin ako pero hindi naman ako desparedang maghuhubad sa harap ng maraming tao para lang makuha ang atensyon niya, "Gago ka ba," bulong ko bago matapos maligo at nanguha ng damit sa closet ni Aberry.

I just wear Aberry's white vintage sailor moon t-shirt and paired with beige ankle pants. Tinali ko na lang din ang buhok ko ng malinis na pony tail dahil medyo masakit pa ulo ko, ayaw ko ng buhok na humaharang sa mukha ko.

We often shared clothes since college, lumabas ako at umupo sa breakfast table habang nagluluto si Aberry sa kusina. Hanggang sa matapos siya at paghandaan na ako ng pagkain bago kami sabay kumain dito sa breakfast table niya.

Medyo sumasakit pa ulo ko kaya habang kumakain ay medyo hinihilot-hilot ko ang aking ulo at gilid ng aking noo.

"Hoy, umiiyak ka daw kagabi?" Aberry said as she look at me with so much curiosity on her face, tiningnan ko ang pagkain ko bago ngumiti ng peke ay sinabi, "Kaya ako umiiyak dahil nabasa yung damit ko ang mahal mahal ng bili ko don," pagpapalusot ko kahit na hindi naman talaga iyon ang dahilan.

"Dahil lang don!!!" she shouted exaggeratedly that makes me laugh, inirapan niya lang ako at nagkwentuhan kami ng kung ano pang bagay. Dahil ayaw ko rin namang pag usapan ang nangyari kagabi.

"Ay sandali yung niluluto ko" bigla siyang nagmadaling tumayo at tumakbo sa nakasalang sa oven na kung ano. Napatingin ako sa mga nakahandang pagkain sa lamesa tapos meron pa siyang inadagdag busog na ako.

"Nagluto ka pa ng ibang pagkain? Gagi Aberry busog na ako!!" I shouted at her.

"Gaga hindi ito sayo," sambit niya at nilabas ang niluto niyang macaroni. Lumapit dito sa table kung saan ako nakaupo at nagsimulang ilipat ito sa maliit na tapper wear.

I stare at her and make glances at me, "Para kanino yan?" I asked and took a bite.

"Lana, I will confess my feelings for Oliver later," Napatingin ako sa kanya at biglang nabulunan ng kinakain kong macaroni, "Oh," she quickly handed me a cup of water na agad ko itong inabot at ininom.

"The fuck Aberry wag mo nga akong ginugulat ng ganon, ano gusto mo ba akong patayin gaga ka!!!!" hinahabol ko ang aking paghinga habang sinasabi iyon, hinampas-hampas ko rin ang tagiliran niya dahil sa inis, pakiramdam ko tuloy may pumasok na tubig sa ilong ko.

"Nagtanong ka diba sinabi ko lang," pilosopo niyang sagot, "Baliw, wala akong tinanong na ganun, ang tanong ko kanino mo ibibigay! Sana sinabi mo muna na ah kay Oliver yan tapos saka mo na sinabi na aamin ka sa kanya ng nararamdaman mo!!!" irita kong sambit habang tinitignan siya ng masama.

"Sorry na pala," she said and laughed at me."Pero seryoso nga gurl? Gusto mo siya? Kailan pa?" sunod-sunod kong tanong dahil gusto kong makasigurado.

"Oo, Oo, hindi ko alam kung kailan ng start," she said that makes is even more shocking, kailan palang siya nagumpisa sa Delavine ah,"Seryoso ka na ba dyan?!" I ask.

"Oo sigurado na ako, tyaka feeling ko naman chill lang pag umamin ako sa kanya dahil magkaibigan na man na kami saka gumawa na ako ng kahihiyan kagabi so wala nang dahilan para mahiya pa ako mamaya," kitang kita ko ang natural na saya sa kanyang mga mata kaya hindi ko na naisipang tumutol kahit na pakiramdam ko mali, hindi ko lang talaga maisip ngayon ng maayos kung ano yung mali na iyon.

Pero alam ko may mali, "Baka masaktan ka dyan ah," seryosong kong sambit habang bumalik sa pagkain, shet sakit pa rin ng ulo ko.

"Bakit naman ako masasaktan, si Oliver naman yon' feeling ko naman ok ang kakalabasan nito if umamin ako mamaya sakanya, tyaka ok naman si Oliver hindi ba, mabait siya, matalino, mapagmahal sa pamilya at kapatid, his true to his words at tyaka boyfriend material siya." nakangiti niyang sambit.

I smile bitterly and remember Kento, hindi boyfriend material at hindi rin husband material pero gusto ko siya, tss panget ng taste ko! "Hindi lahat ng boyfriend material, nagiging boyfriend" I said.

"Drama nito," she said and laughed at me. "Ah basta goodluck nalang mamaya, pange pa nga ako n'yan," sambit ko bago nilapit ang plato ko sa kanya at hinintay mabigyan ng macaro,ni.

Pagkatapos kumain nag isang game lang kami ng COD bago tumuloy sa kumpanya, syempre trabaho pa rin ulit.

"Goodmorning manong guard," pagbati ni Aberry sa guard namin pagpasok namin sa lobby, ako naman patuloy lang na naglalakad.

May mga bumabati sa akin pero hindi ko magawang maging plastik at ngumiti sa kanila dahil wala ako sa mood ngayong araw..

Diretso lang kami ni Aberry hanggang sa tumigil kami sa tapat ng elevator at ilang saglit lang ay bumukas ito.

Nanlaki ang mata ko ng makita sa loob si Kento at seryoso lang siyang tumingin sa akin bago tuluyang lumabas at naglakad, I bit my lower lip and decided to run after him.

"Lana!!!" renege kong sigaw ni Aberry pero nagpatuloy ako sa paghabol kay Kento. "Hoy!" I shouted and grabbed his arms to stop him.

Tiningnan niya ako at kunot noong sinabi, "What?!" he gazed at me.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi ako magpapaapekto sa mga sinabi mo kagabi! At hindi ako susuko hangga't hindi ka pa kasal!!! Akala mo titigil ako sa ganon ganon lang!!! Asa ka!!! Pero galit ako sayo ngayon, oh!!!" inabot ko sa kanya ang isang lollipop ng padabog bago siya inirapan at tinalikuran.

"I already have a girlfriend." he suddenly said, I glanced at him with frowned brows...

"Edo wow!!!" sigaw ko bago tumakbo paalis.

Pagsakay ko sa elevator halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa tindi ng pagsimangot ko.

"Magbrebreak din naman kayo," bulong ko.


Titigilan muna kita ngayon.

Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon