"Mahal kita pero dahil sa nangyari hindi na pwede pa, Kurt." Seryosong saad ko. Kinakailangan kong magpakatatag sa mga oras na 'to.
"Elle, please makinig ka mu--" Hindi nya na natuloy pa ang sasabihin ng dumapo sa mukha nya ang kaliwang kamay ko. I lost my control.
"You're begging me to listen to your bullshit explanation, Kurt? Why? Para mauto? Para pagmukhaing tanga ulit sayo? No, Kurt. Hindi na mangyayari pa ulit kung anong iniisip mo. I don't need your stupid explanation. Hindi na ikaw ang lalaking minahal ko noong una." Nakikita ko sa mga mata nya kung gaano sya nasasaktan sa mga sinasabi ko. Pero bakit naman sya masasaktan. Ginusto nya 'yon.
Hindi ko na sya hinayaan pang magsalita dahil tumalikod na ako. I think, This is gonna be the end of our Story. Sana Maging masaya ka sa piling nya at ng baby nyo.
Wakas
Napailing na lamang si Sandy sa kinalabasan ng kanyang istorya sapagkat taliwas ito sa kung anong iniisip nya. Kusa na lamang nya itong naitipa. Yamot na napakot sya sa kanyang sintido. Hindi malaman kung bakit ba bangungot nalang parati sakanya ang mga naisusulat nya. Sapagkat kung ano ang kanyang naisusulat ay iyon ang mga nangyari sa mga huli nyang naging karelasyon. Hindi tuloy malaman ni Sandy kung gusto nya ba talagang gumawa ng isang nobela na mayroong masayang wakas o gagawa lamang sya ng isang talaan patungkol sa mga nangyari sa kanya noon.
At ang kulang nalamang kasi sa istorya nya ay gamitin din ang kanyang pangalan at ng mga naging nobyo. Tumayo si Sandy sa kanyang inuupuan para sana kumuha ng makakain ngunit dumiretso sya sa kanyang pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang kumatok doon. Pakabukas nya ng pintuan ay agad na bumungad sakanya ang mukha ng isang istranghero. Napaarko ang kanyang kanang kilay nang hindi manlang ito nagsalita sa kanyang harap na para bang posteng nakaharang lamang sa kanyang pinto. Isasara na sana ni Sandy ang pinto ng biglang tumikhim ang lalaki na para bang nahimasmasan, bago ngumiti.
"Hmm.. Hi?" saad ng lalaki. Takang napatingin sakanya ng mamalim ang dalaga, hindi mawari kung ano ang unang sasabihin.
" Sorry, I don't talk to stanger." mataray na saad ng dalaga. Agad na sinarhan ng dalaga ang nakamaang na binata, hindi makapanilawa sa inasta ng huli. Ipagpapatuloy na sana ni Sandy ang pagpunta sa kusina nang muli ay may kumatok na naman sa kanyang pintuan. Pagbukas nang pinto tulad ng inaasahan, ang lalaking iyon parin ang nakatayo roon na may suot na magandang ngiti. 'Ngiti palang alam mo nang manloloko ang isang ito' sa isip-isip ni Sandy.
"Ang sabi mo, you don't talk to stanger." Pasimula ng binata.
"Kaya magpapakilala ako sayo, I'm Aaron." Duktong pa nito.
"So? Hindi basehan ang pagbibigay ng pangalan para lang masabing hindi kana isang istranghero sa ibang tao. Malay ko ba kung budol-budol ka at nah-hipnotize mo na ako ngayon para makapagnakaw sa bahay ko." Ani Sandy.
"Itsura kong 'to, miss? Mukha ba akong budol-budol o magnanakaw?" Tanong ng binatang nagngangalang Aaron. Umigting ang kanyang panga, hindi sya makapaniwala na ganon kung mag-isip ang dalagang kaharap nya ngayon.
Napaarko na naman ang kilay ni Sandy dahil sa tanong ng binata. Napatingin sya sa kabuuan ng binata, matangkad ito kung susukatin ay mahigit limang talampakan ang taas nito kung didikit man sya upang sukatin ang sarili sa lalaki ay paniguradong hanggang balikat lamang sya nito. Kayumanggi ang kulay at may magandang pangangatawan. He also has a beautiful eyes, kapansin-pansin na iba ang kulay ng mga mata nito. 'Blue eyes' saad nya sa kanyang isip, samantalang ang kilay naman nito ang mas nakaka-attrack, makapal ito at maayos parang inahit ngunit natural lamang. Matangos na ilong at mapupulang labi. Maayos ang pananamit at mukhang mamahalin ang mga ito. 'Mukhang nagkamali ako nang pangju-judge, sorry naman.'
"Tapos mo na bang pag-aralan ang kabuuan ko, miss?" Tanong ni Aaron na nakapag pabalik sakanyang katinuan, sa halip na humingi ng sorry ay hindi nagpatalo ang dalaga.
"Ano naman kung gwapo ka, maganda ang pananamit at higit sa lahat ay mukhang mayaman? Sa panahon ngayon ay kung sino pa ang maayos ang itsura ay sila pang mga manloloko." Prangkang saad ni Sandy.
"Wow, kung makapang judge ka naman mas mukha kapa ngang manloloko." Mapang-asar din na banat ng binata. Ngunit ang banat na ito ay hindi nagustuhan ni Sandy. Para sa kanya ay double meaning ito. Dahil sa sinabi nang binata asar na isinara nya ang kanyang pinto. Hindi nya maiwasang isipin na sya pa ba talaga ang mukhang manloloko? Samantalang sya nga lagi ang naloloko.
Dahil sa nangyari ay nawalan na ng ganang kumain ang dalaga kung kaya't dumiretso na lamang sya ng kanyang silid upang magpahinga. Ala-sais na nang umaga ngunit hindi pa sya nakakatulog dahil tinapos nya pa muna ang ika'tlong istorya na kanyang isinusulat na sa kasamaang palad, hindi na naman maganda ang wakas.
Sa kabilang banda, ang binatang si Aaron na naiwan na namang nakamaang at gulat. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi mawari kung bakit ganon na lamang ang iniasta nang dalagang si Sandy. Nagsisituloy sya kung bakit hindi nya kaagad sinabi ang pakay sa dalaga, hindi nya rin naman alam na ganon pala ang kalalabasan ng pakikipagsagutan niya sa huli dahil para sa kanya ay biro lamang ito.
Napatingin na lamang sya sa kanina pang hawak na Invitation card na ipinasuyo lamang sakanya ng kanyang pinsan. Sa isip-
isip nya ay, siguro ang pinsan nalamang nya ang personal na mag-abot ng Invitation card.