KABANATA 8

3 3 0
                                    

"How did you know this place?" Tanong ni Sandy kay Aaron, nakaupo na sila ngayon sa patag na lupa na sinapinan ng tela habang nakatanaw sa magandang tanawin ng Antipolo.

"I loved jaw dropping views that is why I knew this place." Saad ng binata na sinundan ng mahinang pagtawa dahilan upang mapatingin sakanya ang dalaga.

"It was my first time to heared your laugh. Well, ngayon lang naman tayo nagkasama ng matagal." Saad ni Sandy na may ngiti sa mga labi.

"Yeah right, hmm.. Wait me here, I'll go to my car for a while.. May kukunin lang ako." Paalam ni Aaron kay Sandy bago tumungo sa kanyang kotse.

"Okay, take your time.." Ilang saglit lamang ay dumating na ulit si Aaron na may dalang mga supot. "I forgot that I brought food and drinks before I arrived to your house, here." Ibinaba ni Aaron ang mga plastic sa picnic cloth. Agad naman na kumuha ang dalaga ng makakain sa plastic bag na dala ng binata.

"Ano nga palang naisipan mo at pumunta ka sa bahay?" Saad ng dalaga. Nahinton naman ang binata sa pag-inom ng soda na hawak nya dahil sa tanong ni Sandy. Walang mahagilap na tamang sagot kung bakit nga ba sya nagtungo sa bahay nito.

"Ah, nevermind hahaha atleast may nakasama akong dumalaw kay mommy." Ani Sandy. Tila nakahinga naman ng maluwag si Aaron dahil hindi na sya hinayaan ng dalaga na sagutin ang tanong nito.

"Do you mind if I ask you a question?" Ani Aaron.

"Your already asking me a questioned, do you?" Napangiti nalang si Aaron sa pagkapilosopo minsan ng dalaga.

"Kidding aside, go on. Ask me, pero 'wag lang math ah, I hate math and also numbers hahaha." Biro pa ni Sandy.

"Me too, I hate math but not the numbers. Couz, numbers is eveywhere, numbers is part of our daily lives." Sabay na natawa ang dalawa.

"Yeah right, but I easily forgot things when the numbers are there. Thats why I hate numbers hahaha. Let's stop this non-sense topic, what is your question by the way?" Ani Sandy na may malawak na ngiti sa kanyang mukha.

"Why are you living alone at your home? where's your father or your siblings?" Tanong ni Aaron sa dalaga.

Ang kaninang malawak na ngiti ng dalaga ngayon ay unti-unti nang nawawala. Itinuon ni Sandy ang pansin sa hawak na soda na ibinigay ni Aaron, matagal bago nya ibinalik ang ngiti sa mga labi. Ngunit sa mga oras na 'yon ay batid na ni Sandy na hindi na tunay ang ngiting kanyang ipinapakita. Lingid sa kaalaman ni Sandy ay nakabantay lamang sakanya ang mga mata ni Aaron at sa bawat kilos na kanyang ginagawa ay nasasaksihan ng huli.

"Hmm.. it's okay not to answ---." Hindi natuloy ni Aaron ang sasabihin ng sagutin ni Sandy ang kanyang tanong.

"My father died, too. And I am only child" Ani Sandy na may mapait na ngiti sa kanyang mga labi.

"Sorry, I shouldn't asked that." Paumanhin ni Aaron.

"Don't be sorry, you just wanted to know where he is. Well, his not totally dead but here...He is." Saad ng dalaga habang nakaturo sa kanyang dibdib. Hindi napansin ni Sandy na mayroon na palang luhang tumutulo sakanyang mga mata. And for the second time that Aaron witnessed those falling tears from her beautiful eyes, he promise to himself after this day he wouldn't let her tears fell down again.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Tila nag papakiramdaman pa kung sino ang babasag ng katahimikan. Hanggang si Sandy na rin ang nag pasyang basagin ito. Nais ni Sandy na mailabas ang kanyang saloobin sa kanyang ama kaya nagpasya nalamang syang mag kwento sa binata. Kahit na hindi pa sila gaano ka-close ng binata ay masasabi nyang mabait ito. Malayo sa una  nyang pag aakalang budol-budol ito.

"I had a perfect family a long time ago, almost perfect rather. Simple lang ang pamumuhay namin. My father is a businessman and my mother is a simple housewife. Ang alam ko ay ayaw ni dad na mapagod si mom kaya hindi nya ito pinagtrabaho kahit pa gusto ni mom. Maalaga si dad, mahal na mahal nya kami, he always have time for our family. Pero nagbago sya, parati na syang walang oras sa'min ni mom. Until nalaman ni mom na may iba na si dad..." Panandaliang tumigil si Sandy sa pagkukwento upang punasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Meron syang mistress  ang masaklap pa bestfriend ni mommy... Nang malaman ni mommy ang lahat she got depressed, laging nasa kwarto at nalilipasan ng gutom. Until one day, nakita nalang si mommy na..." Hindi na maituloy ni Sandy ang kanyang pagkukwento dahil sa sobrang pag-iyak, pakiramdam ni Sandy ay kahapon lamang nangyari ang mga bagay na iyon. Aaron suddenly felt empathy for Sandy. At batid na rin ng binata kung ano ang nais sabihin ng dalaga at hindi na nito natuloy ang sasabihin. Wala sa sariling ikinulong nya ito sa kanyang mga bisig ang gusto nya lamang sa mga oras na iyon ay mapagaan ang  kalooban ng dalaga.

Tila naging komportable Sandy sa mga bisig ng binata na nakapulupot sa kanya. Ni hindi sya nakaramdam nang kahit na konting pag kailang sa mga oras na iyon.

"That's the reason kung bakit ko sya pinatay sa puso ko. I never thought na lolokohin nya kami ni mommy. Sa lahat ng tao sya ang hinahangaan ko, sinabi ko pa sa sarili ko noon na kapag nag mahal ako ng isang tao dapat ay katulad nya. And tama nga, katulad nya lahat nang naging Exes ko" Pekeng tumawa si Sandy ngunit kahit papaano ay nabawasan na ang kanyang nararamdaman at unti-unti nang tumitigil sa pagpatak ang kanyang mga luha na kanina lamang ay parang ilog sa pagragasa.

"Manloloko." Dugtong nya pa.

"H'wag kang mag-alala, makakahanap ka rin ng tunay na magmamahal sayo. Yung hindi ka lolokohin at magiging tapat sayo sa lahat ng oras." Ani Aaron na seryoso.

"Tsk. Malabong may mangyaring ganyan haha."

"Hindi malabo 'yon. If a Person really loves you he will never cheat on you nor telling lie to you." Ani Aaron.

"Nag cheat kana ba sa mga nakaraang relasyon mo?" Curious na tanong ni Sandy sa binata.

"Nope, they are the one who cheated on me." Napatingala naman sakanya si Sandy dahil sa sagot nya. Nagtatakang tinignan sya ni Sandy. Kahit pa hindi nya tignan ang dalaga ay alam nyang hindi ito naniniwala.

"I'm serious." Ani nya.

"Tsk. Yabang." Ani Sandy. Napangiti naman ang binata dahil sa sinabi nito.

"Alam mo bang ikaw palang ang naisama ko sa puntod ni mommy bukod kay Alvin at Christine? Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko yung ipinangako ko kay mommy na ang lalaking papakasalan ko lang ang dadalhin at ipakikilala ko sakanya sa puntod nya bago kita isamang dumalaw." Pag-amin ni Sandy. Ni hindi sya nakaramdam ng hiya ng sabihin nya iyon sa binata. Tila komportableng komportable sya rito. Hindi naman inaasahan ni Aaron ang sinabi ng dalaga, wala sa sariling napangiti sya.

"Kung ganoon pala, edi tuparin natin ang binitawan mong pangako kay tita." Nakangiting saad ni Aaron. Gulat na tiningala sya ng dalaga dahil sa kanyang sinabi.

"Seryoso kaba dyan? Baka multuhin ka ni mommy." Biro ng dalaga, hindi alintana ang biglaang pagbilis na pintig ng kanyang puso.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong saad ni Aaron. Napaawang ang bibig ni Sandy sa gulat ng bigla syang yukuin ng binata. Dahil nakayakap parin sakanya ang binata ay naging sobrang lapit na ng kanilang mga mukha. Konting kilos na lamang ay magdidikit na ang kanilang mga labi.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now