Ilang araw nang hindi matahimik si Aaron, inaalala ang kanyang nabasa at nalaman tungkol sa dalaga. Matapos nya kasing basahin ang kwento na ang dalaga mismo ang sumulat ay nag tanong sya sa kanyang pinsan at bago pa nya malaman ang tungkol dito ay abot-abot ang pang-aasar na kanyang naranasan.FLASHBACK***
Abala ang magkasintahan sa pag-aayos ng makalat na paligid sa bahay ni Sandy nang lapitan ni Aaron ang kanyang pinsan upang magtanong patungkol sa nabasang istorya kanina lamang.
"Vin, anong genre ba ang isinusulat ni Sandy?" Pasakalye ni Aaron kahit pa alam na nya ang genre ng istoryang nabasa nya kanina lamang, naninibago rin sya sa pagbanggit ng pangalan ni Sandy. Iyon kasi ang kauna-unahang pagbanggit nya sa pangalan nito.
"Bakit insan? Papagawa kaba ng kwento ng buhay mo? hahaha." Pang-aasar nito.
"Ano nga? Dali." Kunwari'y naasar sya ngunit binigyan lamang sya nito ng mapang-asar na tingin at ngiti. Ngunit sumagot rin naman ito kalaunan ang kaninang pilyong ngiti ng pinsan ay napalitan ng seyosong mukha.
"Alam mo kung gusto mo magkaroon ng kwento na sya mismo ang susulat ay kailangan munang maging kayo tapos siguraduhin mong kayo talaga hanggang dulo para magkaroon ng magandang wakas ang istorya mo." Mababakasan parin ng pang-aasar ang tinig nito kahit pa seryoso ang mukha ngunit hindi na pinansin ni Aaron ang mapang-asar na tono ng kanyang pinsan, sapagkat binuksan nito ang kuryusidad nya sa dalaga.
"Romance ang genre nang mga isinusulat ni Sandy, ang gusto nya ay magkaroon ito nang magandang wakas hindi tulad ng nangyayari sa kanya sa reyalidad na walang happy ending kaya ang ginagawa nya ay isinusulat ang mga gusto nyang mangyari. Gumagawa sya ng istorya na masaya at walang katulad pero hindi niya nasusunod ang mga naiisip nya. Dahil sa t'wing nandoon na sya sa conflict na kung saan dapat ay masusulusyonan ang problema ay hindi nya nagagawa, ang bawat kwento na isinusulat nya ay nagiging kwento nya at ng bawat lalaking dumaan sa buhay nya. Kumbaga ay tragic na ang istorya bandang huli dahil wala syang nakakatuluyan." Pag k-kuwento ni Alvin sa pinsan. Samantala si Aaron naman ay walang imik na nakikinig sa kwento ng kayang pinsan. May kung ano sa kanyang loob na naawa para sa mga nangyari sa dalaga.
"Kung ganon yung nabasa ko ay isa sa mga heartbreak nya." Bulalas ni Aaron na dapat ay sa kanya lamang ngunit hindi nya napigilang sabihin tuloy narinig ito ng kanyang pinsan.
"Ang huling heatbreak nya siguro ang nabasa mo. 'Yong lalaking ginawa lamang syang panakip butas." Saad ni Alvin na may kasabay pang pagpalatak.
"Ikaw na ang magluto ng kakainin natin mamaya. Sasabayan na natin si Sands maghapunan, tutal ay maaga pa naman pwede ka munang umuwi at bumalik nalang dito para magluto. Chopsuey nga pala ang paborito ni Sands." Dagdag pa ng kanyang pinsan matapos ay binigyan sa nito ng makahulugang tingin bago kindatan. Naka ngiting napailing nalang si Aaron nang kanyang maintindihan ang ibig ipakahulugan ng pinsan.
End of Flashback***
Namalayan nalang ni Aaron na ang tinatahak nyang daan ay papunta sa isang lugar kung saan nagsimula ang lahat na kung saan una nyang nadama ang kakaibang pakiramdam para sa isang tao. Namili sya ng pasalubong para sa taong iyon nang hindi namamalayan nakangiti rin sya habang tinatahak ang daan patungo roon.
Samantala, abala si Sandy sa pag-aayos sarili dahil sa hapong iyon ay mayroon syang pupuntahan, isang napakahalagang tao sa buhay nya. Nang matapos si Sandy ay sya namang pagkatok ng hindi inaasahang bisita. Nagmadali si Sandy upang pagbuksan ang sino mang bisita sa hapong iyon. Nang mabuksan naman ang pinto nang tuluyan ay parang may nagkakarerahang mga kabayo sa kanyang dibdib ng makita ang bisita.
"Hi" Bati ni Aaron sakanya habang may ngiti sa mga labi. Sa t'wing makikita nya ang binata ay hindi nya malaman kung saan ba nanggagaling ang kabang kanyang nararamdaman.
"H-hello. Hmm.. May kasama ka?" Tanong ng dalaga na mahihimigan ang pagkailang sa huli.
"Wala, ako lang mag-isa. Mukhang may lakad ka wrong timing yata ako." Saad ni Aaron ng mapansing ayos na ayos sya.
"Oo e, may puputahan lang ako. Bakit ka pala pumunta, may kailangan ka?" Tanong ni Sandy na mababakasan ng pagtataka hanggang ngayon.
"Wala naman, kung okay lang sayo ay pwede ba kitang samahan sa pupuntahan mo?"Nahihiya ngunit may ngiti sa mga labi ng binata ng tanungin nya ang dalaga napatitig lamang sakanya ang dalaga dahil sa pagtataka.
"Kung hindi pwede ay---" Naputol ang sasabihin ng binata ng biglang magsalita ang dalaga.
"Okay lang. Sige, samahan mo na ako saglit lang naman ako e." Pagpayag ni Sandy na kahit sya ay hindi malaman kung bakit nga ba sya pumayag na samahan nito. Napangiti naman si Aaron dahil sa pagpayag ni Sandy na hindi nya naman inaasahan.
Nang hapon din iyon ay tuluyan ng umalis ang dalawa upang puntahan ang napakaimportanteng tao sa buhay ni Sandy. Sinabi ni Sandy kay Aaron na dumaan muna sila sa isang kilalang flower shop sa lugar malapit kung saan ang sadya nila. Nandoon ang sabik sa mga mata ng dalaga habang tinatahak nila ang sementeryo. Mababakasan naman ng pagtataka ang nagmamanehong binata nais mang magtanong ay mas pinili na lamang nyang manahimik.
