KABANATA 10

3 2 0
                                    

"Flowers for you, miss beautiful." Bungad ni Aaron kay Sandy habang nakalahad ang isang pumpon ng red tulips sa harap ng dalaga.

Agad namang napatingin ang dalaga sa hawak nitong mga bulaklak. Napangiti ng makitang ang paboritong bulaklak ang ibinibigay sakanya ng binata.

"Salamat." Simpleng tugon ng dalaga, hindi mapigilan ang ngiti at kilig na kanyang nararamdaman.

" Alam mo ba kung bakit pulang tulips ang ibinigay ko sayo?" Naka ngiting tanong ng binata.

"Hindi, bakit nga ba?" Sagot ng dalaga na may kaakibat pang tanong.

" It's because red tulips symbolized, true love , eternal love , and undying love. Tulad ng nararamdaman ko para sayo. Sa paglipas ng panahon lalo akong nahuhulog
, mas napapamahal, parang balon sa lalim ang hirap ng umahon pa. Alam kong kahit kailan ay hindi mawawala o mamamatay man lang ang nararamdaman ko." Hindi maiwasan ni Sandy na kiligin hindi lamang sa mga salitang binitiwan ni Aaron, kundi dahil na rin sa mga ipinapakitang pagpupursige ng binata para mapasagot sya.

Walang araw na hindi ipinaramdam ni Aaron kay Sandy na special syang tao na kung tratuhin sya nito ay parang isang makabasag pinggan.

"Aaron..." Basag ni Sandy sa katahimikang namumuo sa pagitan sa kanilang dalawa ng binata isang araw habang sila ay naglalakad sa parke malapit sa kanyang bahay.

"Yes, miss beautiful?" Nakangiting tanong ni Aaron. Hindi naman maiwasan ni Sandy na mapangiti sa kilig, nakasanayan na sya nitong tawagin sa bansag na Miss beautiful at maging sya ay nasanay na rin dito.

"Hmm... Ano kasi, we both know na hindi pa tayo umaabot na isang taon na magkakilala even just a half year but I know , I feel that you are serious sa panliligaw sa'kin. Ano... "

Hindi matanggal ni Aaron sa dalaga ang kanyang paningin. Kinakabahan man sa sasabihin ng dalaga ay pinili nya paring ngumiti. At tatanggapin nya kung ano mang maging desisyon nito. Kahit pa mabasted sya nito ay tatanggapin nya ng buo.

Samantala, si Sandy naman ay pinakatitigan din ang mukha ng binata. Nais nyang makita ang bawat reaksyon nito sa kanyang sasabihin.

"Sinasagot na kita." Ani Sandy , hindi nya matanggal ang kanyang paningin sa binatang nasa harap nya ngayon at mas lalong lumapad ang ngiti nito hanggang sa namalayan nya na lamang na akap-akap na sya nito.

"Thank you, Sandy. Thank you sa pagtitiwala mo sa'kin. Hinding hindi ko sasayangin ang bawat sandali na magkasama tayong dalawa. I love you, Sands." Ani ng binata.

" I love you too, Aaron." Ngiti ng dalaga atsaka sinuklian ng isang hamigpit at puno ng pagmamahal na yakap ang binata.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now