"Aaron, paki hinto nalang dyan sa gilid." Ani Sandy ng mapansin nyang malapit na sila sa puntod ng taong nais nyang dalawin. Tahimik naman na sinunod ni Aaron ang utos ng dalaga matapos nyang iparada ang sasakyan ay agad syang nagmadaling bumaba upang mapagbuksan ang dalaga ng pintuan. Tila ba nakasanayan nya na itong gawin sa t'wing ang dalaga ang kanyang kasama.
"Salamat." Saad ni Sandy. Agad namang lumakad ang huli upang magtungo sa kanyang pakay. Huminto lamang siya at ang kasama ng marating nila iyon. Tahimik na sinindihan ni Sandy ang dalang kandila at inilapag sa tabi ng lapida ang pumpon ng kulay puting mga rosas.
Samantala abala naman sa paglinga ang kasama nyang si Aaron na natigil lamang ng marinig ang kanyang boses.
"Hi mom, it's been a long time since you've let me. I missed so much. I don't know how I've survived without you, mom. Siguro dahil na rin sa presensya nila Alvin and Christine kaya ako nabuhay ng matagal. They never left me, they are become my family though even when you're still alive back then you treated them as your real daughter and son. I hope you're still here by myside, mom. But it won't happened again because you're with god na. Sana masaya kana dyan mom. I loved you." Nakinig lamang si Aaron sa mga sinabi ni Sandy.
Ramdam nya ang lungkot at pagkalumbay nito sa magulang na ngayon ay nasa langit na. Nasaksihan ni Aaron kung paanong tumulo ang luha ng dalaga habang nagsasalita ito hanggang sa matapos kaya agad nyang kinuha ang kanyang panyo sa bulsa upang iabot sa dalaga.
"Ah, Sandy." Tawag nya dito nagulat naman ito pagkalingon sakanya tila nalimutan nitong may kasama nga pala sya. Ilang saglit lang ay ngumiti ito, tila ba nahimasmasan. Iniabot nya rito ang panyo na agad namang kinuha ni Sandy.
"Salamat, nakalimutan kong kasama kita. Pasensya na nakita mo ang kadramahan ko." Pag-amin ng dalaga sa binata. Nagkamot ng sentido ang dalaga. Nahihiyang tumingin sya sa binata at nag-iwas din agad nang makita nyang nakatingin ito sakanya.
"Ahm... Mom, sorry I forgot. I'm with Aaron. He's Alvin's cousin." Ani Sandy.
"Hi po tita" Bati ni Aaron sa mommy ni Sandy. Napangiti naman ang dalaga sa pagbating iyon ni Aaron sa kanyang nanay. It was her first time na magsama ng ibang tao sa puntod ng kanyang mommy. Bukod sa kanyang mga kaibigan ay si Aaron lamang ang nasama nya rito. Kahit pa ang mga naging Ex-boyfriend nya ay hindi nya nasama sa puntod ng kanyang mommy.
Huli na nang ma-realized ni Sandy ang kanyang ipinangako sa kanyang yumaong ina. Ilang saglit pa ang inilagi nila sa lugar bago nagpaalam sa puntod ng kanyang ina bago umalis. Hindi naman maiwasang isipin ang kanyang ipinangako sa ina ay hindi nya na matutupad. Napansin ni Sandy na imbis na dumiretso ng tinatahak na daan si Aaron ay inilihis ito nang huli. Napansin naman ng binata na tila nagtataka ang dalaga sa tinatahak na daan.
"Don't worry, wala akong balak na gawin sayong masama, Sands. I texted Alvin and Christine that you're with me. Incase you know.. hanapin ka nila atleast they know that your in good hand." Paliwanag ni Aaron ngunit tila hindi sapat ang kanyang paliwanag upang mawala ang pagtataka sa mukha ni Sandy.
"Saan mo ba ako dadalhin? Hindi ba dapat ay tinanong mo muna ako?" Asar na tanong naman ni Sandy.
Agad namang natigilan si Aaron, napakatanga nya upang makalimutan iyong itanong sa dalaga.
"Sorry, ihahatid nalang kita--" Hindi naituloy ni Aaron ang sasabihin nang magsalita si Sandy.
"No, just go." Ani Sandy.
"Are you sure? Baka napipilitan ka lang." Binigyan lamang sya ni Sandy ng isang tingin dahilan upang ipagpatuloy na nito ang pagmamaneho. Ilang oras pa ang kanilang byinahe bago marating ang isang matarik na lugar. Masisilayan mula sa kanilang kinatatayuan ang liwanag na nagmumula sa mga nagtatatugang istruktura sa syudad. The place is undeniably gorgeous for Sandy. It was her first time to be with this kind of place. The wind was too cold that make her closed her eyes and braced herself. Tila gumaan ang kanyang pakiramdam sa mga oras na iyon na kanina lamang ay napakabigat.
Hindi nya namalayan na kanina pa pala sya naka ngiti at lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa pala may nagmamasid sa bawat reaksyon na kanyang ipinapakita. At iyon ay si Aaron.
