KABANATA 9

3 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang nanggaling sila Aaron sa Antipolo. Matapos ang tagpo nila ng gabing iyon ay inihatid na si Sandy ng binata sa kaniyang tinutuluyan.

Magpahanggang ngayon ay tila hindi parin maka paniwala sa mga nangyayari ang dalaga, paano ba naman matapos ng gabing iyon ay kinabukasan binisita ulit sya nang binata at ang lalong hindi makapag paniwala sa dalaga ay nang ipagluto sya nito ng pang umagahan. Tulad na lamang ngayon, tila nananaginip si Sandy habang nakatanaw sa binata na ipinagluluto na naman sya ng mirienda.

"Done" Saad ng binata sabay ng pag patay ng kalan. Tila hindi naman natinag ang dalaga at iyon parin sya at nakatanaw sa binata.

"Hey, let's eat." Agad na nagising ang diwa ni Sandy ng tapikin sya ng binata.

"Ang bango naman, mukhang masarap ah." Ani Sandy habang nakatingin sa pagkaing inihain ni Aaron. Simpleng pasta lamang iyon na ayon sa binata ako Aglio olio.
 
"Lahat naman ng luto ko ay masarap. Pero may mas masarap pa d'yan." Naka ngising saad ni Aaron habang nakatingin sa dalaga pinapanood ang bawat reaksyong nagmumula sa dalaga.

"Huh? Ano naman?" Tanong ni Sandy habang ngumunguya ng Pasta. Masarap ito gaya ng inaasahan, simple ang lasa katulad ng itsura na may konting anghang.

"Ako" Sagot ni Aaron dahilan upang masamid ang dalaga. Hindi naman magkaundagaga ang lalaki sa pag abot ng maiinom sa dalaga. Nang matapos makainom ni Sandy ay hindi ito makatingin ng diretso kay Aaron.

"Para kang timang, alam mo yon?" Ani Sandy na hindi nakalingon sa binata dahil batid nyang namumula na ang kanyang mukha.

Samantala, aliw na aliw naman si Aaron sa mga kilos ng dalaga. Mahahalata kasi sa huli ang pagkahiya nito sa kanya.

"Tigilan mo ako sa mga tingin mong ganyan, Aaron." Awat ni Sandy.

"I can't stop myself looking at you, Sands." Saad ni Aaron habang naka ngiti at nakatitig sa dalaga. Napatigil naman ang dalaga sa pagsubo ng pagkain habang parang baliw na nangingiti nang dahil sa sinabi ni Aaron.

"Masyado ka namang nagpapakilig, baka umasa ako." Biro ng dalaga na sinundan ng mabining pagtawa.

"I'm serious about what I've said last time, Sandy. If I am not, I would not be here." Tugon ng binata dahilan upang hindi agad makapagsalita ang dalaga.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Hindi pa ito mapuputol kung wala lang sanang kumatok sa pintuan ng tinitirhan ni Sandy. It was a relief for her because of the awkward atmosphere that slowly filled them.

Akma nang tatayo si Sandy upang buksan ang pinto ng unahan sya ni Aaron. Wala syang nagawa kundi sundan na lamang ito. Nang oras na mabuksan na ni Aaron ang pinto ay bumungad sa kanilang harapan ang pinsan na si Alvin at ang nobya nito. Kapwa may kakaibang kahulugan ang mga mata at iniisip kung bakit sila magkasama ni Sandy.

"Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ni Aaron.

"Well , we always here to visit Sandy. Ewan ko lang sayo..." Ani Christine na binigyan pa ng makahulugang tingin si Aaron.

"Ah, ano kasi-" Hindi na natapos ni Sandy ang balak nyang sabihin ng pinutol ito ni Aaron.

"Actually, nandito ako dahil nililigawan ko si Sands." Walang kagatol-gatol na saad ni Aaron.

Samantala, gulat na nakatingin sakanya sila Christine at Sandy na hindi makapaniwala sa sinabi ng binata. Seryoso namang nakatingin si Alvin sa kanyang pinsan.

"OMG, BESHYYY. Totoo ba 'yon?" Halos mamilipit sa kilig na tanong ni Christine kay Sandy ng magsink in sa kanyang utak ang sinabi ni Aaron.

Napaisip naman bigla si Sandy kung nagpaalam ba sakanya si Aaron na ligawan sya ngunit wala naman, pero para sakanya sapat naman na ang ipinapakitang kilos nito at salita para masabing nanliligaw nga ito sakanya.

"Oo..." Mahinang sagot ni Sands, tila nahihiya.

"Ron, don't you ever try to hurt Sandy's feeling. I'm telling you, binabalaan na kita. Kahit pa pinsan Kita." Ani Alvin, mababakasan ng kaseryosohan ang tinig nito.

"I'll promise, hindi mangyayari yon." Nakangiti ngunit mararamdaman ang sensiridad at kaseryosohan sa sagot na iyon ni Aaron sa kanyang pinsan. At dahil don hindi maiwasan ni Sandy na mapangiti.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo." Ani Alvin. Matapos nang tagpo ay pinasabay na nila ang bagong mga bisita sa kanilang mirienda.

Napuno ng kwentuhan ang hapag nang hapong iyon. Paglipas lamang ng ilang oras ay nagkayayaan na ang magnobyo at nobya na umuwi. Samantala, naiwan naman si Aaron sa bahay nila Sandy at kasalukuyang naglilinis ng mga pinagkainan nila. Nais sana ni Sandy na sya ang gumawa nito ngunit hindi sya hinayaan ng binata na kumilos kaya ang ginawa nya na lamang ay panoorin ito.

Napaisip tuloy si Sandy na napaka swerte nya sa kanyang manliligaw ngayon. Kung dati kasi ay kahit manlang magprinsinta sa paghuhugas ng pinagkainan ay hindi magawa ng mga naging nobyo nya. Hinahayaan lamang sya ng mga itong kumilos mag-isa. Batid nyang hindi tamang ipagkumpara ang mga ito ngunit hindi nya maiwasan at hilinging 'Sana lamang ay hindi lamang sa simula ganito si Aaron'. Dahil alam nya sa simula palang ay maypag-asa na ang binata sakanya.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now