"Dapat kasi sa simula palang ay nagsalita kana at sinabi na kaagad ang pakay mo, Aaron." Saad ni Alvin kay Aaron na kanyang pinsan."Eh, sa natulala ako no'ng una, nagulat ako sa itsura nung kaibigan mo, mukhang sabog na ewan." Ani Aaron. Totoong iyon ang ikinagulat nya nang bumungad sa kanya ang dalaga. Hindi nya inaasahan na ganon ang itsura nang babae, malayo sa ipinakitang larawan ng kanyang pinsan sa kanya. Natawa si Alvin sa reaksiyon ng pinsan. Ang invitation card kasi na sya sana ang mag-aabot sa dalaga na ipinasuyo ng kanyang pinsan ay isang wedding invitation. Na kung saan ang groom ay ang kanyang pinsan na si Alvin.
"Siguro ay katatapos lang nyang magsulat sa mga oras na 'yon." Ani Alvin. Batid ni Alvin ang pangarap ng kanyang kaibigan. Unang taon lamang nila ni Sandy sa kolehiyo ng makilala nila ang isa't-isa. Dahil na rin sa pagiging magiliw at madadal ng dalaga ay naging malapit ito sa kanya . Walang kapatid si Alvin kung kaya't kung ituring nya ito ay parang nakababatang kapatid. Inilahad naman ni Aaron ang Invitation card kay Alvin.
"Ikaw na lang ang mag-abot nyan ng personal sa kaibigan mong zombie, bro." Ani pa nito. Tumango si Alvin bilang tugon.
"Ako na nga siguro." Ani pa ng huli.
Kasalukuyang nasa kasarapan ng tulog naman si Sandy ng makarinig ng ingay na nagmula sa kusina dahil tunog iyon ng isang kalderong walang laman. Sa isip-isip nya'y sikat na sikat ang araw kung magnakaw ang taong iyon, kung magnanakaw nga ito. Tumayo si Sandy sa kanyang higaan at nagtungo sa likod ng pinto ng kanyang kwarto at kinuha roon ang baseball bat. Agad na nagtungo ang dalaga sa kusina at aambahan na sana ng hampas ang nakayatong lalaki sa loob ng kusina, ngunit bigla ay naibaba nya ito ng makilala kung sino ang lapastangang pumasok sa pamamahay nya nang walang paalam.
"At sinong nagsabing pumasok ka sa pamamahay ko, aber?" Kunwari'y masungit na tanong ni Sandy. Gulat na napalingon ang lalaking naka-apron ngayon sa harap nya. Napatingin ito sa Baseball bat na hawak nya simula pa kaninang pagpasok ng kusina.
"Wag mo sabihing may balak kang hampasin ako nyang hawak mo?" Natatawang ani Alvin. Ngunit napalitan din ito ng seryosong mukha.
"Oh, bakit bigla kang nagseryo dyan?" Kinakabahang tanong ni Sandy. Batid nya na kung bakit biglang nagseryoso ito tinanong lamang nya upang mabawasan ang takot. Takot sya rito kahit pa sabihing hindi naman sila magkaano-ano, dahil ang tingin nya rito ay isang kuya. Alam nyang may mali syang nagawa o mastamang sabihin na nakalimutang gawin para sa kaligtasan nya bilang isang babae.
"Ilang beses ko bang kailangang ipaalala sayo na ipadlock mo ang pinto mo." Seryosong sabi saad ni Alvin. Mababanaag din ang pag-aalala sa boses nito. Napakamot na lamang ng ulo ang dalaga.
"Hehe. sorry naman." Lalong nagsersoyoso ang binata.
"Maliligtas ka ba ng sorry kung sakali, Sandy? Babae ka at nag-iisa ka lang dito sa bahay. Paano kung pasukin ka rito ng masasamang loob? Paano kung yung mga naging ex-boyfriend mo ay puntahan ka---" Hindi natuloy ni Alvin ang sasabihin ng awatin sya ng dalaga sa pagsasalita.
"Weyt lang, easy ka lang." Saad ni Sandy. "Alam mo Alvin, walang ex ko na maglalakas loob na puntahan ako dito. Aba, ang kapal naman ng peys nila pag nagkataon. Basagin ko itlog nila. Matapos akong lokohin pupunta sa teritoryo ko? Duh..." Litanya nya, napailing na lamang si Alvin sa dahilan nya.
"Sa susunod ay ilock mo 'yang pinto. Mayayari ako kay Christine pag may nangyari sayo." Banggit nito sa fiance nya. Kasalukuyan itong nasa America ngayon dahil may mahalagang inaasikaso. Matalik na kaibigan din ito ni Sandy, pangalawang taon naman nila sa kolehiyo ng makikilala nila ito.
"Ayon naman pala, natatakot na may mangyaring hindi maganda sa'kin dahil sa fiance nya." Pumalatak pa si Sandy habang iiling-iling.
"Baliw." Saad ni Alvin pagkatapos ay pinatay ang kanina pang nilulutong pagkain.
"Kumain kana dyan, anong oras na. Malamang sa malamang ay hindi kapa kumakain. Ito nga pala yung Wedding invitation para sayo, aalis nako. Ilock mo yung pinto." Paalala ni Alvin bago umalis. Hindi na kumibo ang dalaga at hinatid na ang kaibigan sa labas doon nya lang napagtanto na padilim na rin pala, hindi nya na naman nya nasilayan ang haring araw.
Nang makapapasok na sa bahay ay inilock na nya ang kanyang pinto tulad ng bilin ng kaibigan. Pagdating sa kusina ay agad na binuksan nya ang Wedding Invitation na inilapag nya roon, inaasahan na nya na s'ya ang Made of honor ngunit ang Best man ay hindi nya kilala. Aaron Montillon?