Nang buksan ni Sandy ang kanyang cellphone ay pulos missed call at mensahe nila Alvin, Christine, at Aaron ang bumungad sakanya. Magtitipa na sana sya ng sagot para kay Alvin ngunit naunahan sya ng pagtawag nito.
"Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko, Sandy. We've been calling you." Bungad ni Alvin nang sagutin nya ang tawag nito.
"How have you been? Are you alright? Where are you?" Patuloy pa nito.
" Don't worry, Alvin. I'm all good." Ani Sandy kahit na ang totoo ay nasasaktan parin sya ng dahil sa nakita.
Pinag-iisipan pa nya pa kung tama bang sabihin sa mga ito kung nasaan sya o hindi. Sa huli ay nagpasya sya na sabihin nalamang. Ngunit bago pa masabi ang nais ay narinig nya ang boses nang kanyang nobyo. Dahilan upang itikom nya na lamang ulit ang bibig.
"Alvin, is that her?" Tanong nito. Walang narinig na tugon si Sandy mula sa kaibigan. Ngunit may kaluskos syang narinig mula sa kabilang linya, iyon ay dahil pinasa ni Alvin sa pinsan ang telepono.
"Babe, where are you? Please tell me."
Bakas ang pagmamakaawa sa boses ng kanyang nobyo. Muli ay iyon na naman ang pag- atake ng kirot sa kanyang puso."B-babe, please m-maniwala ka sa'kin kung ano man y-yung nakita mo, I swear, h-hindi ko ginusto yon." Patuloy pa nito. Panandaliang huminto si Aaron bago magpatuloy sa pagsasalita.
Napatakip nalamang ng bibig si Sandy nang marinig ang pagtangis ng kanyang nobyo sa kabilang linya. Nais nya mang magsalita ay animo'y may bumabara sa kanyang lalamunan dahilan upang hindi sya makasagot.
"Babe, please... Maniwala ka." Pagsusumamo ni Aaron.
Hirap man ngunit pinilit na makasagot ni Sandy upang mapanatag ang loob nang kanyang mahal na lalaki.
"I.. I believed in you. But, p-please for now, hayaan mo muna ako. I n-need air to breathe and space to think." Pakiusap nya.
Totoong naniniwala sya sa nobyo. Ngunit hindi rin sarado ang kanyang isipan sa lahat ng posibilidad. Lalo na at naging mabilis sa kanila ang lahat.
"Babe, a-are you brea--" Nahihirapan na saad ni Aaron ngunit agad na sinagot ni Sandy.
"No, Aaron. I'll promise you, I will be back." Paninigurado nya. Marahil ay nasasaktan man sya ngunit hindi nya hahayaan ang sariling magpalamon sa galit at selos.
"Hihintayin kita, babe. Maghihintay ako. I loved you so damn much. In a way that I wouldn't let you get out of my hand." Ani Aaron sa mababang boses. Bagaman luhaan at nasasaktan ay napangiti si Sandy. Ang sakit na kanyang nadarama ay uniti-uniting naglalaho sa mga salita ng kanyang nobyo.
Mula sa mataas na bahagi ng Antipolo kung saan nakatayo ang dalaga kita nga ang mga nagtatayugang mga istruktura sa syudad. Kahit na madilim ay animo nagliliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw.
Pangatlong araw na syang nananatili rito. Matapos ang pag uusap nya at ng kanyang nobyo ay naisipan nyang sa Antipolo nalamang magpalipas ng ilang araw. Magmula kasi ng makilala nya si Aaron ito na ang isa sa mga lugar na nais nyang balik balikan.
Samantala, nais nya sanang lisanin ang magandang lugar ng tahimik at nasa maayos na pag-iisip, walang gumugulong kahit ano sa utak. Ngunit nasira ang planong iyon ng bigla nalang syang tawagan ni Christine at ibinalita ang isang bagay na hindi nya ni nais na marinig.
