People always get hurt when they are inlove. Loving means hurting. Hindi mo maiiwasang hindi masaktan ang damdamin ng taong mahal mo intentionally or not.
Sa kaso nila ni Aaron hindi intention ni Aaron na masaktan sya. Sapagkat hindi naman gusto ng huli ang nangyari sa kanila ng ex nya.
Yan ang tanging nasa isip ni Sandy habang nagmamaneho patungong Airport para habulin at pigilan ang kanyang kasintahan sa balak nito.
Ala sais nang umaga ay binulabog sya ng ingay ng kanya cellphone. Dahilan upang magising sya sa kanyang masarap na tulog. Walang pag-aalinlangan nyang sinagot ang tawag mula kay Christine.
"Sandy!" Napapalikwas na lamang sya sa biglaan pagsigaw nito. Ani moy natataranta.
"Stop yelling, Christine. Ano bang problema?" Tanong nya rito ng mahinahon kahit bigla na lamang syang nakaramdam ng kaba.
"Si Aaron. Aalis na si Aaron! Pigilan mo sya dahil hindi na sya babalik pa rito sa bansa. Alas nuebe ang flight nya patungong San Fernando." Ganon na lamang ang kanyang kaba at tuluyan na syang napatayo sa kanyang higaan.
Matapos sabihin ni Christine ang detalye sa oras ng pag alis ni Aaron ay agad nagmadali si Sandy. Natataranta na sya sapagkat hindi nya malaman kung aabot pa ba sya oras. Isang oras nalang mahigit ang natitira.
Matapos ang mahaba-habang byahe ay sa wakas nakarating na rin sya sa paliparan. Yun nga lang paano nya hahanapin ang nobyo sa lugar na ito. Sinubukan nyang tawagan ang nobyo ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag. Panay lamang ang pag ring nito. Maging ang mga kaibigan ay ganun din.
Isa nalang ang naiisip nya paraan para mahanap ito.
"Aaron!" Sigaw nya. Hindi alintana ang mga taong napapatingin sakanya.
"Aaron!" Ulit nya habang tumatakbo sa paligid.
"Aaron!" Pangatlong sigaw nya. Pagod man pero hindi sya susuko. Tanging hiling nya sa mga oras na 'yon ay marinig na sya ng kanyang nobyo.
Tumatakbo nyang nilibot ang paligid, nang mapansin nya ang oras. Tila bigla ay nanlumo sya. Hindi nya malaman ang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Bigo na naman sya.
"Aaron..." Mahinang saad nya. Napayuko na lamang sya at unti-unti'y naging malabo ang paningin dahil sa mga nagbabadyang luha.
Ngunit nanlalabo man ang paningin ay nagawa nya paring maaninag ang pares ng sapatos na huminto sa kanyang harapan. Hindi pa man nakikita ang may ari non ay biglang bumilis na ang tibok ng kanyang puso.
Nang tuluyan ng inangat ni Sandy ang kanyang paningin, doon ay nasalubong nya ang mga mata ng kanyang nobyo na nakatingin at nakangiti sakanya.
"Oh, babe! Don't cry please." Saad ni Aaron nang lapitan nya si Sandy.
"Anong 'Don't cry'? Aalis ka, iiwan mo ako ng walang pasabi. Tapos 'Don't cry'?" Umiiyak na saad ni Sandy sa binata. Hindi nya malaman kung matutuwa ba syang nandito ito ngayon sa harapan nya o maiinis dito.
"Hindi kita iiwan, babe. I am just going to somewhere to meet someone." Nakangiting saad naman ni Aaron.
"Somewhere? Yaang somewhere mo saan papunta? Sa ibang bansa, sa California? At Someone? Really? Sa Ex mo? Aaron... Hindi naman ako nakipagbreak sayo ah. Ang sabi ko lang I need air to breathe and space to think. Pero bakit naman ganito?" Mahabang litanya ni Sandy. Hindi nya alam kung bakit simula kanina hanggang ngayon na tapos na syang magsalita ay nakatingin lang ito sakanya. Pinapanood ang reaksyon nya at nakangiti pa! Samantalang sya ay luhaan na.
'Nasiraan na ba 'to?' tanong ni Sandy sa sarili.
"You look cute when you're mad, babe." Napahawak na lang si Sandy sakanyang noo. Hindi na alam ang sasabihin sa nobyo.
"But look, babe... " hinawakan ni Aaron ang kanyang baba upang salubungin ang tingin ng isa't-isa.
"Hindi ako aalis ng bansa at pangalawa hindi ako makikipagkita sa Ex ko. I'm just going to meet a special person." Pagpapatuloy ni Aaron. Seryoso na itong nakatingin ngayon sakanya, hawak pa nito ang kanyang mukha.
"Pero sabi ni Christine..." Halos bulong na saad ni Sandy. Ipinantay nya nalang ang tingin sa dibdib ng nobyo dahil sa hiya.
"Tsk, you believed in her? Puro kalokohan lang ang alam ni Christine." Natatawang tanong ni Aaron. Napanguso nalang si Sandy sa binata hindi alam ang sasabihin. Looks like childish but cute for Aaron when he watched Sandy's doing that.
"Hindi mo man kayang magkaroon ng happy ending sa mga kwento na isinusulat mo, but at the end of the day, I will surely promise that you will have your happy ending with me. Forever and ever." Dahil sa sinabing 'yon ni Aaron ay bigla ay napaangat ng tingin ang dalaga sakanya. Namamangha sa sinabi ng binata. She felt like special and so much loved because of the man in front of her.
"Thank you for loving me, Aaron." Tanging saad ni Sandy.
"Don't thank me. I should be the one thanking you. Thank you for coming into mylife. You've changed my life, babe. You became now the center of it all. Without you , I will never be contented and happy as this." Madamdaming saad ni Aaron. While, Sandy can't stop herself from crying. She cried because of so much happiness. And without hesitation she landed a kiss on Aaron's lips with a smile.
Aaron can't stop himself from smiling. Dahil simula nang makilala nya ang dalaga alam nya na sa sarili nya na ito na ang babaeng mamahalin at makakasama nya sa buong buhay nya.