KABANATA 11

2 2 0
                                    

"Good afternoon, babe." Bati ni Aaron sa dalaga. Hapon ng bisitahin sya nito sa kanyang bahay kasama ang dalawa nyang kaibigan.

Gulat ang rumehistro sa magkasintahang Alvin at Christine sa kanilang narinig.

Samantalang si Sandy ay hindi maiwasang kiligin sa tinawag ng kanya na ngayong nobyo na si Aaron. Tila ngayon ay nagustuhan nya ng magkaroon ng endearment taliwas sa kanyang pananaw noon.

"Hi." Ang salitang lumabas lamang sa bibig ni Sandy. Tila nauubusan sya ng sasabihin kapag nakikita nya ang kagwapuhan ng kanyang nobyo.

"Aaron, anong tinawag mo kay Sandy?" Gulat na tanong ni Christine.

"Did you just call her 'babe'?" Gulat din na tanong ni Alvin.

"Ano kasi--" Hindi natapos ni Sandy ang sasabihin ng bigla ay lumapit sa kanyang tabi si Aaron at bigla sya nitong yakapin.

"She's my girl now." Nakangiting saad ni Aaron na ang mga mata ay nasa dalaga.

"OMG!!!! Beshy, kailan pa? Bakit wala kang na k-kwento? Bakit?" Umarte pang kunwari ay nasasaktan si Christine sa hindi pagsabi ng dalaga sa kanya.

"Hmm, kahapon lang. Actually, sasabihin naman talaga namin sa inyo ngayon. Kaya lang epal din minsan tong pinsan mo Alvin. May pa Babe pang nalalaman." Paliwanag ng dalaga.

"Tsk. Kunwari kapa kinilig ka naman sa Babe. Hahahaha." Mapang asar na saad ng binata.

"Whatever." Nakangiting saad ni Sandy.

Samantala, si Alvin at Christine naman ay naiiling nalang sa dalawa.Pero kahit na ganon ay masaya si Christine dahil sa simula palang ay ito na ang plano nya. Ang ireto ang dalawa sa isa't-isa.

Lumipas ang ilan pang mga araw at linggo ay laging magkasama sila Sandy at Aaron. Nariyan ang lagi nilang pagpasyal sa iba't-ibang lugar upang mamasyal o kumain. Hindi nauubusan ng surpresa ang binata para sakanyang nobya.

Samantala, simula ng maging nobyo na ni Sandy si Aaron ay unti-unti na nitong nababalik ang tiwala nya sa mga lalaki. Unti-unti ito ang tunay na makakapagpatunay na hindi lahat ng lalaki ay manloloko. She was blessed to have him.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, bigla ay naranasan na naman ni Sandy na gumuho ang mundo at mawasak ang puso ng sobra.

Kasalukuyan syang nasa loob ng kanyang sasakyan, nakaparada sa pangatlong bahay bago ang tinitirahan ni Aaron. Nais nya sanang surpresahin ito sa ika-dalawang buwan ng kanilang relasyon. Ngunit tila sya pa ang na surpresa sa kanyang inabutan.

Nakatayo si Aaron kasama ang isang babaeng balingkinitan ang katawan, morena at mahaba ang straight na buhok sa labas ng bahay nito. Hindi nya man nakita ang mukha nito, ngunit nasisiguro nyang maganda ito. Okay lang sana kung simpleng nakatayo lang ang mga ito at nag-uusap. Ngunit, hindi ganon.

Nakatayo ang mga ito habang magkahinang ang mga labi. 'At talagang sa labas pa nila napiling maghalikan' sa isip-isip ni Sandy.

Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha nang imaniobra nya ang kanyang sasakyan. Nanlalabo man ang paningin ay pinilit nya paring magmaneho ng maayos upang makauwi.

Sa lahat nang naranasan nyang sakit, ito ang pinaka at halos katulad ng sakit na dinanas nya sa kanyang Ama sa panloloko nito sa kanyang ina. Sanhi kung bakit namatay ang kanyang ina. Unti-unti ay binabalot na naman sya ng masamang alaala.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now