KABANATA 5

3 4 0
                                    

"Tara na?" Bigla ay natinag ang dalaga, panandaliang nawala sakanyang isip ang lalaki. Pumihit sya paharap sa binata ganon na lamang ang gulat ni Sandy nang pagpihit nya napakalapit na ng kanilang mukha sa isa't-isa. Napaatras sya bigla dahilan upang mawalan ng balanse ngunit bago pa sya tuluyang bumagsak ay nahawakan na ni Aaron ang kanyang braso, ngunit lalo lamang syang napapitlag nang muli ay maramdaman naman ang kakaibang boltahe na naglakbay sa kanyang katawan.

"Hey, para ka namang nakakita ng multo. Umayos ka nga." Suway ng binata sakanya.

"Bakit ba kasi napakalapit mo? Tsk. Alis nga dyan." Asar na saad ng dalaga sabay lakad palayo sa binata. Agad naman na hinabol ni Aaron ang dalaga.

"Hoy, sandali saan ka pupunta? Sa'kin ka sasabay bilin 'yon ng pinsan ko sayo at pati na rin sa'kin, sumunod ka nalang sa'kin." Walang nagawa ang dalagang si Sandy kung hindi ang huminto sa paglalakad nang ipaalala nito ang bilin ng kaibigan. Hindi nya maaring suwayin ito dahil mayayari sya kapag nagkataon lalo na't pinsan pa nito ang inutusan. Napatingin sya bigla sa binatang nauna nang magtungo kung saan nakapark ang sasakyan nito mabilis na sumunod sya rito na naabutan nya rin naman.

Nang makarating sa tapat ng sasakyan ay pinagbuksan sya ni Aaron ng pintuan, sa isip-isip ng dalaga ay gentleman naman pala ang lalaki. Matapos nyang makasay ay agad din na sumakay ang binata sa driver seat at pinaandar ang makina upang uminit, paglaon ay nilisan na nila ang lugar. Tahimik ang naging byahe ng dalawa wari'y isang malalim na gabi dahil sa sobrang tahimik. Walang nais bumasag nang katahimikan. Agad din naman nilang narating ang bahay kung saan naninirahan ang dalaga. Pagkarating ay bumaba agad ang binata at pinagbuksan si Sandy na namamangha pa sa ginawa ng lalaki sakanya.

"Salamat sa paghatid" Saad ng dalaga sa binata. Ngiti lamang ang isinagot ng binata bago ito pumasok sa sasakyan.

"Welcome" Pahabol ng binata bago umalis at may kasama pang pagkaway. Samantala hindi namalayan ni Sandy na kanina pa pala sya nakangiti, hindi na napalis ang ngiti nya sa araw na iyon. Bago matapos ang araw ay masaya nyang itinuloy ang pagsusulat sa ginagawang istorya.

Lumipas ang ilang araw ay naging abala si Sandy pagsusulat, naging makalat na naman ang kanyang paligid. Nagkalat na walang laman na cup noodles tambak na labahin at maalikabok na paligid. Ala-sais na nang umaga ngunit ayon na naman sya at dilat na dilat nakaupo sa study table kaharap ng kanyang computer tinatapos ang kanyang isinusulat na istorya na malabo na namang magkaroon ng happy ending. Napapabuntong hiningang napatigil sya sa pagtitipa ng marinig na mayroong kumakatok sa kanyang pintuan sa isip-isip ay sino na kaya ang bisita nya nang ganoong oras. Tamad na binuksan nya ang pinto na nasa baba pa ang tingin ng tuluyan nyang mabuksan ang pinto ay gulat na napatingin sya sa bumungad sa kanya.

"Good morning" Bati pa nang kanyang bisita sa umagang iyon. Gulat parin syang nakatingin sa sino mang nilalang ang nasa kanyang harapan.

"G-good morning, a-anong ginagawa mo rito?" Hindi alam ng dalaga kung bakit bigla ay nautal sya sa kaharap.

"Ah, kasama ko sila Alvin at Christine pumunta rito. Ang totoo ay sinama lamang nila ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ay kasama pa ako." Ani Aaron habang nakangiti. Agad naman na hinanap ng dalaga ang mga kaibigan ngunit nabigo syang makita ang mga ito kaya takang napabaling muli sya sa binata. Nahalata naman ng huli ang ibig sabihin ng kanyang tingin.

"Nandoon pa sila sa sasakyan, pinauna lang ako at pinadala ang mga ito." Sabay pakita ni Aaron ng mga pagkain na dala nya.

"Pasunod na rin ang mga 'yon." Dugtong pa nya ng hindi magsalita ang dalaga.

"P-pasok ka." Ani Sandy na noon ay niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Doon lamang sya nahiya sa itsura ng kanyang bahay, ni hindi nya napansin na ganon na pala ka kalat sa loob niyon.

"Parang binagyo, ah hahaha" Biro nang binata kaya lalo syang nahiya.

"Pasensya na, medyo busy lang kaya hindi pa ako makapaglinis." Ani Sandy. Maya-maya lamang ay dumating na ang dalawang magkasintahan agad na lumapit sa kanya ang kaibigang si Christine.

"Good morning, Sands." Bati nang kaibigan na agad na rin namang binati. Samantala ay nakita nya ang kaibigang si Alvin na pinupulot isa-isa ang mga empty cup noodles.

"Mukhang hindi kapa natutulog, Sandy?' Bumaling sakanya si Alvin matapos nitong pulutin ang kalat nya. Napakamot naman sya ng kanyang ulo dahil tama ito.

"Oo eh, ganon na nga." Saad nya habang nakangiti. Nakita nya naman ang pagtingin ng masama ng kanyang kaibigan at narinig ang pagpalaktak ni Christine.

"Umaga na, wala ka bang balak matulog? Nakakasama na masyado 'yang pagpupuyat mo." Ani Alvin sa naaasar na tono.

"Hindi ko lang napan---" Hindi natapos ni Sandy ang kanyang sasabihin ng bigla ay nagsalita si Christine.

"Iyan na lang lagi ang dahilan mo, Sand. 'Yang hindi lagi napapansin ang oras. Alam namin na 'yan ang pangarap mo pero h'wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Hindi ka pa man din sikat ay baka magkasakit kana." Litanya ng kanyang kaibigan. Lingid sa kanilang kaalaman ay may tahimik na nakikinig sakanila. Tila nakalimutan na yata ng mga ito na bukod sa kanila ay mayroon pa silang isang kasama.

Matapos ang mahabang diskusyunan ng magkakaibigan ay pinatulog na muna nila ang dalaga sa silid nito upang makapagpahinga. Ang dalawang magkasintahan naman ay agad na tumabi sa binata na kanina pa nanonood sakanila.

"Anong gagawin ko rito? Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ni Aaron sa magkasintahan.

"Maglilinis muna tayo habang nagpapahinga ang isang 'yon." Tukoy ni Christine sa dalagang nasa loob na ng silid. Maya-maya lamang ay nagsimula ng mag-ayos ang magkasintahan katulong si Aaron ngunit bigla ay napatigil si Aaron sa pagkilos ng mapansin ang nakabukas na monitor ng computer ni Sandy na nakapwesto sa sulok ng sala. Nang lapitan nya iyon ay napukaw nito ang kanyang atensyon para basahin ang nakasulat.

***
"Sinabi mo sa'kin na ikaw ang bubuo ng nawasak kong puso. Ikaw ang maghihilom ng sugat na iniwan ng nakaraan ko. Hindi sana ako nagtiwala sayo, alam mo kung bakit? Dahil ikaw..." Hindi na maituloy ni Klea ang sasabihin dahil sa sobrang sakit ng kanyang nadarama sa mga oras na iyon. "Ikaw ang dumurog sa nawasak ko nang puso at ang sugat na sinabi mo noong ikaw mismo ang maghihilom ay lalo mo lamang pinalalim." Pagtutuloy ni Klea.

"Sorry, Klea" Paumanhin ni Jet ngunit hindi mo ito mababakasan ng sinsiredad.

"Don't say sorry if napipilitan ka lang sabihin yan, say sorry if you mean it." Ani ni Klea habang umaagos ang mga luha sakanyang mga mata.

Sa isip-isip ni Klea ay bakit nga ba sya nagtiwala sa lalaking 'yon. Hindi pa sya natuto sa mga huling nakarelasyoon nya na puro panloloko lamang ang naging ending nila. Bakit umaasa pa syang magkakaroon pa sya ng happy ending. Itinatak nya rin sakanyang isip na sa mga oras na iyon ay hindi na sya muling magtitiwala sa mga lalaki. Dahil tulad ng kanyang ama ay manloloko lamang ang mga ito.
***

Maikli lamang ang nabasa ni Aaron sa kwentong iyon, mukha ngang ito na ang bahagi kung saan matatapos ang istorya ngunit nagtataka sya kung bakit tila malaki ang naging epekto nito sakanya. Isa lamang iyong kwento ngunit ang napakiramdam nya ay isa itong istorya na hango sa totoong buhay. Hindi man sya ang bida sa istorya at hindi nya man alam ang buong kwento ay nararamdaman nya ang sakit habang binibitawan ng bida ang linya nito.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now