KABANATA 12

2 2 0
                                    

"Babe? Nandyan kaba? "
Tanong ni Aaron nang makailang beses na kumatok sya sa pintuan ni Sandy at walang nagbubukas. Wala rin kahit ang sumagot kaya tinawagan nya ito ngunit naka off ang cellphone. Nilibot nya ang paningin sa labas ng bahay ni Sandy , doon nya lang napansin na wala ang kotse nito. 

"Alvin, where's Christine?" Bungad agad ni Aaron sa pinsan pagkasagot ng tawag nya.

"Dito sa bahay kasama ko. Why?" Takang tanong ni Alvin.

"Are you with Sandy? I can't contact her phone." Kinakabahan nyang tanong sa pinsan.

"No, wala sya rito. Wait, I tell Christine to make a call--."

"You can't. Her phone is off. I'll go to your place." Natatarantang saad ni Aaron.

"Alright, alright." Agad na binaba ni Aaron ang kanyang cellphone upang makapagmaneho ng maayos. Kinakabahan sya kung bakit ba naman hindi nya matawagan si Sandy. He also went to Sandy's place pero wala ito roon.

Samantala, ay tinatawagan naman ni Alvin ang kaibigan ngunit, nakapatay parin ang cellphone nito.

"Wala parin ba, Alvs?" Nag aalalang tanong ng kanyang nobya.

"Still off." Naiiling na saad ni Alvin.

"Baka may nangyaring hindi maganda, Alvs. Knowing Sandy , hindi sya basta maglalaho ng bigla at papatayin ang telepono, ganong alam nyang mag aalala tayo."

Natahimik ang dalawa ng bigla ay pumasok na si Aaron sa sala.

"Alam nyo ba kung saan ko pwedeng makita si Sandy?" Mababakasan na ng pag aalala ang mukha ni Aaron para sa nobya.

"Pumunta kana ba sa bahay niya?" Alvin asked.

"Yeah, pero wala sya ron. Wala rin yung kotse nya. Susunduin ko sana sya para sa surprise dinner ko pero pagdating don wala sya."

Panandaliang na tahimik si Christine ng may maalala. Kinuha ang cellphone at animo'y may tinitignan.

"I remembered, Sandy texted me kanina. She said, otw daw sya sa place mo Aaron. How come you did not meet?" Saad ni Christine.

"Anong oras sya nagtext?" Namamawis ang kanyang noo at tila may pumasok sa kanyang isip.

"It's around, 4:55 pm."

"Shit." Asar na saad ni nya. Agad na dumoble ang kaba ni Aaron. Sa isip-isip nya ay posibleng nakita ng kanyang kasintahan ang nangyari kanina.

***
"Why did you do that, Sam? How many times do I have to tell you na wala na tayo?!" Galit na galit na sigaw ni Aaron sa Ex-girlfriend nyang bigla nalamang lumitaw sa bahay nya at bigla ay hinalikan sya. 

"Baby, please. Lets get started again. Come back to me." Dahil sa narinig ay lalong kumulo ang dugo ni Aaron. Pasalamat nalang at hindi nananakit ng babae ang binata at kahit papaano ay may respeto parin sya rito.

"Hindi kaba nahihiya sa sinasabi mo? Nagiisip kaba?" Hindi mapigilan ni Aaron ang inis sa babae.

"S-sorry, Aaron." Ani Sam habang ang mga luha ay pumapatak galing sakanyang mga mata. Tinalikuran nya na ito at umalis upang sunduin si Sandy sa bahay.
***

"Seriously? After 5 months bigla nalang syang magpapakita para magmakaawa na bumalik ka sakanya? How pathetic." Asar na komento ni Christine matapos malaman ang nangyari.

"Hayaan mo muna sigurong magpalamig si Sandy sa ngayon, Aaron." Payo ni Alvin sakanyang pinsan.

"Pero Alvin, hindi pwedeng hindi ako makapag paliwanag sakanya. Paano kung makipaghiwalay sya sa'kin dahil ang akala nya niloloko ko sya?  Hindi ko kaya." Na sapo nalang ni Aaron ang kanyang noo, isipin nya palang na makikipaghiwalay ang nobya sakanya ay nasasaktan na sya. Para bang pinipiga ang kanyang puso sa sakit.

Samantala, kasalukuyang nasa tabi ng puntod ng kanyang ina si Sandy. Imbis na umuwi sya kanina ay dito sya napunta. Pinatay nya ang kanyang telepono at dito nya iniiyak ang sakit na kanyang nararamdaman sa oras na iyon. Dahil kung isa man kila Alvin at Christine ang tawagan nya at sabihin ang nangyari ay posibleng puntahan sya ng mga ito.

"Mom, ganon po ba talaga kapag nagmamahal, kailangan masaktan? Hindi ba pwedeng puro saya nalang?Talaga bang kaakibat ng pagmamahal ang masaktan? Pero mom, kung talagang mahal ka ng isang tao bakit kailangan ka nyang saktan?" Ang daming tanong na pumapasok sa isip ni Sandy sa mga oras na 'yon pero hindi iyon masasagot ng kanyang yumaong ina o kahit nino na hindi pa nararanasan ang pinagdadaanan nya sa oras na iyon.

"Sana mali ako ng iniisip. Hindi naman nya magagawa sa'kin yon diba? Kasi mahal nya ako, pinaparamdam nya sa'kin yon e. Pero sana... Sana totoo lahat ng pinaramdam nya sa'kin, mom." Pagkukumbinsi ni Sandy sakanyang sarili. Pero kahit ganon ay patuloy paring kinukurot ang kanyang puso.

WHEN YOU CAME INTO MYLIFEWhere stories live. Discover now